^

PSN Showbiz

24, ibabalik ng ABS-CBN

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Due to insistent public demand, muling ibinabalik ng ABS-CBN ang action-packed at award-winning action series na 24. Sa 3rd season, mas pinaigting ang bakbakan at aksyon. Magsisimula ito bukas ng gabi.

Ang 24 ay isa sa mga TV series na talagang inaabangan ko. Naging fan talaga ako ng dalawang naunang seasons nito. Sa totoo lang, gandang-ganda ako sa series na ito. Kaya nga natuwa ako na may 3rd season na pala ito.

Matapos mahuli at maipakulong ni Jack Bauer (Kiefer Sutherland) ang isang powerful drug lord na si Ramon Salazar (Joaquim de Almeida), ang kapatid na lalaki naman nito ang nagbabantang maghasik ng lagim sa buong America. Nagbanta ito na magkakalat ng pinakamapinsalang virus na papatay sa milyun-milyong tao kung hindi pakakawalan si Salazar.

Ma-survive kaya ni Jack ang mas matinding pagsubok sa kanyang buhay sa loob ng 24 hours? O tuluyan na siyang mawawasak this time? Abangan ngayong Biyernes ng gabi ang 24, pagkatapos ng Stained Glass.
* * *
Tunay na mahiwaga ang pag-ibig. Si Frank ay isang anak mayaman sa Bohol. Katulong naman si Nila. Langit at lupa ang tingin ni Nila sa kanila ni Frank. Hanggang ilusyon lang ang pag-ibig niya kay Frank.

Taglay ni Nila ang katangian ng isang ulirang babae na masipag, maasikaso, mapagmahal sa pamilya at may malaking pangarap.

Subalit sa ‘di inaasahang pagkakataon, nahulog ang loob ni Frank kay Nila. Hanggang sa nabuo ang isang pag-iibigan.

Pagkatapos ng anim na taon, nagbalik si Frank. Iba na ang sitwasyon. Naabot na ni Nila ang kanyang pangarap. Si Frank pa rin kaya ang nasa puso ni Nila? Maaari pa bang ipagpatuloy ang sinumpaang salita ni Frank na si Nila ang babaeng kanyang pakakasalan?

Tampok sina Marvin Agustin at Angelika dela Cruz sa Maalaala Mo Kaya.

Mapapanood ang Maalaala Mo Kaya ngayong gabi.

vuukle comment

FRANK

HANGGANG

JACK BAUER

KIEFER SUTHERLAND

MAALAALA MO KAYA

MARVIN AGUSTIN

NILA

RAMON SALAZAR

SI FRANK

STAINED GLASS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with