Komedyante, sinampahan ng kasong sexual harassment
May 26, 2005 | 12:00am
Hindi pa man natatapos ang gusot sa kasong sexual harassment na isinampa ng PM Editor at PSN assistant editor na si Salve Asis, isa pang biktima ng tv host-komedyante na si Willie Revilla sa tunay na buhay ang nagsampa ng kasong sexual harassment sa Quezon City Prosecutors Office kahapon ng umaga.
Ang kasong isinampa ay unlawful in the Employment, Education kay Revillame, may-asawa at residente ng Capitol Golf Townhomes, Golfers Villas, Capitol Hills QC ng Wowowee dancer na tinaguriang "The Bump" na si Euanne C. Bautista, 20 anyos, at residente ng no. 11 Escalarta, Del Nacia Ville I, Tandang Sora Quezon City.
Sa limang pahinang complaint affidavit, sinabi ni Bautista na noong ikatlong linggo ng February 2005 naganap ang pagmomolestiya sa kanya ni Revillame sa loob ng isang dressing room sa Studio 3 ng ABS-CBN.
Noong panahong iyon, nasa pintuan umano siya nang makasalubong niya ang among si Revillame at kanyang binati.
Sinabi ni Bautista na walang anu-ano ay hinatak siya ni Revillame sa loob ng dressing room habang ang komedyante ay nakatalikod sa pintuan ng naturang kuwarto, hinawakan siya ni Revillame sa pisngi at saka hinalikan sa labi gamit ang dila nito.
Naghumilagpos lamang umano si Bautista sa kamay ni Revillame nang may pumasok sa loob ng dressing room na isang matandang babae.Hinatak naman ni Revillame si Bautista sa isang sofa at inutusan siyang umupo sabay sabing "Upo ka dyan! Nakawala umano siya sa kamay ng komedyante nang sabayan niyang lumabas ng dressing room ang naturang matanda.
Nakasaad pa sa complaint ni Bautista na maraming beses na hinahalikan ni Revillame ang pagitan ng dibdib niya at pinipilit ditong ipasok ang ilong sa cleavage ng kanyang suso.
Noong Pebrero 18, 2005 habang patungo sila para sa remote telecast ng Wowowee sa Real Quezon, ganap na alas-4 ng hapon, muling naganap ang panghahalay. Tumabi si Revillame kay Bautista sa loob ng bus. Tinakpan umano ni Revillame ng blanket ang sarili gayundin ang legs ng complainant.
Dito naramdaman umano ni Bautista na unti-unting ipinapasok ni Revillame ang kamay nito sa loob ng kanyang short hanggang sa makarating sa maselang parte ng katawan.
Nang makabalik sa Maynila mula sa Wowowee telecast sa Real Quezon, bigla na lamang umano siyang sinuspinde ng isang linggo ng executive producer ng naturang noontime show. RB At Angie Dela Cruz

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended