Taga-Dos ang sumisira kay Hero?
May 26, 2005 | 12:00am
Gaano katotoo na ang sangkaterbang mga naglalabasang negative write-up ni Hero Angeles ay pakana diumano ni Roxy Liquigan, publicity director ng Star Cinema?
May ilang tao raw na nakarinig na tila nagbanta raw si Roxy sa pamilya ni Hero na "ilalaglag" niya ang ka-loveteam ni Sandara Park dahil hindi ito naki-cooperate sa promo ng Can This Be Love at hindi rin sumamang sumundo kay Sandara sa airport nung dumating ito?
"Nung nalaman po namin yun, hindi kami naniwala kasi alam namin, pro-protektahan nila si Hero kasi artista nila, e, nagulat po kami na after two days yata, sunud-sunod na ang bira kay Hero. Tapos, lahat po ng napag-usapan namin sa meeting, naglabasan na, e, kanino po ba manggagaling lahat ito," bungad ni Henry Angeles, ang kuya at tumatayong manager ni Hero na inakusahang sulsulero, pakialamero, at kung anu-ano pa.
Dagdag paliwanag pa ni Henry, "Bilang manager po ni Hero, inaalam ko po kung anu-ano ang mga project ni Hero sa ABS o sa Star Cinema, e, nagagalit na po sila sa akin. Hindi ko po alam kung bakit, may mga tanong ako na hindi naman nila masagot ng tama. Nararamdaman ko po na ayaw nila sa akin at gusto nila akong tanggalin bilang manager ng kapatid ko, e, hindi naman po pwede yun kasi walang alam si Hero at siya rin mismo, ayaw din niyang wala ako," malumanay na paliwanag ni Henry.
Nag-umpisa raw ang hindi magandang pag-uusap nila ni Roxy nang hindi sumamang sumundo si Hero kay Sandara sa airport.
"Nasa meeting po ako sa Talent Center tungkol sa show namin sa Lucena City. May mga idinagdag silang talents na hindi kasama sa original plan. Show lang talaga ni Hero yun sa Pacific Mall, e, since promo na rin ng Can This Be Love, pumayag na akong magdagdag sila ng talents, pero nagkaroon po ng problema dahil biglang hindi sila pumayag, e, naka-oo na po ako sa kliyente at pumirma na ako sa kontrata.
"At that time po, nasa taping naman si Hero ng SCQ Reload na hindi ko alam na nagti-text na pala sa mommy ko dahil hindi makahinga. Na-pack up po yung taping dahil hindi na kaya ni Hero at umalis na raw ito.
"Tapos po, yung mga ka-meeting ko sa Talent Center, hindi na ako nasagot ng maayos dahil nagmamadali silang umalis at susunduin na raw si Sandara. Tapos bigla akong tinanong kung nasaan si Hero dahil nawala na raw sa taping, e, ano bang malay ko, e, kami ng mga taga-Talent Center ang magkakasama.
"Tumawag ako sa mommy ko at nalaman ko na si Hero, kailangang dalhin sa ospital, sumunod na po ako at dinala nga sa Medical City. Hindi po makahinga at nilagyan kaagad ng oxygen, kasi ang blood pressure niya, 140/80.
Anyway, bukas ang espasyong ito para sa panig ni Roxy Liquigan ng Star Cinema at ng The Buzz. Reggee Bonoan

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended