Si Hatfield ang humingi ng break-up!
May 26, 2005 | 12:00am
Hindi pa nakikipag-date si Rufa Mae Quinto simula ng break-up nila ni Rudy Hatfield.
"Pero, lumalabas akong kasama ang barkada. Kailangan ko namang magsaya, noh! Never akong lumabas ng mag-isa at kaya ay may kasamang isa rin," aniya.
Give up na muna si Rufa Mae sa lovelife, dedma sa lahat ng lalaki. "Na-trauma ako sa nangyari sa akin," paliwanag niya.
"Nagising na lang ako isang araw na gusto ko, wala muna kaming komunikasyon. Gusto ko namang ma-feel na kumpleto ako kahit nag-iisa. Before kasi, I feel complete lamang kapag magkasama kami ni Rudy. Ngayon, natututo na akong maging matapang nang nag-iisa," anang isa sa mga stars ng ipinagmamalaking pelikula ni Robin Padilla na pinamagatang La Visa Loca, isang co-production venture nina Tony Gloria at Sharon Cuneta para sa Unitel Pictures sa direksyon ni Mark Meily. Nabigyan ang pelikula ng gradong "A" ng Cinema Evaluation Board. Tungkol ito sa pangarap ng isang Pinoy na makakuha ng visa para makapunta ng Amerika bilang katuparan ng kanyang pangarap.
Mabalik tayo kay Rufa Mae, inamin nitong pinaka-masayang bahagi ng kanyang buhay nung magkasama sila ni Hatfield. "Akala ko, magkakaron na ako ng magagandang anak sa kanya, na magiging American citizen na ako," malungkot niyang sabi.
"Isang buwan akong nag-iiyak matapos kaming maghiwalay. Nagkita rin naman kami after a month pero, ayaw ko ng ganito. Gusto ko yung kami, kami pa rin," ani Rufa Mae na nagsabi rin na si Rudy Hatfield din ang humingi ng break-up sa kanya.
Sinabi ni Cong. Mikey Arroyo na handa siyang mag-resign sa Kongreso basta makapagpakita lamang ang mga nagaakusa sa kanya ng pruweba na tumanggap siya ng jueteng money at nag-protekta siya ng mga jueteng operators. Katunayan, hes looking forward sa gagawin nilang imbestigasyon tungkol dito.
Kung may mga negatibong isyu na lumalabas laban sa kanya, meron din namang magagandang developments na nagaganap sa ibang aspeto ng kanyang buhay. Bukod sa pagsilang ng kanyang ikalawang anak na si Marie Angelique o Monique na nagbibigay sa kanya ng karagdagang inspirasyon, ipalalabas na rin ang pelikula niyang Sablay Ka Na, Pasaway Ka Pa under Direk Willy Milan kasama sina Ethel Booba at Katrina Halili. Ika-17th movie niya ito. Sa December, kasali rin siya sa remake ng Zuma, isang entry ng Cine Suerte sa MMFF.
Mga bagong singer na kumakanta ng theme song ng Koreanovelang All About Eve na napapanood sa GMA7.
Ito si Kathleen Leslie, isang talento ng XAX Music Entertainment. Siya ang kumakanta ng "Kahapon Lamang", komposisyon ni Rannie Ilag at inareglo ni Kelsey Zameka. Isa ito sa tatlong awitin niya sa "All About Eve Soundtrack".
Ang grupong Blue Roses ang kumanta ng "True Love". Si Florence ang lead singer nito kasama sina Cathy, Pia, Rose at Kathrina.
Hiphop ang "Sulat" ni Amari kasama si Mista Blaze, local version ni Bizzy Bone ng Bone Thugs & Harmony. May minus one ang lahat ng kanta sa album at nabibili sa halagang P200 mula sa XAX.
"Pero, lumalabas akong kasama ang barkada. Kailangan ko namang magsaya, noh! Never akong lumabas ng mag-isa at kaya ay may kasamang isa rin," aniya.
Give up na muna si Rufa Mae sa lovelife, dedma sa lahat ng lalaki. "Na-trauma ako sa nangyari sa akin," paliwanag niya.
"Nagising na lang ako isang araw na gusto ko, wala muna kaming komunikasyon. Gusto ko namang ma-feel na kumpleto ako kahit nag-iisa. Before kasi, I feel complete lamang kapag magkasama kami ni Rudy. Ngayon, natututo na akong maging matapang nang nag-iisa," anang isa sa mga stars ng ipinagmamalaking pelikula ni Robin Padilla na pinamagatang La Visa Loca, isang co-production venture nina Tony Gloria at Sharon Cuneta para sa Unitel Pictures sa direksyon ni Mark Meily. Nabigyan ang pelikula ng gradong "A" ng Cinema Evaluation Board. Tungkol ito sa pangarap ng isang Pinoy na makakuha ng visa para makapunta ng Amerika bilang katuparan ng kanyang pangarap.
Mabalik tayo kay Rufa Mae, inamin nitong pinaka-masayang bahagi ng kanyang buhay nung magkasama sila ni Hatfield. "Akala ko, magkakaron na ako ng magagandang anak sa kanya, na magiging American citizen na ako," malungkot niyang sabi.
"Isang buwan akong nag-iiyak matapos kaming maghiwalay. Nagkita rin naman kami after a month pero, ayaw ko ng ganito. Gusto ko yung kami, kami pa rin," ani Rufa Mae na nagsabi rin na si Rudy Hatfield din ang humingi ng break-up sa kanya.
Kung may mga negatibong isyu na lumalabas laban sa kanya, meron din namang magagandang developments na nagaganap sa ibang aspeto ng kanyang buhay. Bukod sa pagsilang ng kanyang ikalawang anak na si Marie Angelique o Monique na nagbibigay sa kanya ng karagdagang inspirasyon, ipalalabas na rin ang pelikula niyang Sablay Ka Na, Pasaway Ka Pa under Direk Willy Milan kasama sina Ethel Booba at Katrina Halili. Ika-17th movie niya ito. Sa December, kasali rin siya sa remake ng Zuma, isang entry ng Cine Suerte sa MMFF.
Ito si Kathleen Leslie, isang talento ng XAX Music Entertainment. Siya ang kumakanta ng "Kahapon Lamang", komposisyon ni Rannie Ilag at inareglo ni Kelsey Zameka. Isa ito sa tatlong awitin niya sa "All About Eve Soundtrack".
Ang grupong Blue Roses ang kumanta ng "True Love". Si Florence ang lead singer nito kasama sina Cathy, Pia, Rose at Kathrina.
Hiphop ang "Sulat" ni Amari kasama si Mista Blaze, local version ni Bizzy Bone ng Bone Thugs & Harmony. May minus one ang lahat ng kanta sa album at nabibili sa halagang P200 mula sa XAX.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended