^

PSN Showbiz

Mga artista, hindi na makangiti dahil sa Botox

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Nag-start ang almost six weeks na tour ng Return of the Champions (US Tour) nina Sarah Geronimo, Christian Bautista, Rachelle Ann Go, Mark Bautista, Sheryn Regis, Frenchie Dy and Raymond Manalo.

First stop nila ang Washington DC. At ayon kay Ms. June Torrejon na naka-usap ko over the phone, sa George Washington University (Lisner Auditorium), dinumog sila ng mga kababayan natin. "Ang lakas talaga ni Sarah. After niyang kumanta ng medley, binigyan siya ng standing ovation ng audience," say ni Tita June na kasama sa tour.

Next stop ng grupo ang New York, sa Colden Center for Performing Arts (Queens College).
* * *
You cannot please everybody talaga. Ito ang nangyayari kay Boss Vic del Rosario matapos ma-appoint na Presidential Consultant on the Entertainment Industry. May ilang kino-question pa sa kapasidad ni Boss Vic.

Kung sabagay, expected na ito ni Boss Vic. "Wag na lang nating pansinin. Ang importante, binigyan ako ng pagkakataon ni Presidente (GMA) na tulungan ang industriya na ma-unite para ma-reach ang goal and to keep the industry alive," he said.

Oo nga naman.

Anyway, in the mood si Pres. Gloria nang makausap namin sa Malacañang para nga sa oathtaking ng big boss ng Viva.

Tsika to death talaga siya sa mga invited press - Nini Valera (PDI), Crispina Belen (Manila Bulletin), Isah Red (Manila Standard), Tessa Mauricio (Manila Times), Fatima Parel (YES Magazine), Ian Fariñas (People’s Tonight), Veronica Samio (PSN), Nestor Cuartero (Tempo), Eugene Asis (People’s Journal), Billy Balbastro (Abante/Abante Tonite), Butch Roldan (Taliba), Dennis Aguilar (Imbestigador) and me.

Nag-serve ng Baileys habang nakikipag-tsikahan ang Pangulo. Aside from Boss Vic, sumagot din sa mga tanong ng entertainment press si Ms. Laurice Guillen ng Film Development Council, OMB Chairman Edu Manzano, Movie and Television Review and Classification Board Chairman Consoliza Laguardia and Cinema Evaluation Board Chairman Jacki Atienza.

Aminado ang presidente na mahilig talaga siya sa pelikula. In fact, kahit sa mall, nanonood siya. ‘Yun nga lang, ang hirap no’n sa security. Kaya sa DVD na lang siya nanonood. Last movie na napanood niya ay ang B’cuz of You.

Nag-promise si Direk Laurice Guillen na padadalhan niya ng tape ng Santa Santita si Pangulong Gloria dahil gusto raw niya itong panoorin.

Sa music, wala siyang particular na favorite although ang dami niyang collection ng CDs dahil sa bigay-bigay lang.

Anyway, minsan-minsan lang makipag-tsikahan si Presidente sa mga entertainment media.

The last time na nag-invite sa Malacañang, last year pa, before the election.

Nagulat lang ako na big deal pala ang pagpunta ng entertainment press sa Malacañang. Nanghihingi raw ng tulong ang pangulo sa entertainment media para tulungan siya.

Not true. Dahil ang nag-facilitate ng tsikahan with PGMA sa Malacañang ay ang ang office ng Viva. Ni hindi nga pinag-usapan ang pulitika. Showbiz lang talaga ang topic.

By the way, biniritan nga pala siya ni Regine Velasquez ng kantang "Shine". Personal din siyang nanghingi ng tulong para nga manumbalik ang sigla ng pelikula sa bansa.
* * *
Natawa ako sa observation ng isang showbiz observer. Karamihan daw kasi sa mga artista ngayon, hindi na normal kung ngumiti.

Ang rason daw, majority ng mga artista natin, nagpapa-Botox cosmetic. Ito ‘yung ini-inject sa forehead para matanggal ang lines sa noo mo. Mahal ang per injection. Pero maraming nagi-invest sa pagpapa-Botox dahil maganda ang epekto nito sa kanila.

Anyway, ang Botox ang reason kung bakit napansin ng isang beteranang writer sa Luna Awards na karamihan sa mga artista ay hindi na natural ang ngiti.

Yun nga raw isang actor akala niya, inisnab siya, yun pala nakangiti na ‘yung lagay na yun. Kung hindi pa sinabi ng katabi niya na nagpa-Botox ang actor, magagalit na sana siya dahil feeling nga niya inisnab siya.

Hay naku ‘yan pala ang effect ng Botox.

Kaya ako no’ng may nag-offer na cosmetic surgeon try ko raw magpa-Botox for free, ayaw ko. Baka mamaya, hindi na rin ako makangiti.

ABANTE TONITE

BILLY BALBASTRO

BOSS VIC

BOTOX

BUTCH ROLDAN

CHAIRMAN EDU MANZANO

MALACA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with