Mga batang nakakabilib
May 22, 2005 | 12:00am
Nakatutuwa talaga ang mga kiddie stars ng Bubble Gang Jr., ang kiddie version ng longest-running gag show ng GMA-7 at naipakita ito sa naging magandang pagtanggap ng mga manonood, bata o matanda man, sa show simula nang mag-pilot ito noong ika-8 ng Mayo. Pero bukod sa kakaibang galing nila sa pagpapatawa, may natatanging galing din ang mga batang ito sa ibang bagay.
Isa na rito si Ella Guevara, na consistent honor student. Maraming pangarap si Ella ang maging doctor, director, aktor at producer paglaki niya at ipinangako niyang susubukin niyang maging mahusay sa lahat ng ito. Sa katunayan, mukhang malapit na niyang matupad ang isa rito: ang pagiging magaling na aktres, dahil bukod sa pagiging bahagi siya ng Final Four ng Starstruck Kids, tinanghal din siyang Best Child Ferformer sa Metro Manila Film Festival nung nakaraang taon para sa pagganap niya sa Sigaw at pinangalan din siya bilang Most Promising Child Performer sa Guillermo Mendoza Achievement Awards!
Matatawag ding isang child wonder si BJ Forbes, na mas kilala bilang Tolits sa isang detergent commercial, kung saan pinasikat niya ang linyang "Ako, ako, lagi na lang ako." Naging finalist siya ng Thats My Boy search ng Eat Bulaga ng 2003 at ngayoy regular na siyang makikita sa longest running noontime variety show. Madalas ding mapanood si BJ sa ibat ibang mga programa ng GMA-7. At kahit napaka-busy ng schedule ni BJ pagkatapos mag-graduate ng Preparatory School.
Nakakabilib din ang naging pagpasok nina Sam Bumatay at Miguel Tanfelix sa showbiz sa murang edad. Pareho silang naging bahagi ng Starstruck Kids Final Four.
Abangan ang nakakikiliting mga pakulo ng mga nakakabilib na batang ito sa Bubble Gang Jr. ngayong Linggo, ika-22 ng Mayo. Ita-translate sa Ingles ng Dolphy-and-Panchito dynamic dou ng BG Jr. ang isang kilalang tulang Pilipino sa "Dictionary Brothers" na siguradong magpapasakit sa tyan ng manonood sa katatawa! May sariling nakatutuwang version din ang BG Jr. ng popular na diswashing soap commercial ni Michael V.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended