^

PSN Showbiz

Jaya, gusto nang magka-anak

RATED A - Aster Amoyo -
Sayang at hindi nagkaroon ng anak si Jaya sa kanyang ex-American husband na si Andrew Buffington.  Ganunpaman, umaasa pa rin naman si Jaya na magkaroon ng sarili niyang baby. In love na naman ngayon ang tinaguriang ‘queen of soul’ at ang guy na nagngangalang Gary ay limang taong mas bata sa kanya.  Although American citizen ang kanyang boyfriend ngayon, Pinoy ang parents nito na taga-Pampanga.

Kung kulay rosas ang paligid ngayon ni Jaya, masaya rin siya sa takbo ng kanyang career dahil may dalawa siyang top-rating TV programs sa GMA-7, ang SOP at ang K! The P1 Million Videoke Challenge.
* * *
Gumanap ang singer-comedienne na si Rufa Mae Quinto na sirena sa isang perya sa nakakaaliw na pelikulang La Visa Loca na pinagtatambalan nila ni Robin Padilla mula sa panulat at direksyon ng mahusay na direktor ng Crying Ladies na si Mark Meily at magkatulong na prinodyus nina Tony Gloria at Sharon Cuneta sa ilalim ng Unitel Pictures.  Ang nasabing pelikula ay binigyan ng ‘A’ rating ng Cinema Evaluation Board (CEB) ng Film Development Council.

Nakakatuwang isipin na sa kabila ng problemang kinakaharap ng movie industry, may mga producer pa ring nagmamalasakit sa paghahatid ng de kalidad na panoorin tulad nina Tony Gloria at Ms. Sharon Cuneta.

Ngayon namin naintindihan si Sharon kung bakit sina Robin at Rufa Mae ang kinuha nilang gumanap sa kanilang respective roles sa pelikula dahil akmang-akma sa kanila ang kanilang mga papel na ginampanan. Lahat sila natural. Walang sumobra sa acting at walang nag-underplay. Isa ring rebelasyon si Mark bilang writer-director dahil sa kanyang kakaibang atake ng istorya at direksyon. Isa siyang genius na maituturing.

Kahit maigsi lamang ang respective roles nina Raymart Santiago, Jonee Gamboa at Bearwin Meily ay epektibo sila sa papel na ipinagkatiwala sa kanila. Maging ang producer na si Tony Gloria at director na si Mark Meily ay may special participation sa pelikula.

Tiyak na magiging strong contender si Robin bilang best actor sa iba’t ibang award-giving bodies sa isang taon.

ALTHOUGH AMERICAN

ANDREW BUFFINGTON

BEARWIN MEILY

CINEMA EVALUATION BOARD

CRYING LADIES

FILM DEVELOPMENT COUNCIL

JAYA

MARK MEILY

TONY GLORIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with