^

PSN Showbiz

P.5M budget para sa PR ng isang matinee idol

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Tahimik ang maraming entertainment writers tungkol sa isyung ito, siguro hindi naman nila alam dahil wala yan sa mga press releases na kanilang natatanggap.

Pero hindi nakalusot sa mga business pages ng mga diyaryo ang kwentong nalulugi ang ABS-CBN ng P144.3M sa unang tatlong buwan pa lamang ng taong ito. Inamin ng kanilang presidente na si Cito Alejandro ang pagkalugi nila, at sinabing yon daw ay dahil sa bumababang advertising revenues at tumaas na cost of production ng kanilang mga shows.

Lumalabas din na sa 34 na bagong shows na kanilang ginawa, isa lang, yong Goin’ Bulilit ang medyo nakalaban sa ratings noong una, pero nasapawan na rin ngayon. Isa sa may pinaka-malaking lugi ay ang Kamao, na ang bida ay sina Robin Padilla at Manny Pacquiao, kaya kung dati daily yon, weekly na lang ngayon. Nagpataas din daw ng kanilang cost ang mga programang Home Boy at Showbiz #1, na hindi rin naman nag-rate, at mas mahal syempre kaysa sa mga Koreanovela na inilalabas nila dati, na mas maganda pa ang audience share.

Masakit ito para sa sister company ng Meralco, Maynilad at NLEX, dahil 10 taong sila halos ang number one, at laging sinasabi na malaki ang kita ng kanilang network, pero ngayon ay parang kastilyong buhanging gumuguho ang lahat ng kanilang mga naipundar. Ano nga kaya ang tunay na dahilan? Dahil kaya yon sa hindi na kinakagat ang kanilang mga dating ideya sa mga shows, o gumaganti lang talaga ang mga tao sa kanilang network dahil hindi magantihan ang Meralco at Maynilad?

Pero nalugi man daw pati ang ABS-CBN, malaki naman ang kinita ng mga Lopez sa kanilang First Holdings, ang kanilang independent power producing company na kinukunan ng Meralco ng kuryente bukod sa NAPOCOR. May bonus nga raw ang mga tao sa First Holdings dahil sa laki ng kanilang kita.
* * *
Ok daw ang resulta ng mga naunang concerts ni Sharon Cuneta sa US, at ang kwento nga ng aming kaibigang si Tony Vizmonte, malayo pa raw ang concert ng megastar sa LA, ubos na ang tickets sa show at kung makakabili ka man, kakagat ka na sa presyo ng black market. Take note, ang concert ni Sharon sa LA ay sa Shrine, hindi kagaya ng ginagawa ng iba na sa maliliit na auditorium at restaurants lamang.

Ang problema lang pagbabalik niya, gagawa siya ng tv show sa Channel 2. Baka makasama lang ang show niya sa 34 shows ng network na hindi maka-abante sa ratings ngayon. Sayang naman kung babalik siya sa tv tapos ganoon lang ang mangyayari.
* * *
Totoo bang kalahating milyon ang PR budget na inilaan para lang mai-maintain ang popularidad ng isang papalaos nang matinee idol? Kabilang syempre roon ang gastos para patigilin ang mga masasamang publisidad tungkol sa kanya, lalo na ang may kinalaman sa kanyang sexual preference. Doon din kukunin ang gastos para mapa-angat siya ng husto, malagay na muli sa mga fan magazines at mapag-usapan sa mga tabloids. Malamang lima-limang libo na naman ang lagayan niyan?

CITO ALEJANDRO

FIRST HOLDINGS

HOME BOY

KANILANG

LANG

MERALCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with