Hindi nakatangging maging ama ng Kampanerang Kuba
May 19, 2005 | 12:00am
Bago ang Kampanerang Kuba ay may nauna nang offer ang ABS CBN kay Jomari Yllana pero, hindi nito tinanggap. Pero, dito sa pinaka-bagong fantaserye ng ABS CBN, ang Kampanerang Kuba, ay hindi niya nagawang magsabi ng hindi. "Maganda ang role, bukod pa ito sa napakaraming artista na kasama sa serye. Gusto ko rin ay direktor," paliwanag ni Jomari sa mga katanungan kung bakit niya iniwan ang GMA7 where he did some very good projects Di Bat Ikaw, Kiss Muna, Cool Ka Lang, Kung Mawawala Ka at Te Amo.
"I felt it was time to go back where I came from. Masarap naman sa GMA but it was time to move on," dagdag niya. "Besides, ang ganda ng role ko. Nanggaling ako sa mundo ng mga kuba . Sa character ko nagsimula ang Kampanera. Gusto kong maging tao at all cost, kahit ang kapalit nito ay ang pagkawala ng lahi ko. At ang pagkakaron ko ng anak na kuba."
Wala pang kontrata na pinipirmahan si Jomari sa Dos. At ang Kampanerang Kuba pa lamang ang project niya rito na kung saan pinakasalan niya si Eula Valdez kahit ang totoong mahal niya ay si Jean Garcia.
Sa totoo lamang, ayaw ni Jomari ng commitment at this point in his life but he fell for Miss Denmark, Thea Froekger dahil bukod sa maganda ito ay mabait pa, napaka-simple at praktikal. "Ang napansin ko lamang sa kanya ay hindi siya malambing pero baka bahagi ito ng kultura niya," sabi niya tungkol sa kanyang banyagang girlfriend na isang atheist, di naniniwala sa Diyos.
Dalawang linggong makakapalit ni Ethel Booba bilang co-host ng Extra Challenge si K Brosas, ng grupong K & The Boxers. "Dalawang linggo lamang ito habang gumagawa ng pelikula si Ethel," paglilinaw ni K at baka raw maintriga siya at sabihing sinulot niya si Ethel. Nagsimula na siyang magtrabaho sa naturang highly rated show this week na kung saan ay makakasama niya bilang mga challengers ang mga kabataan ng StarStruck, sina Smokey Manaloto at Francine Prieto. "Next week, gagawin namin ang McDonalds challenge na kung saan malalaking premyo ang ipamimigay," dagdag pa ng comedian singer na bukod sa EC ay may dalawa pang regular programs sa GMA, ang Idol Ko si Kap at Bitoy s Funniest Video.
Dati ay napapanood siya sa Eat Bulaga pero, sa hindi niya malamang dahilan ay bigla na lamang daw siyang nawala rito.
Sa kabila ng kanyang kaabalahan sa pag-arte ay hindi napapabayaan ni K ang pagkanta at maging ang kanyang grupong The Boxers. Martes ay nasa Soundstage Cainta sila; Miyerkules, sa Klownz Araneta; Huwebes sa Ratsky Malate at Biyernes sa Ratsky Morato. Ginagawa na rin ang kanilang second album.
Nakatakda na magbukas ng kanilang second branch sa Marikina City ang kauna-unahang training school sa pop singing, ang Philippine Music Training School. Matatagpuan ito sa 356 JP Rizal Ave., Sta. Elena, Marikina City. Nagbibigay ito ng 25% discount sa tuition fees na may 30 sessions.
Para sa ibang katanungan, tumawag sa PMTS main office, 4540078 at hanapin si B. Amada C. Porras, si B. Florites Odrunia ang namamahala ng Marikina branch.
"I felt it was time to go back where I came from. Masarap naman sa GMA but it was time to move on," dagdag niya. "Besides, ang ganda ng role ko. Nanggaling ako sa mundo ng mga kuba . Sa character ko nagsimula ang Kampanera. Gusto kong maging tao at all cost, kahit ang kapalit nito ay ang pagkawala ng lahi ko. At ang pagkakaron ko ng anak na kuba."
Wala pang kontrata na pinipirmahan si Jomari sa Dos. At ang Kampanerang Kuba pa lamang ang project niya rito na kung saan pinakasalan niya si Eula Valdez kahit ang totoong mahal niya ay si Jean Garcia.
Sa totoo lamang, ayaw ni Jomari ng commitment at this point in his life but he fell for Miss Denmark, Thea Froekger dahil bukod sa maganda ito ay mabait pa, napaka-simple at praktikal. "Ang napansin ko lamang sa kanya ay hindi siya malambing pero baka bahagi ito ng kultura niya," sabi niya tungkol sa kanyang banyagang girlfriend na isang atheist, di naniniwala sa Diyos.
Dati ay napapanood siya sa Eat Bulaga pero, sa hindi niya malamang dahilan ay bigla na lamang daw siyang nawala rito.
Sa kabila ng kanyang kaabalahan sa pag-arte ay hindi napapabayaan ni K ang pagkanta at maging ang kanyang grupong The Boxers. Martes ay nasa Soundstage Cainta sila; Miyerkules, sa Klownz Araneta; Huwebes sa Ratsky Malate at Biyernes sa Ratsky Morato. Ginagawa na rin ang kanilang second album.
Para sa ibang katanungan, tumawag sa PMTS main office, 4540078 at hanapin si B. Amada C. Porras, si B. Florites Odrunia ang namamahala ng Marikina branch.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am