^

PSN Showbiz

Boss Vic, nag-oath bilang consultant ni PGMA

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Congratulations to Boss Vic del Rosario of Viva Group of Companies. Na-appoint lang naman siyang Presidential Consultant on the Entertainment Industry (under the Office of the President).

You read it right folks. Isa ito sa promise ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo during the campaign na maga-appoint siya ng isang tao na tutulong para mas mapadali ang kanyang pagtulong sa industriya. Tinupad niya through Boss Vic na kahit wala pa noong position ay madalas nang takbuhan ng ilang mga taga-industriya pag may problema.

Godfather ng industry na mako-consider si Boss Vic kaya he really deserves the position.

Mas magiging madali na para sa mga taga-showbiz ang magkaroon ng communication sa administration ni PGMA ngayong nandiyan na si Boss Vic.

Nag-oath na siya last night sa Malacañan. "Salamat kay Presidente. Sa pagtitiwawala at pagkakataon," sabi ni Boss Vic nang makausap ko bago pa man siya sumumpa sa kanyang bagong tungkulin.

Good news ang appointment niya for the industry although you cannot please everybody. May ilan pa rin diyang hindi maliligayahan at magri-react. "Okey lang ‘yun. Ang importante, narito ako para tulungan at pakinggan ang mga problema natin sa industry," react ng bigwig ng Viva.

Impressive agad ang nakita kong vision-report niya on the entertainment industry — kasama ang developments in other Asian countries, actions steps sa films (go digital, sound stage, amusement taxes, reclassification of towns/cities for CEB tax rebates and anti-piracy), sa music (OPM airplay on local radio, support for local artists and composers); export of Filipino entertainment content and go global.

Totoong progresibo ang industriya ng pelikula sa mga kalapit bansa natin na kailangan na nating sundan. Nakasaad sa report ni Bagong Presidential Consultant on the Entertainment Industry na sa Hong Kong pala ay magi-inaugurate ng $180 million sound stage, studio and post production facilities established by Run Run Shaw.

Ang Singapore Government naman sa partnership kay George Lucas ay kasalukuyang nagpapatayo ng building na nagkakahalaga ng $200 million. Once na matapos pala ito, lahat ng George Lucas’ SFX-laden movies ay sa Singapore na kukunan.

Kasabay nito, nag-form din ang Singapore government ng media, film and TV outfit group, ang Media Corp Asia para maging co-productions sa ibang Asian filmmakers throughout the region.

Hindi rin nagpapahuli ang Korea and Thailand. Meron na rin silang government policy sa mga private sector sa pag-develop ng infrastructure para palakasin ang kanilang entertainment industry.

Sa Korea naman, ang kanilang movies, music and computer games ay mataas ang demand. Dahil lahat ng foreign film distributors ay required to produce and release a Korean movies, bago sila mag-release ng foreign movie. Kaya ang naging epekto, Korean movies and computer games ay technically advanced at mataas talaga ang demand sa international market.

Marami pang ibang nakasaad sa isinumiting report ni Boss Vic kay Presidente Gloria na kung makikiisa ang mga taga-industriya ay madaling mangyayari.

"Ayokong mangako, pero lahat ng puwede kong gawin at itulong, gagawin ko," pa-humble na sabi ni Boss Vic.

Kung experience at experience rin lang naman kasi ang pagbabasehan, walang puwedeng mag-question sa mako-consider na godfather ng industriya ng pelikula sa bansa.

Hindi na kailangang isa-isahin ang mga accomplishment at nagawa niya sa kanyang kumpanya at sa mga artistang nagmula sa kanyang pinamumunuan.
* * *
Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang star studded na birthday party ni Dra. Pie Calayan, ang asawa ng equally popular niyang husband na si Dr. Manny Calayan, ang tandem behind the Calayan Surgicentre.

Sayang at hindi na naman ako naka-attend. Pero kuwento naman ng mga friends ko na close sa mag-asawa, nag-enjoy daw talaga si Dra. Calayan lalo na nga’t dumating ang mga kaibigan niya in and out of showbiz.

Nagkaroon ng impromptu program. Nagkantahan. Those who made Dra. Pie’s night with song were Jen Rosendahl, Faith Cuneta, Rico J. Puno, Cesar Montano, Sunshine Cruz among others.

Ang ilan pa sa mga bumati kay Dra. ay sina Angel Locsin and Oyo Boy Sotto, Jennylyn Mercado minus Mark Herras, Anjo Yllana and Jackie Manzano, Frenchie Dy, Katarina Perez, Chokoleit, Evangeline Pascual, Ma. Isabel Lopez, Annabelle Rama, Anna Marin, Gladys Reyes, Gina Alajar and son Ryan, Gabby and Geoff Eigenmann, Ronnie Henares, Lotlot de Leon, Shyr Valdez, K Brosas, Gina Pareño, Vandolph and gf Jenny at marami pang iba.

Present din ang maraming entertainment press that night.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - [email protected]

ANG SINGAPORE GOVERNMENT

ANGEL LOCSIN

ANJO YLLANA

ANNA MARIN

BOSS VIC

DRA

ENTERTAINMENT INDUSTRY

GEORGE LUCAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with