^

PSN Showbiz

Anne at Toni, di marunong lumingon sa pinanggalingan

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -
Nakalulungkot naman na marinig ang pagyayabang nina Anne Curtis at Toni Gonzaga. Sa bibig pa mismo nila nanggaling ang pagsasalita laban sa GMA 7. Sinabi nila na nanggaya lang daw ang GMA-7 nang magpunta ang SOP sa Cebu.

Okey lang sana na magsalita ang ibang mga artista ng Dos na mula sa simula ay lehitimong taga-ABS CBN, pero sa katulad nila Anne at Toni na nagsimula bilang Kapuso ay napaka-pangit maringgan ng ganitong salita.

Para bang walang naitulong sa kanila ang Kapuso Network para magka-career sila at kaya nilang magsalita ng against sa istasyon na minsan ay naging tahanan di nila.

Bilang payo kina Anne at Toni, sana’y iwasan n’yo ang pagsasalita ng hindi maganda sa Siete na nagbigay ng pagkakataon sa inyo.

O kaya naman kahit konting respeto lang, pairalin n’yo naman. Marami talagang mga artista ngayon ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan.

Muling na-postponed ang eleksyon ng Actor’s Guild kaya humihingi ako ng paumanhin doon sa mga dumalong miyembro.

Gustuhin man nating matapos na ang eleksyon pero, wala tayong magawa. Kasi naman wawalo lamang ang tumatakbong board member, samantalang kailangan natin ay 15.

Kaya pasensiya na sa mga miyembrong dumating, kailangan natin sundin ang kung anumang nakasaad sa ating konstitusyon.

Ganun pa man, patuloy ang aking pananawagan sa ating mga miyembrong artista at manggagawa ng industriya na magmalasakit at magbigay ng oras sa pagpaparehistro sa ating eleksyon.

Alam n’yo naman na hindi na ako puwede pang mag-extend sa aking tungkulin. Tapos na ang aking termino.

Hiling ko sa mga miyembro ang pakikiisa sa layunin nating ituloy ang ating eleksyon para sa kapakanan ng ating industriya.

Nag-meeting na kami ni Tess Celestino ng Airtime Marketing para sa Star Olympics na gaganapin sa June at July sa Araneta Coliseum.

Ipapalabas ito sa ABS CBN na siyang magko-cover ng nasabing event. Wala namang magiging problema sa GMA-7 sa coverage ng Dos dahil kapwa napagkasunduan naman ito.

Di ba masarap makita na ang dalawang higante nating networks at ang kani-kanilang artista ay maglalaro sa ating taunang Star Olympics? Kaya naman tiyak na lalong magiging kapana-panabik ang ating palaro sa taong ito.

Sabagay, ito naman ang layunin ng ating Star Olympics, ang muling mapagsama-sama ang ating mga artista.

Maari kayong manood at suportahan ang inyong mga iniidolo sa dalawang Linggong palaro sa Araneta.

AIRTIME MARKETING

ANNE CURTIS

ARANETA COLISEUM

ATING

KAPUSO NETWORK

KAYA

NAMAN

STAR OLYMPICS

TESS CELESTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with