^

PSN Showbiz

Local beauty contest lang,pinapalpak pa !

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Bantog ang San Pablo City sa Laguna bilang the city with seven lakes. Baka mapalitan ang bansag na ito ng "ang syudad ng lutong makaw" dahil sa nangyaring kapalpakan sa kanilang timpalak ng Mutya Ng San Pablo City.

Sa imbitasyon ng mister ni Azenith Briones na si Elrey Reyes, nagtungo kami sa San Pablo noong Sabado upang maging hurado sa nasabing beauty pageant.

Ilang daang kilometro ang nilakbay namin nina Azenith, Jean Saburit, dating Karilagan International model na si Merlina Antonio, fashion designer Rudy Fuentes at Verdeblanco, fashion choreographer/director Eddie Hernandez, producer Albert Minguez, at scriptwriter/director Lando Jacob, patungong San Pablo City.

Noong dumating kami sa venue ng Mutya Ng San Pablo, pinaupo agad kami sa harap ng computer. Nandoon sa PC ang mga larawan at informations tungkol sa 16 na candidates.

Noong nakapagparada na ang mga kandidata sa Philippine terno at long gown, lumapit ang puno ng contest organizer kay Rudy Fuentes. Ang bantog na couturier ang pinapili ng Best In Philippine Terno at Best In Long Gown. Siya mismo ang nag-announce at nagbigay ng mga bulaklak, sash at premyo.

Matunog naman ang palakpakan sa mga nagwagi ng nasabing mga special awards. Ibig sabihin tanggap ng mga taong nanood ng gabing ‘yon ang nanalo sa nasabing kategorya.

Ilang minuto lang ang nakaraan, heto ang isang hurado na tagaroon na may sariling winner ng Best In Long Gown at Best in Philippine Terno, na iba sa napili ni Rudy. Ang sabi ng babaeng ang pangalan daw ay Regina Vallejo, "Judges" Choice" daw ang na-announced niya.

Paanong judges’ choice ‘yon, hindi naman niya tinanong ang lahat ng 15 hurado. Silang tatlong mga taga-roon lang ang pumili ng instant awards. Nang masita at mapahiya ang alibi niya sinabi niyang ang mga awards na ‘yon ay napili noong pre-pageant judging.

Kung meron na talaga silang mga ganoong awards, bakit kailangan pang pumili ng same awards si Rudy Fuentes at ang pinuno pa ng mga organizers ang nagbigay kay Rudy ng authority na maghusga?

Maliwanag na noon ang binigay ng babaeng ‘yon ang kanyang sariling awards para naman sa sariling manok niya!

Habang tinitingnan na namin ang larawan ng mga 16 na kandidata, isa-isa kaming nilapitan ng kung sino at sinabing kapag na-announce na ang final 8 saka magsisimulang mag-score.

Pinagod pa nila ang 16 na kandidata, meron na pala siyang napiling eight finalists. Nagparada pa at rumampa ang 16 na walang kaalam-alam ang walo na matagal na pala silang na-luz valdez! Ilan pa naman sa kanila ang pinaka-outstanding at maaring manalo ng titulo.

Kaya naman bago ma-announce ang sinasabi nilang Magic 8, nag-walk-out na kaming lahat na galing sa Maynila. Ang natira na lang na hurado, ang tatlong taga-San Pablo at dalawa pang mga opisyal ng lalawigan ng Laguna.

ALBERT MINGUEZ

AZENITH BRIONES

BEST IN LONG GOWN

BEST IN PHILIPPINE TERNO

EDDIE HERNANDEZ

ELREY REYES

RUDY FUENTES

SAN PABLO

SAN PABLO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with