Di lang offender, biktima rin!
May 13, 2005 | 12:00am
Hindi dapat na matapos na lamang sa imbestigasyon ang tungkol sa pagdadala ng baril ni Jam Melendez. Nakakatuwa naman at nakikipagtulungan ang kanyang pamilya. Sinabi naman ng kapatid niyang si Konsehal Aiko Melendez na mas gusto niyang ma-imbestigahan ng husto ang nangyari.
Sinasabi naming hindi dapat na matapos sa ganyan na lang ang imbestigasyon, dahil palagay namin higit na mahalagang malaman kung saan nakakuha ng ganoong baril si Jam. Kasi kung ang isang batang kagaya niya ay nakakakuha ng ganoong armas, na sinasabi nga nilang illegal dahil walang papeles, aba eh kailangang kumilos tayo dahil ano nga ba ang magiging katiyakan natin na ang ibang mga kabataan ay hindi rin makakakuha ng ganyan?
Si Jam, sa aming palagay, ay hindi lamang offender kung di biktima rin naman sa kasong yan. Yong pagkakamali noong bata ay hindi masasabing dahil lang sa kanya, kundi dahil sa impluwensiya rin ng mga nasa paligid niya.
Marami na rin ang nagtatanong, bakit nga raw ba maraming artista ang nahuhulihan ng illegal na baril?
Kung natatandaan ninyo, yan ang dahilan ng pagkakakulong ni Robin Padilla. Yon din ang naging kaso ng isa pa niyang kapatid. Bukod sa kanila, may mga iba pang nahulihan din ng illegal na baril noong araw, pero doon lang laging natatapos ang imbestigasyon. Ang dapat na malaman natin ay kung saan nga ba nakukuha ang mga illegal na baril para matigil na iyang source at maiwasan na ang mga kasunod pang ganyang kaso.
Talagang swerte nga si Kuya Germs sa production ng mga concerts. Isipin ninyo, naging tagumpay na naman pala ang concert nina Zsazsa Padilla at Karylle na siya rin ang producer.
Tapos, naghahanda pa lamang sila para sa repeat ng concert ni Pilita Corrales na kasama ang baguhang si John Joven sa Club Mwah, sinasabing baka kailangan na naman nilang maghanda para sa isa pang repeat dahil malapit na ring maubos ang tickets noon, eh sa May 26 pa ang concert.
Palagay namin, kung ganyan nga nang ganyan, baka tuluyan nang malinya si Kuya Germs sa produksyon ng mga concerts. Gusto naman niya iyan, hindi dahil sa malaki ang kita kundi dahil nakakatulong siya sa mga singers.
Inaamin na raw ng isang female bold star ang hirap ng kanyang buhay ngayon, at ang madalas niyang mapagbuntunan ng sisi ay ang kanyang boyfriend. Dahil kasi noon ay inaway niya pati ang dati niyang manager, dahil naniwala siyang sikat na nga siya at kaya na niyang tumayong mag-isa. Kaso bumagsak naman ang kanyang career, at wala rin namang magandang career ang kanyang boyfriend, kaya ngayon pareho silang nangangapa sa kanilang career. Nagsisimula na silang magsisihan sa nangyari sa buhay nila. Maghiwalay na kaya sila ngayong pareho silang naghihirap?
Sinasabi naming hindi dapat na matapos sa ganyan na lang ang imbestigasyon, dahil palagay namin higit na mahalagang malaman kung saan nakakuha ng ganoong baril si Jam. Kasi kung ang isang batang kagaya niya ay nakakakuha ng ganoong armas, na sinasabi nga nilang illegal dahil walang papeles, aba eh kailangang kumilos tayo dahil ano nga ba ang magiging katiyakan natin na ang ibang mga kabataan ay hindi rin makakakuha ng ganyan?
Si Jam, sa aming palagay, ay hindi lamang offender kung di biktima rin naman sa kasong yan. Yong pagkakamali noong bata ay hindi masasabing dahil lang sa kanya, kundi dahil sa impluwensiya rin ng mga nasa paligid niya.
Marami na rin ang nagtatanong, bakit nga raw ba maraming artista ang nahuhulihan ng illegal na baril?
Kung natatandaan ninyo, yan ang dahilan ng pagkakakulong ni Robin Padilla. Yon din ang naging kaso ng isa pa niyang kapatid. Bukod sa kanila, may mga iba pang nahulihan din ng illegal na baril noong araw, pero doon lang laging natatapos ang imbestigasyon. Ang dapat na malaman natin ay kung saan nga ba nakukuha ang mga illegal na baril para matigil na iyang source at maiwasan na ang mga kasunod pang ganyang kaso.
Tapos, naghahanda pa lamang sila para sa repeat ng concert ni Pilita Corrales na kasama ang baguhang si John Joven sa Club Mwah, sinasabing baka kailangan na naman nilang maghanda para sa isa pang repeat dahil malapit na ring maubos ang tickets noon, eh sa May 26 pa ang concert.
Palagay namin, kung ganyan nga nang ganyan, baka tuluyan nang malinya si Kuya Germs sa produksyon ng mga concerts. Gusto naman niya iyan, hindi dahil sa malaki ang kita kundi dahil nakakatulong siya sa mga singers.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended