KC, may ibang babaeng kasama sa Subic
May 11, 2005 | 12:00am
Kahapon, May 10 ay kaarawan ng yumaong aktor na si Miko Sotto. Dinalaw ang puntod ni Miko sa Loyola Park ng kanyang inang si Ali Sotto bago ito nag-report sa kanyang news program kinagabihan. Ang hindi lamang namin alam ay kung dumalaw din sa puntod ni Miko ang kasintahang si Angel Locsin.
Speaking of Angel, alam niyang masaya si Miko sa kinaroroonan nito at tiyak na masaya rin ito para sa kanya ngayong sila na ng pinsan nitong si Oyo Boy Sotto.
Ayaw maniwala ni Geneva Cruz sa tsismis na nakita umano ang kanyang live-in boyfriend na si KC Montero sa Subic na may kasamang ibang babae.
Ayon kay Geneva, kilala umano niya si KC at tiwala siya rito. Besides, ang mga kasama umano ni KC sa Subic ay mga kaibigan nitong lalaki.
Samantala, si Geneva ang pinakabagong celebrity endorser ng Ever Bilena products na ipinamamahagi sa buong Pilipinas ng DSS Trading na pinamumunuan ni G. Dioceldo Sy.
Nang huli naming makausap si Geneva, tinanong namin ito kung bakit hanggang ngayon ay ayaw pa rin nilang magpakasal ni KC samantalang libre silang pareho. Sinabi ni Gen na napag-uusapan na rin naman nila ang tungkol sa kasal pero, wala nga lamang nakatakdang date dahil ayaw naman daw nilang pilitin kung hindi pa sila parehong gaanong handa. Sa ngayon, pareho silang nagi-enjoy sa kanilang pagsasama kasama ang kanyang 9-year-old son na si Heaven na anak niya sa kanyang unang mister na si Paco Arespacochaga na may bago nang asawa.
If only for Heaven, magkaibigan sina Gen at Paco. Natutuwa rin si Paco dahil mahal na mahal ni KC ang anak nila ni Gen na si Heaven. At kung si Heaven lamang ang masusunod, gusto nitong magkaroon na ng bunsong kapatid na kanyang makakalaro.
Walang gaanong projects sa ABS-CBN si John Prats. Mabuti na lamang at sunud-sunod ang paggawa nito ng pelikula sa bakuran ng Regal Films. May dalawa siyang project ngayon sa Regal, ang Happily Ever After at ang Ako, Legal Wife na parehong si Maxene Magalona ang kanyang katambal.
Mukhang nakatulong ang ilang beses na guesting ni John sa Daddy Di Do Du na pinangungunahan ni Vic Sotto kung saan isa sa mainstay si Maxene.
Hindi ikinakaila ng panganay nina Dondie at Alma Prats na nagandahan sila sa panganay nina Francis Magalona at Pia Arroyo at maganda umano ang kanilang relationship.
Bakit kaya hindi inamin ni Dingdong Dantes ang naging relasyon nila ng dati niyang kasintahang si Antoinette Taus samantalang tumagal ang kanilang relasyon ng limang taon? Samantalang dito kay Karylle ay agad niyang inamin sa publiko ang kanilang relasyon.
May dahilan marahil si Dingdong kung bakit niya inilihim ang naging relasyon nila ni Antoinette na ngayon ay sa Amerika na naka-base.
Aminado si Dingdong na hirap siya sa long distance relationship kaya nabaling ang kanyang attention kay Karylle na naging malapit niyang kaibigan bago naging sila.
Botong-boto si Zsazsa Padilla kay Dingdong para sa kanyang panganay na si Karylle at siyempre, boto rin kay Karylle ang pamilya ni Dingdong kaya in full force ang pamilya ni Dingdong sa ginawang back-to-back concert ng mag-inang Zsazsa Padilla at Karylle.
Kaswerteng Christian Bautista! Isa siya si Christian sa pinaka-in demand na concert-performer sa bansa at maging sa labas nito. Bukod sa kanyang pagiging regular performer sa ASAP tuwing Linggo, isa siya sa mga hosts ng Search for Star In A Million sa ABS-CBN kung saan niya kasama sina Sarah Geronimo, Mark Bautista at Erik Bautista. Magkakaron siya ng bagong serye sa telebisyon sa pamamagitan ng Kampanerang Kuba na kung saan si Anne Curtis ang nasa title role. Silang dalawa ni Patrick Garcia ang leading men ni Anne sa Kampanerang Kuba na ididirek ni Wenn Deramas.
[email protected]
Speaking of Angel, alam niyang masaya si Miko sa kinaroroonan nito at tiyak na masaya rin ito para sa kanya ngayong sila na ng pinsan nitong si Oyo Boy Sotto.
Ayon kay Geneva, kilala umano niya si KC at tiwala siya rito. Besides, ang mga kasama umano ni KC sa Subic ay mga kaibigan nitong lalaki.
Samantala, si Geneva ang pinakabagong celebrity endorser ng Ever Bilena products na ipinamamahagi sa buong Pilipinas ng DSS Trading na pinamumunuan ni G. Dioceldo Sy.
Nang huli naming makausap si Geneva, tinanong namin ito kung bakit hanggang ngayon ay ayaw pa rin nilang magpakasal ni KC samantalang libre silang pareho. Sinabi ni Gen na napag-uusapan na rin naman nila ang tungkol sa kasal pero, wala nga lamang nakatakdang date dahil ayaw naman daw nilang pilitin kung hindi pa sila parehong gaanong handa. Sa ngayon, pareho silang nagi-enjoy sa kanilang pagsasama kasama ang kanyang 9-year-old son na si Heaven na anak niya sa kanyang unang mister na si Paco Arespacochaga na may bago nang asawa.
If only for Heaven, magkaibigan sina Gen at Paco. Natutuwa rin si Paco dahil mahal na mahal ni KC ang anak nila ni Gen na si Heaven. At kung si Heaven lamang ang masusunod, gusto nitong magkaroon na ng bunsong kapatid na kanyang makakalaro.
Mukhang nakatulong ang ilang beses na guesting ni John sa Daddy Di Do Du na pinangungunahan ni Vic Sotto kung saan isa sa mainstay si Maxene.
Hindi ikinakaila ng panganay nina Dondie at Alma Prats na nagandahan sila sa panganay nina Francis Magalona at Pia Arroyo at maganda umano ang kanilang relationship.
May dahilan marahil si Dingdong kung bakit niya inilihim ang naging relasyon nila ni Antoinette na ngayon ay sa Amerika na naka-base.
Aminado si Dingdong na hirap siya sa long distance relationship kaya nabaling ang kanyang attention kay Karylle na naging malapit niyang kaibigan bago naging sila.
Botong-boto si Zsazsa Padilla kay Dingdong para sa kanyang panganay na si Karylle at siyempre, boto rin kay Karylle ang pamilya ni Dingdong kaya in full force ang pamilya ni Dingdong sa ginawang back-to-back concert ng mag-inang Zsazsa Padilla at Karylle.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended