Sandara, may bagong problema
May 11, 2005 | 12:00am
Late nang naikwento sa amin ng aming kaibigang taga-Mactan International Airport ang isyung hinarangan daw ng GMA 7 ang exit door ng airport para exclusive sa mga talent nila.
Late na rin kasing nabasa ng kaibigan namin ang isyu dahil ngarag pa sila sa ginanap na events ng dalawang network sa bayan nila.
"Walang panghaharang na ginawa ang GMA 7 over ABS-CBN. Nauna kasing nagpa-book sa amin ang GMA at pati sa Waterfront Hotel, nauna rin ang GMA.
"At para mapabilis ang paglabas ng mga artista, naglagay ng special door ang airport exclusive talaga sa GMA at desisyon yun ng management ng airport, akala siguro ng taga-ABS hinarangan, its not true. Actually, pinadaan na rin naman ang mga taga-ABS kasi nga nagkakagulo na sa airport, sobrang dami ng tao," ito ang pagka-klaro sa amin ng taga-airport mismo.
Dagdag pa na pati rin daw sa Waterfront Hotel ay may isang coordinator daw ang ABS-CBN na namimilit na doon i-book ang kanilang talents at kung pwede raw ay ex deal.
"Kaso nauna na ang GMA at magbabayad sila kaya siguro sumama ang loob ng taga-ABS kasi akala, mas inuna ang GMA. Ang alam ko, biglaan ang pagpapa-book ng taga-ABS?" dagdag kwento pa sa amin.
Kaya pala kung saan-saang hotel naka-book ang talents ng Dos kumpara sa Siete na nasa iisang hotel lang kasi nga ahead of time sila nagpa-book kumpara sa Dos na madalian, tapos palalabasin nila, nangharang ang GMA, haay..
Nakausap namin si Nelson Canlas, showbiz reporter ng 24 Oras at kasama ni Lhar Santiago sa idinemanda ng kampo ni Eddie Gil sa halagang isang bilyong piso dahil ini-report daw na nilangaw at flop ang Pelukang Itim na naging dahilan kaya ito pinull-out ni Elezabeth Samson sa mga sinehan.
May 5 lang daw natanggap ng dalawang reporter ang subpoena at kahapon May 10 ang hearing nila sa fiscals office ng Makati City at nakahanda raw nila itong harapin.
"Noong Lunes palang kami nakipag-usap sa legal department namin dito sa GMA at ipi-present namin ang report ko, factual ang pagkaka-report ko, may kopya ako ng tape, wala naman talagang tao ang premiere night, ano bang masama ron?" ito ang katwiran ni Nelson sa amin.
Samantala, natatawa naman si Lhar nang masalubong namin sa hallway ng GMA 7 last Friday at kunan ng reaksyon tungkol sa isang bilyong demanda ng producer ng Pelukang Itim.
"May hearing na kami, kaswal niyang sambit.
At si Nelson, "Basta lahat ng kaibigan ko, papipirmahin ko hanggang umabot ng bilyon para mabuo ang halaga ng demanda, o kaya bawat tao, hihingian ko ng piso."
Samantala, naiiling naman ang abogado ni Cristina Decena na si Atty. Balbin nang malamang isang bilyon ang demanda at sabay kwenta ng filing fee na kung hindi siya nagkakamali ay aabot sa isang daang milyong piso ang ibinayad ng producer.
Awa ang naramdaman namin kay Sandara Park nang interbyuhin namin siya last Tuesday night sa Punchline tungkol sa isyung naghiwalay na raw ang magulang niya dahil nahuhumaling sa isang Pinay ang kanyang ama.
Staff mismo ng ABS-CBN ang nagkwento sa amin na may kumakalat na ganung isyu sa compound nila at pinapa-news black out daw ito ng management.
Tiyempo naman na nakita namin si Sandara last Tuesday sa Punchline kasama ang ilang kaklaset kaibigan at kaagad namin tinanong ang nasabing isyu.
Base sa nakita naming reaksyon ni Sandara ay naawa kami dahil mukhang clueless siya o magaling siyang magtago ng problema?
Inamin ng young star na talagang niyaya na siyang umuwi ng kanyang ina, kasama ang mga kapatid sa Korea para raw magbakasyon.
"Were going back to Korea for a vacation with my mom and siblings," kaswal niyang sambit.
So may bahid ng katotohanan na maghihiwalay nga ang magulang dahil hindi kasama ang ama?
"My father will stay here because he has a business here, its a trading business," mabilis niyang sagot. Reggee Bonoan
Late na rin kasing nabasa ng kaibigan namin ang isyu dahil ngarag pa sila sa ginanap na events ng dalawang network sa bayan nila.
"Walang panghaharang na ginawa ang GMA 7 over ABS-CBN. Nauna kasing nagpa-book sa amin ang GMA at pati sa Waterfront Hotel, nauna rin ang GMA.
"At para mapabilis ang paglabas ng mga artista, naglagay ng special door ang airport exclusive talaga sa GMA at desisyon yun ng management ng airport, akala siguro ng taga-ABS hinarangan, its not true. Actually, pinadaan na rin naman ang mga taga-ABS kasi nga nagkakagulo na sa airport, sobrang dami ng tao," ito ang pagka-klaro sa amin ng taga-airport mismo.
Dagdag pa na pati rin daw sa Waterfront Hotel ay may isang coordinator daw ang ABS-CBN na namimilit na doon i-book ang kanilang talents at kung pwede raw ay ex deal.
"Kaso nauna na ang GMA at magbabayad sila kaya siguro sumama ang loob ng taga-ABS kasi akala, mas inuna ang GMA. Ang alam ko, biglaan ang pagpapa-book ng taga-ABS?" dagdag kwento pa sa amin.
Kaya pala kung saan-saang hotel naka-book ang talents ng Dos kumpara sa Siete na nasa iisang hotel lang kasi nga ahead of time sila nagpa-book kumpara sa Dos na madalian, tapos palalabasin nila, nangharang ang GMA, haay..
May 5 lang daw natanggap ng dalawang reporter ang subpoena at kahapon May 10 ang hearing nila sa fiscals office ng Makati City at nakahanda raw nila itong harapin.
"Noong Lunes palang kami nakipag-usap sa legal department namin dito sa GMA at ipi-present namin ang report ko, factual ang pagkaka-report ko, may kopya ako ng tape, wala naman talagang tao ang premiere night, ano bang masama ron?" ito ang katwiran ni Nelson sa amin.
Samantala, natatawa naman si Lhar nang masalubong namin sa hallway ng GMA 7 last Friday at kunan ng reaksyon tungkol sa isang bilyong demanda ng producer ng Pelukang Itim.
"May hearing na kami, kaswal niyang sambit.
At si Nelson, "Basta lahat ng kaibigan ko, papipirmahin ko hanggang umabot ng bilyon para mabuo ang halaga ng demanda, o kaya bawat tao, hihingian ko ng piso."
Samantala, naiiling naman ang abogado ni Cristina Decena na si Atty. Balbin nang malamang isang bilyon ang demanda at sabay kwenta ng filing fee na kung hindi siya nagkakamali ay aabot sa isang daang milyong piso ang ibinayad ng producer.
Staff mismo ng ABS-CBN ang nagkwento sa amin na may kumakalat na ganung isyu sa compound nila at pinapa-news black out daw ito ng management.
Tiyempo naman na nakita namin si Sandara last Tuesday sa Punchline kasama ang ilang kaklaset kaibigan at kaagad namin tinanong ang nasabing isyu.
Base sa nakita naming reaksyon ni Sandara ay naawa kami dahil mukhang clueless siya o magaling siyang magtago ng problema?
Inamin ng young star na talagang niyaya na siyang umuwi ng kanyang ina, kasama ang mga kapatid sa Korea para raw magbakasyon.
"Were going back to Korea for a vacation with my mom and siblings," kaswal niyang sambit.
So may bahid ng katotohanan na maghihiwalay nga ang magulang dahil hindi kasama ang ama?
"My father will stay here because he has a business here, its a trading business," mabilis niyang sagot. Reggee Bonoan
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended