Biglang yaman ang unang Pinoy Pop Superstar
May 10, 2005 | 12:00am
Gusto ko sanang personal na manood sa Araneta Coliseum ng Grand Showdown ng Pinoy Pop Superstar nung Linggo ng gabi pero, dahil sa napagod ako sa trabaho kung kaya umuwi na lamang ako ng maaga at sa TV ko na lamang pinanood ito. Palagay ko nga, mas nakabuti pa sa akin ito dahil nakapahinga ako habang nanonood at nagawa ko pang pakinggan ng mabuti ang competition minus the ingay ng live audience sa Coliseum.
In fairness, napakaganda ng presentation ng GMA7 ng Grand Showdown. Nabigyan ng importansya yung mga contestants na talaga namang na-make-over ng husto. Pati yung pagpapakilala sa mga judges, ispesyal.
Magagaling din yung unang bulusok ng labanan. Akala ko mapipili sa apat sina Jonalyn Viray, Charmaine Piamonte, Michael Anthony Garcia at Kristel Astor. Magaling yung pagkakabanat ni Kristel ng kanyang piece sa unang sagupaan. Pero, nakuha sa apat si Brenan Espartinez na less than perfect yung renditon ng kanyang song. Buti na lamang at bumawi siya sa second showdown. Maganda yung pagkakanta niya ng "Careless Whisper". He should always include it sa kanyang repertoire. Galing!!! But Im sorry to say na na-disappoint nang halos ay di niya makanta ang "Miracle" dahil hindi ito ang kanta para sa kanya. Parang pinadali niya kay Jonalyn ang competition. Any of the girls, save for the US entry, would have given Jonalyn a harder time.
I cried when Jonalyn won, siguro dahil nainggit ako sa swerte niya. Biro mo, biglang yaman siya! Kakaunting nilalang ang binibigyan ng ganito kagandang swerte. Mahigit sa P5M ang makukuha niya. Siguradong mag-iiba na ang kanyang buhay.
Disappointed naman ako sa dalawang import na contestants. Bakit naman hindi sila pumili ng mahirap-hirap na panlaban? "Tukso" ni Sheila Ferrari? "Once There Was A Love" ni Philbert Simon? Na favorite song ko pero, alam kong si Jose Feliciano lamang ang makapagbibigay ng justice sa song. Bukod sa parang hindi nila inasikaso ang kanilang bihis, wala bang nagsabi sa kanila na unless extra galing silang kumanta, mahihirapan silang lumaban sa "Pinas"? Kung sabagay, ang alam kong magagaling na kumanta sa US ay yung mga nanggaling na rito, at di yung mga lehitimong tagaron. Well, maybe, magaling sila dun pero, kapag inilaban mo sila rito, kakain talaga sila ng alikabok. Parang ang akala nila ay sa isang barangay singing contest lang sila kakanta at kahit na sa mga ganitong paligsahan, magagaling pa rin talaga ang mga sumasali. Sana next year, makapili ng mga mahihilab na contestants from abroad.
No doubt, magaling na host si Regine Velasquez. Malaki ang kontribusyon niya sa pagsikat ng Pinoy Pop Superstar. Again, disappointed ako sa musical number niya. Ang ganda ng costume niya. Ayaw ngang maniwala ng mister ko na balat na niya yung nakikita sa screen at hindi body stocking but, sad to say, hindi niya napangatawanan. Hindi bagay sa kanya ang number niya.
I just hope na mapangatawanan ni Jonalyn ang pagiging champion niya at ma-equal ang naging success nina Sarah Geronimo at Rachelle Ann Go. Na produkto rin ng ganitong paligsahan.
Sa gagawing concert ni Pops Fernandez sa Lucena sa June 25, 7:30 NG sa Quezon Convention Center, Lucena City, balitang humahataw na sa bentahan ng tiket.
Sinasabing pinakamalaking concert ito sa kasaysayan ng Quezon Province. Napaka-laking budget ang inilaan dito mabuo lamang at matugunan ang matagal nang hinihintay ng mga taga-Quezon, ang mapanood ang Concert Queen na si Pops Fernandez. Kasama rin sa concert na ito sina Troy Montero at John 'Sweet' Lapuz. Isa pa rin na pinakaaabangan, ang special participation ni Vice Governor JayJay Suarez.
Malakas ang usap-usapan ngayon sa Lucena na maaaring sumilip sa concert ang Concert King na si Martin Nievera. Sinasabi kasi nito na buo ang suporta niya sa dating asawa kaya posibleng sorpresahin niya ito sa gabi ng concert.
Ayaw magbigay ng pahayag ng producer ng concert ni Pops tungkol dito, ang tanging masasabi niya ay hindi mabibigo ang lahat ng manonood sa concert ni Pops.
Nagpapasalamat ito sa mga nag-sponsor ng concert, tulad ng Graceland Estates and Country Club, Emperador Brandy, Piknik, Arnotts, Pacific Mall Lucena, Diamond Resort and Hotel at marami pang iba.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended