Sumikat sa pagiging mataba
May 9, 2005 | 12:00am
Nag-umpisa ang career ni Allyson Lualhati bilang isa sa Ang TV Kid at tumatak ang role niya bilang si J-Lo sa teen oriented shows na Berks. Nagsimula ito bilang commercial model at sinabing naging asset ang pagiging chubby dahil hindi nababakante sa mga TV shows ng ABS-CBN.
Nakalabas na rin ito sa pelikula at kasama sa bagong hit ng Star Cinema na Can This Be Love. Busy din si Ally sa kanyang pag-aaral sa UST kung saan third year na sa kursong BS Tourism. Hindi kataka-takang magaling siyang umarte dahil nanggaling ito sa angkan ng mga artista. Pamangkin siya ni Connie Reyes na nagbabalik-telebisyon ngayon.
Ipinaliwanag ni Lloyd Samartino sa mga nang-iintriga na siya ang itinuturong dahilan kung bakit nagkahiwalay ang mag-asawang Snooky Serna at Ricardo Cepeda. Balitang sa isang condo unit daw sa Ayala. Alabang naninirahan ang aktres at ang asawa nito ay dun pa rin sa kanilang bahay umuuwi. Nagulat nga si Lloyd nang makarating sa kanya ang balitang hiwalay na ang dalawa.
"I was never the cause of their separation. Kaibigan ko silang mag-asawa and I want to save their marriage," anang aktor.
Sa kabilang banda nagpapasalamat si Lloyd sa magandang takbo ng career kung saan bukod sa telebisyon ay di ito nababakante sa pelikula gaya ng Happily Ever After kung saan gumanap itong ama ni Nadine Samonte.
Mabuti na lang at nakakalakad na ng mabuti si Angel Locsin matapos itong mahulog sa backstage ng ULTRA.
Maswerte si Angel dahil hindi lang sa Metro Manila sikat na sikat ang Darna kundi gayundin sa Cebu kung saan talagang pinagkaguluhan siya ng mga tao na walang tigil sa kasisigaw ng Darna.
Laging tinatandaan ng aktres ang kababaang-loob sa gitna ng malaking tagumpay na tinatamasa nito sa kasalukuyan. Hindi lang siya pambato ngayon ng Siete kundi paborito pa rin itong endorser ng ibat ibang produkto dahil sa wholesome image.
Mula sa Dreamworks Animation narito ang isang bagong computer animated comedy na magdadala sa inyo sa isang mala-paraisong lugar na kung saan ay apat na hayop mula sa Central Park Zoo ng New York ang nagtangkang mamuhay sa kagubatan at madiskubre ang kahalagahan ng pagiging tunay na malaya. Pinamagatang Madagascar, ito ang pinaka-cool na pakikipagsapalarang punumpuno ng katatawanan at kapanapanabik na eksena para sa buong pamilya sa mahabang tag-init ngayon. Isa na namang obra maestra ng grupong nasa likod ng tagumpay ng Shrek at Shark Tale ito ay nagtatampok sa mga boses nina Ben Stiller, Chris Rock, David Schimmer at Jada Pinkett Smith. Sa direksyon nina Eric Darnell at Tom Mcgrath, release sa Pinas ng United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation.
Mahal na mahal ng sikat na aktor ang sikat ding aktres kaya lahat ng pagkukulang nito ay napagbibigyan niya. Kaya kahit ang pagiging selosa nito ay nauunawaan din ng aktor.
Kapag na-late lang ng kahit segundo ang aktor sa tuwing magkikita sila ay nagmamaktol na ang nobya. Inoorasan din daw ng aktres ang lakad nito kaya kapag may usapan ang dalawa ay dapat na hindi ito lalagpas sa oras at tiyak magtatampo n anaman ang aktres. Ganun ba ito kaselosa?
Nakalabas na rin ito sa pelikula at kasama sa bagong hit ng Star Cinema na Can This Be Love. Busy din si Ally sa kanyang pag-aaral sa UST kung saan third year na sa kursong BS Tourism. Hindi kataka-takang magaling siyang umarte dahil nanggaling ito sa angkan ng mga artista. Pamangkin siya ni Connie Reyes na nagbabalik-telebisyon ngayon.
"I was never the cause of their separation. Kaibigan ko silang mag-asawa and I want to save their marriage," anang aktor.
Sa kabilang banda nagpapasalamat si Lloyd sa magandang takbo ng career kung saan bukod sa telebisyon ay di ito nababakante sa pelikula gaya ng Happily Ever After kung saan gumanap itong ama ni Nadine Samonte.
Maswerte si Angel dahil hindi lang sa Metro Manila sikat na sikat ang Darna kundi gayundin sa Cebu kung saan talagang pinagkaguluhan siya ng mga tao na walang tigil sa kasisigaw ng Darna.
Laging tinatandaan ng aktres ang kababaang-loob sa gitna ng malaking tagumpay na tinatamasa nito sa kasalukuyan. Hindi lang siya pambato ngayon ng Siete kundi paborito pa rin itong endorser ng ibat ibang produkto dahil sa wholesome image.
Kapag na-late lang ng kahit segundo ang aktor sa tuwing magkikita sila ay nagmamaktol na ang nobya. Inoorasan din daw ng aktres ang lakad nito kaya kapag may usapan ang dalawa ay dapat na hindi ito lalagpas sa oras at tiyak magtatampo n anaman ang aktres. Ganun ba ito kaselosa?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended