ABS-CBN, nagko-concentrate sa mga children's show !
May 8, 2005 | 12:00am
Mabilis talaga ang panahon. Nagdiriwang na pala ng ika-21 anibersaryo ang Music Box, na siyang nagsimula ng mga sing-along bar sa Metro Manila.
Nasa bandang kanto ng Timog at Quezon Avenue ang Music Box, na nakagawian ng puntahan ng mga taga-Quezon City at ibang panig ng Metro Manila, upang makakanta at maglibang.
Sa Music Box kasi, pwedeng ipakita ang galing sa pagkanta. Pwede rin namang pagtawanan ka rito ng mga tao, kung trying hard ka lang na maging singer.
Sa watering hole na ito ng mga yuppies at people from all walks of life unang nakilala ang mga entertainers na sina Arnell Ignacio at Aiai delas Alas. Marami pang mga singers/emcees na sumunod sa kanila na ngayon ay nagkalat/nagkakalat na rin sa mga leading comedy/sing-along bars.
Ngayong buwan ng Mayo, maraming nakahanay na activities sa Music Box upang ipagdiwang ang kanilang 21st anniversary.
Magkakaroon ng isang wacky show, "A Beauty-Fool Evening," na tampok ang mga Music Box talents sa Mayo 17, Martes. Hindi gaanong kalakihan ang Music Box, kayat kailangan maaga kayo o magtanong kung pwedeng magpa-reserve. Call Rox B. Santos, 372-015.
Sa Mayo 19, Huwebes meron silang MB Universe. Ang kanilang mga song diva, magiging finalists sa isang beauty pageant na maaring magtapos na sa lahat ng mga ganitong klaseng timpalak.
Ang second part ng anniversary presentations ng Music Box, magtatampok kay Jona, ang stand-up comic na kikiliti sa mga manonood ng The Mummy Returns.
Ang huling event na Showdown 2005, bida sina Janna, Boney, Emma, Justin, Kikay, Beauty, Jayo, Aekae, Jona and Dan Dios. Sa mga MB regulars, kilala na ang mga talents na nabanggit. Kung gusto ninyo silang makilala at tunay na mag-enjoy sa katatawa at kakakanta, punta na sa Music Box sa mga nabanggit na dates.
Malapit nang mapanood sa TV ang dalawang obra ni Pablo Gomez na datiy mga pelikulaKampanerang Kuba at Mga Anghel Na Walang Langit.
Ang Kampanerang Kuba, tipong fantasy-drama. May mga eksenang gumaganda ang kuba (Anne Curtis) sa istorya. Ang gumanap na bida rito sa movie version ay si Vilma Santos.
Drama naman ang Mga Anghel Na Walang Langit na bida ang mga batang napapanood tuwing Linggo sa Goin Bulilit.
nag-iisip na naman ng pantapat na show ang GMA para sa Mga Anghel Na Walang Langit. Marami rin kasing mga alagang artistang tsikiting ang Siete.
Nasa bandang kanto ng Timog at Quezon Avenue ang Music Box, na nakagawian ng puntahan ng mga taga-Quezon City at ibang panig ng Metro Manila, upang makakanta at maglibang.
Sa Music Box kasi, pwedeng ipakita ang galing sa pagkanta. Pwede rin namang pagtawanan ka rito ng mga tao, kung trying hard ka lang na maging singer.
Sa watering hole na ito ng mga yuppies at people from all walks of life unang nakilala ang mga entertainers na sina Arnell Ignacio at Aiai delas Alas. Marami pang mga singers/emcees na sumunod sa kanila na ngayon ay nagkalat/nagkakalat na rin sa mga leading comedy/sing-along bars.
Ngayong buwan ng Mayo, maraming nakahanay na activities sa Music Box upang ipagdiwang ang kanilang 21st anniversary.
Magkakaroon ng isang wacky show, "A Beauty-Fool Evening," na tampok ang mga Music Box talents sa Mayo 17, Martes. Hindi gaanong kalakihan ang Music Box, kayat kailangan maaga kayo o magtanong kung pwedeng magpa-reserve. Call Rox B. Santos, 372-015.
Sa Mayo 19, Huwebes meron silang MB Universe. Ang kanilang mga song diva, magiging finalists sa isang beauty pageant na maaring magtapos na sa lahat ng mga ganitong klaseng timpalak.
Ang second part ng anniversary presentations ng Music Box, magtatampok kay Jona, ang stand-up comic na kikiliti sa mga manonood ng The Mummy Returns.
Ang huling event na Showdown 2005, bida sina Janna, Boney, Emma, Justin, Kikay, Beauty, Jayo, Aekae, Jona and Dan Dios. Sa mga MB regulars, kilala na ang mga talents na nabanggit. Kung gusto ninyo silang makilala at tunay na mag-enjoy sa katatawa at kakakanta, punta na sa Music Box sa mga nabanggit na dates.
Ang Kampanerang Kuba, tipong fantasy-drama. May mga eksenang gumaganda ang kuba (Anne Curtis) sa istorya. Ang gumanap na bida rito sa movie version ay si Vilma Santos.
Drama naman ang Mga Anghel Na Walang Langit na bida ang mga batang napapanood tuwing Linggo sa Goin Bulilit.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended