Jopay, golddigger?
May 7, 2005 | 12:00am
Tinatawanan lang ni Jopay Paguia ng Sex Bomb ang patutsadang golddigger daw siya. Isang Japanese kuno na mahilig umarte ang nahuhumaling sa kanya at panay daw ang gastos sa kanya.
"Hoy, hindi ko pinangarap yang manggatas," mataray na sabi ni Jopay. Natural, niyaya silang kumain ng sakang na yon, kasama ng mga kaibigan. At kung umorder man ng mamahaling pagkain, hindi na niya problema ito. Bakit daw siya magiging golddigger?
Hindi pinangarap ni Jopay na siya pang magbabayad ng kinain nila ng lalaking makaka-date. Natural, nag-invite yung lalaki, sagot niya ang gastos. At hindi naman niya kuno ito inutusang gumastos ng malaki. Ang Hapon daw na ito yung nagpupumilit.
"Hindi ako mamasan para magbayad ng kakainin namin," sabi pa ni Jopay. Sari-saring intriga talaga ang ipinupukol sa star ng Daisy Siete. Minsan, napabalita namang sila kuno ni Janno Gibbs. Nagulat nga si Jopay, dahil hindi ito totoo.
Teenager na ang anak na babae ni Janno paano pang papatol si Jopay sa 19 lang?
Totoo medyo inggit siya kay Rochelle Pangilinan dahil magandang papel nito sa Daisy Siete. Si Cheche Tolentino nga, napalitan naman ni Weng Ibarra. Ang gusto ng producer ng Focus E, Inc., mabigyan silang lahat ng magandang break sa Daisy Siete. Si Jopay naman, talagang nakipagbatuhan ng dialogue kina Lito Legaspi at Luz Fernandez.
Maging isang policewoman pala ang pangarap ni Bulakenyang si Jopay. No wonder, magaling siyang mag-judo-karate. Palagi raw siyang nakahanda, lalot may special show sila out of town. Vir Gonzales

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended