^

PSN Showbiz

Most viewed entertainement Website

- Veronica R. Samio -
Hindi lamang sa customer humahataw ang bagong theater entertainment bar na Club Mwah! dahil sa internet, it’s the most viewed Website. Among the 150 clubs all over the world, nag-No. 1 ito for three consecutive weeks, tinalo pa nito ang mga clubs sa London, Australia at Canada. Katunayan, tumatanggap ito ng mga e-mails all over the world, from Germany, Paris, London, UK. Kaya naman proud si Pocholo Mallilin, isa sa nagmemeari ng Club Mwah! sapagkat siya mismo ang nagdisensyo ng kanilang Website na kung bibisitahin n’yo sa internet ay nagmimistulang trailer ng isang pelikula.

May info dito sa video na nagpapamalas ng mga palabas, facilities, mga kilalang tao na bumisita na rito at mga write-ups sa iba’t ibang mga publikasyon.

Para ngayong summer, mapapanood pa rin ang Follies de Mwah, isang musical entertainment kaleidoscope, Lunes hanggang Huwebes, 10:00 NG at Biyernes at Sabado, mapapanood ang Bedazzled 2, isang Vegas cum Broadway revue, 10:30 NG.

Ang dancing ay isa ring mahalagang activity ng club. Type n’yong sumayaw at magaling kayo rito, pwes ipamalas ang inyong galing sa dance floor na nagmimistulang Studio 24. Kailangan lamang talunin n’yo ang hindi lamang isa sa nagmemeari ng Club Mwah! kundi siya ring artistic director cum dance choreographer na si Cris Nicolas. Go kayo sa 6562 Boni Ave. (5357943 and 5322826) o magbisita sa www. clubmwah.com
* * *
Kasama na si John Lapus sa programang ETK, Entertainment Konek! Host siya ng segment na SweeTK, na may feature ng light at laid-back moments kasama ang kanyang kapamilya sa Star Magic at mga close at controversial friends niya sa showbiz.

Bukod sa pagiging isang mahusay na stand-up comedian, stage, movie at TV performer, isa ring concert artist si Sweet maging sa abroad. Pero, hindi naging madali para sa Hotel & Management graduate ang makilala.

Sa ETK Entertainment Konek, ilalapit ng "SweeTK" ang mga manonood sa artista. Pipigain nito ang real score sa lovelife ng mga artista at magsisilbing daan para sagutin niya ang mga katanungan ng mga subscribers ng Sweet Talk at Kapamilya Text.
* * *
Tingnan mo nga naman ang swerte ng mga bata ng GMA7 sa pamumuno nina BJ Forbes, Ella Guevarra, Miguel Tanfelix, Sam Bumatay, JM Reyes at Shammel Leask. Binigyan sila ng sarili nilang programa, sila at ang 23 pang mga kabataan. Ito ang Bubble Gang, Jr. na magsisimula sa Mayo 8, pagkatapos ng S-Files. Magkakaro’n nito ng gags, news program spoofs, Mel & Junior spoof, Dating Doon Jr. spoof. Sa pilot episode, makikigulo ang mga Bubble Gang stars na sina Bitoy at Ogie.

Ang iba pang mga bata ay sina Sean Glenn Ignacio ng Kakabakaba Adventures, Rache Mae Manantan na gumanap bilang Narda sa Darna, Eisen Bayubay, Ivan David Capili, John Van Bardas, King Alcala, Manolet Torreno, Anna Danielle Vicente, Yumi Jasmin Loseo, Joyce Giselle King, Charlene Dimalanta, James Daniel Nolasco, Red Bartolome, Empress Schuck, Charlotte Hermoso, Charisse Hermoso, Aljon Veldenebro.
* * *
Gusto mo bang maging bida for 100 days?

Gusto mo raw bang magkaro’n ng sariling TV show sa loob ng isang daang araw?

Kung "oo" ang sagot mo, eh di tumawag ka sa pinakamainit na show sa ABS CBN! Tawag ka sa 1800-5-223-KUYA for Bayantel subscribers or (10) 929-KUYA now!
* * *
May mga Qpids items na inilabas ang ABS CBN tulad ng Qpids teddy bear, keychain, pillow at button pin at matatagpuan ito sa Softspot outlets ng Robinsons Galleria, Cinderella at Makro. Ang mga Qpids bears ay exact replica ng ginagawa ng Softspot. Mabibili ito sa iba’t ibang sizes, colors at magandang gawing koleksyon.

Ang mga manonood ng Qpids ay pwede ring magpakuha ng larawan kasama ang mga stars ng bagong loveteam search, sa pamamagitan ng film and digital imaging services ng Studioworks at pwede itong ilagay sa mga mugs, greeting cards at bag tags.

Ang softspot at Studioworks ay mga official licensees para sa Qpids. Kung gusto n’yo ng mga ganitong licensing opportunities, tumawag sa 4152272 local 3602. Mapapanood ang Qpids gabi-gabi sa ABS CBN 2.
* * *
[email protected]

vuukle comment

ALJON VELDENEBRO

ANNA DANIELLE VICENTE

BUBBLE GANG

CENTER

CLUB MWAH

ENTERTAINMENT KONEK

QPIDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with