Studies ang priority ng 'Regatta Girls'
May 3, 2005 | 12:00am
Kung may grupo ng mga kabataang babae na matatawag na napaka-swerte, ito ay ang Regatta Girls, binubuo ng anim na kababaihan, may edad 18-19, na hindi lamang inaasahan ng lalaki na bumuo ng kanilang grupo at siyang nangangasiwa ng kanilang mga career, si Ed Manuel, na makakatulong niya ng lubos sa pangangalaga ng ating kapaligiran at kalikasan.
Ang pito ay binubuo nina Chantel Rosell, 19 yrs. old, isang nursing student sa Fatima College; Shayra Mira, 18, Masscom student sa Lyceum Calamba; Yanina Ysmael, 18, Fatima College; Aniya Morell, 18, STI College; Shanti Penneli, 18, Fatima College at Louise Nicole, Lyceum Manila.
Pinaka-requirement ni G. Manuel na lahat ng Regatta Girls ay mga mag-aaral at ang pag-aaral nila ay hindi kailanman maisasakripisyo dahilan sa kanilang bagong career. Magiging concern ng anim ang kapakanan ng environment lalo na yung may kinalaman sa kalikasang pandagat. Gusto nilang mapangalagaan ang ating kalikasan at ang magaganda nating mga beaches na pangunahing nagdadala sa bansa ng maraming mga turista.
Tutulungan din nila ang mahihirap nating kababayan na naninirahan sa baybay dagat sa pamamagitan ng isang concert na magaganap sa Mayo 21 sa Manila Yacht Club. Sampung % ng kikitain dito ay ipagkakaloob sa foundation ng yacht club.
Ang Regatta Girls na ang pangalan ng anim na myembro ay kinuha sa pangalan ng mga yate na kabilang sa Manila Yacht Club ay kumakantang lahat. Para sila mahasa, ikinuha sila ni G. Manuel ng voice teacher, choreographer, personality developer.
May natapos na pelikula si Rajah Montero, ang Okey Ka Pare Ko katambal si Mike Nacua o Pekto. Isang spoof ito ng Okay Ka Fairy Ko ni Vic Sotto. Mabuti na lamang at kahit hindi ito iprinomote ni Pekto ay pinanood pa rin ng tao. Pinagbawalan yata ito ng kanyang manager kaya naipalabas ang movie nang walang tulong kahit bahagya si Pekto sa promotion. Natakot yata ito dahil nabalitaang kopyang-kopya ang pelikula ng alaga niya sa pelikula ni Bossing.
Ang pito ay binubuo nina Chantel Rosell, 19 yrs. old, isang nursing student sa Fatima College; Shayra Mira, 18, Masscom student sa Lyceum Calamba; Yanina Ysmael, 18, Fatima College; Aniya Morell, 18, STI College; Shanti Penneli, 18, Fatima College at Louise Nicole, Lyceum Manila.
Pinaka-requirement ni G. Manuel na lahat ng Regatta Girls ay mga mag-aaral at ang pag-aaral nila ay hindi kailanman maisasakripisyo dahilan sa kanilang bagong career. Magiging concern ng anim ang kapakanan ng environment lalo na yung may kinalaman sa kalikasang pandagat. Gusto nilang mapangalagaan ang ating kalikasan at ang magaganda nating mga beaches na pangunahing nagdadala sa bansa ng maraming mga turista.
Tutulungan din nila ang mahihirap nating kababayan na naninirahan sa baybay dagat sa pamamagitan ng isang concert na magaganap sa Mayo 21 sa Manila Yacht Club. Sampung % ng kikitain dito ay ipagkakaloob sa foundation ng yacht club.
Ang Regatta Girls na ang pangalan ng anim na myembro ay kinuha sa pangalan ng mga yate na kabilang sa Manila Yacht Club ay kumakantang lahat. Para sila mahasa, ikinuha sila ni G. Manuel ng voice teacher, choreographer, personality developer.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
21 hours ago
21 hours ago
Recommended