Pinoy Pop Superstar album
May 3, 2005 | 12:00am
Sino kaya sa walong finalists ang tatanghaling Pinoy Pop Superstar ng top rating search singing sensation ng GMA 7 na ang grand showdown ay gagawin sa May 8 sa Araneta Coliseum.
Sa walong contestants, pinapalagay na kina Michael Garcia at Jonalyn Viray sila kinakabahan. Lahat ng mga kasama nila ay nagsasabing malakas ang laban at dating ng dalawang ito.
Si Michael ang unang nanalo sa Pinoy Pop Superstar na tinawag na "heartthrob balladeer" dahil sa kantang "If Youre Not the One" na kanyang pinanlaban at kung papalarin siyang makuha para sa one on one showdown ay ito rin ang gagamitin niyang piece.
Si Michael ay 18 yrs old, galing sa Iligan City na tumigil sa pag-aaral sa kursong HRM para sumali sa Pinoy Pop Superstar.
Kapag nanalo siya ay gagamitin nila sa negosyo ng tatay niya na isang driver ng 10 wheeler truck, at ipapatabi ang matitirang pera sa nanay niya na isang plain housewife. Si Michael ay pangatlo sa apat na magkakapatid.
Ang pagpupursige ni Michael sa Pinoy Pop Superstar ay simula ng pangako niya sa kanyang kuya na napagtripan at napatay sa isang rambol nung taong 2001. Ang kuya niya na dating gitarista ng banda ang nag-train sa kanyang kumanta. Madalas silang magka-jamming kapag magkasama sila sa bahay noon.
Ang kuya rin niya ang inspirasyon nito sa pagharap sa hamon na matupad ang pangarap niyang palaring maging Pinoy Pop Superstar at makilalang magaling na singer balang araw.
Samantalang si Jonalyn naman na ngayon palang ay binansagan ng "soul princess" dahil kahit sa edad na kinse anyos ay pang diva na ang dating ng boses nito.
Ang mature voice ni Jonalyn ang sinasabing malakas na laban nito sa kanyang mga kasama at talaga namang pinapalakpakan siya ng mga tao sa lahat ng mall shows nila.
Sa edad na tatlong taon ay nasanay na siyang kumanta sa harap ng maraming tao dahil sa pagbibigay niya ng solo number sa kanilang simbahan.
Tubong Albay si Jonalyn na parehong mahilig kumanta ang kanyang mga magulang. Siya ang panganay sa apat na magkakapatid.
Third high school ito sa Jose Pillar Mateo Rizal na napilitan ding huminto sa pag-aaral dahil sa Pinoy Pop Superstar.
Noong grade V si Jonalyn ay nag-aral ito sa Center For Pop Music na sinasabing nakatulong sa kanya ng malaki upang lalong mahasa ang kanyang magandang boses.
Kinalakihan niyang kantahin ang mga kanta nina Mariah Carrey, Whitney Houston at Regine Velasquez.
Ang tatay ni Jonalyn ay nagtatrabaho sa Purefoods na nagluluto ng mga canned goods at iba pang product nito. Samantalang plain housewife naman ang kanyang nanay.
Kapag nanalo siya ay itatabi raw niya ang pera para sa pag-aaral nilang magkakapatid pagdating nila ng college.
Pero in fairness, walang itulak kabigin din ang iba pang finalists sa Pinoy Pop Superstar na talaga namang mahuhusay din tulad nila Kristel Astor, Charmaine Piamonte, MC Monterola, Brenan Espartinez, Philbert de Torres, at Sheila Ferrari.
Samantala kasabay ng pag-iikot ng walong finalists sa mga mall ang pagpo-promote ng "Pinoy Pop Superstar" album na sold-out agad sa mga probinsiyang pinuntahan nila.
Ang "Pinoy Pop Superstar The Finalists" album ay naglalaman ng mga winning pieces ng bawat contender tulad ng "If Youre Not The One" ni Michael, "Dont Know Me By Now" ni Kristel , "I Believe" ni Charmaine, "Through The Fire" ni MC , "Home" ni Brenan, "It Might Be You" ni Jonanlyn at ang "My Miracle" na theme song ng show na sinulat ni Raul Mitra at release ng GMA Records.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended