Juday, pinatataba si Ryan
May 3, 2005 | 12:00am
Hindi totoo ang kumalat na balitang nanood ng 2005 Mossimo Bikini Summit grand finals si Judy Ann Santos sa Araneta Coliseum last Saturday night dahil kay Ryan Agoncillo, kasama siya ng manager niyang si Alfie Lorenzo sa radio program nito sa DZMM at hindi na siya pinakawalan pa.
May mga nag-text kasi sa amin na magkasama raw sina Ryan at Juday nung gabi na kaagad naman naming inalam sa aktres kung totoo nga.
Hindi dini-deny o kinukumpirma ni Juday ang relasyon nila ni Ryan, say lang niya, "good friends" sila. At say namin na masarap siyang mag-alaga dahil tumataba ngayon si Ryan.
"Hindi ko napapansin kasi madalas ko siyang nakikita," ganting sagot ni Budaday sa amin.
Dagdag naman ni Mommy Carol Santos, (ina ni Juday), "E, mahilig kasing magluto tong anak ko, kaya siguro tumataba si Ryan."
Inamin din sa amin ng mommy ng aktres na nagustuhan niya si Ryan dahil wala siyang nakikitang ka-showbisan dito kapag magkasama ang dalawa.
"In fairness to him (Ryan), hindi naman niya ginagamit ang anak ko, wala akong nababasang interview na pawang si Juday ang topic, as far as I know, ayaw niyang pag-usapan si Juday at sa nakikita ko sa anak ko, shes happy. Syempre pag ganun, happy din ako, sino ba namang ina ang ayaw na makitang masaya ang anak?" kwento ni Mommy Carol sa amin.
At kung hindi rin kami nagkakamali ay may ipinatayong bar and restaurant si Ryan somewhere in Makati City na isa pa si Judy Ann sa nag-conceptualize at nag-ayos. Hindi lang namin nakuha ang name ng bar and restaurant ng binata dahil hindi rin naman daw niya type na ma-write up ito, ganun, paano papasukin ng tao kung walang publicity?
Nakabalik na ang ibang artista ng GMA 7 galing sa Cebu City dahil may mga hinahabol pa silang taping dito sa Manila.
Kwento ng ilang artistang dumalo sa Grand Kapuso Fans Day ay nagutom sila dahil sa sobrang ka-ngaragan dahil hectic ang schedules nila.
"May mga padalang food naman sa amin, sa hotel kaso hindi kami makakain dahil ngina-ngarag kami ng mga staff ng GMA dahil isasalang na kami, e, paano ka makakakain sa init, sa rami ng tao at minamadali ka pa? Sunud-sunod as in ang schedules," kwento sa amin.
Kaya nakakain lang daw ng tama ang ibang artista nung nakasakay na sila ng eroplano pabalik ng Maynila, "Dito na namin kinain ang mga dala naming pagkain, nakakaloka talaga," dagdag pa.
Wish lang ng mga artistang ito na sa susunod nilang Kapuso Fans Day na gaganapin sa Davao City ay hindi na nila mai-experience ang nangyari sa Cebu.
Hindi nagtagumpay ang 2005 Mossimo Bikini Summit na punuin ang Araneta Coliseum nung Sabado ng gabi dahil nasa 40% lang ang tao sa loob, pero mukhang okey na rin sa producer dahil sangkaterba naman ang sponsors nila.
Sina Einar Ingebrigtsen at Denise Montecillo ang title holder ng 2005 Mossimo Bikini Summit na ipinagtaka ng mga nakapanood dahil si Einar ang bukod tanging walang abs at maliit ang katawan kumpara sa ibang finalists at si Denise naman ay maliit sa height niyang 54.
Oo nga naman, may punto ang mga umaangal dahil ang pagkakaalam din namin kapag Mossimo Bikini ay pagandahan ng katawan ang labanan, e si Einar parang boy next door ang dating. Si Denise naman ay sporty ang dating dahil nangangarera pala ito at maski na maliit kumpara sa iba ay keri niya dahil sexy siya at dati pala siyang member ng Star Circle ng ABS-CBN na hindi nabigyan ng career.
Ang ibang nanalo ay sina Handrew Maxilom at Kathleen Deen para sa 2nd runner up, Ramon del Prado at Jeff Gaitan para sa 1st runner up. Mga nakakuha ng special awards ay sina Einer Ingebrigtsen for Mr. Friendship, Liz Camering for Ms. Telegenic, Lara Monterola for Ms. Cereal Breakfast Award, Martin Jickain at Kathleen Deen for Mr. and Ms Gold Gym Body, Kerwin Yap at Denise Montecillo for Mr. and Ms Nestle Zero Yogurt, at Ramon del Prado at Jeff Gaitan for Mr and Ms Photoline. Reggee Bonoan
May mga nag-text kasi sa amin na magkasama raw sina Ryan at Juday nung gabi na kaagad naman naming inalam sa aktres kung totoo nga.
Hindi dini-deny o kinukumpirma ni Juday ang relasyon nila ni Ryan, say lang niya, "good friends" sila. At say namin na masarap siyang mag-alaga dahil tumataba ngayon si Ryan.
"Hindi ko napapansin kasi madalas ko siyang nakikita," ganting sagot ni Budaday sa amin.
Dagdag naman ni Mommy Carol Santos, (ina ni Juday), "E, mahilig kasing magluto tong anak ko, kaya siguro tumataba si Ryan."
Inamin din sa amin ng mommy ng aktres na nagustuhan niya si Ryan dahil wala siyang nakikitang ka-showbisan dito kapag magkasama ang dalawa.
"In fairness to him (Ryan), hindi naman niya ginagamit ang anak ko, wala akong nababasang interview na pawang si Juday ang topic, as far as I know, ayaw niyang pag-usapan si Juday at sa nakikita ko sa anak ko, shes happy. Syempre pag ganun, happy din ako, sino ba namang ina ang ayaw na makitang masaya ang anak?" kwento ni Mommy Carol sa amin.
At kung hindi rin kami nagkakamali ay may ipinatayong bar and restaurant si Ryan somewhere in Makati City na isa pa si Judy Ann sa nag-conceptualize at nag-ayos. Hindi lang namin nakuha ang name ng bar and restaurant ng binata dahil hindi rin naman daw niya type na ma-write up ito, ganun, paano papasukin ng tao kung walang publicity?
Kwento ng ilang artistang dumalo sa Grand Kapuso Fans Day ay nagutom sila dahil sa sobrang ka-ngaragan dahil hectic ang schedules nila.
"May mga padalang food naman sa amin, sa hotel kaso hindi kami makakain dahil ngina-ngarag kami ng mga staff ng GMA dahil isasalang na kami, e, paano ka makakakain sa init, sa rami ng tao at minamadali ka pa? Sunud-sunod as in ang schedules," kwento sa amin.
Kaya nakakain lang daw ng tama ang ibang artista nung nakasakay na sila ng eroplano pabalik ng Maynila, "Dito na namin kinain ang mga dala naming pagkain, nakakaloka talaga," dagdag pa.
Wish lang ng mga artistang ito na sa susunod nilang Kapuso Fans Day na gaganapin sa Davao City ay hindi na nila mai-experience ang nangyari sa Cebu.
Sina Einar Ingebrigtsen at Denise Montecillo ang title holder ng 2005 Mossimo Bikini Summit na ipinagtaka ng mga nakapanood dahil si Einar ang bukod tanging walang abs at maliit ang katawan kumpara sa ibang finalists at si Denise naman ay maliit sa height niyang 54.
Oo nga naman, may punto ang mga umaangal dahil ang pagkakaalam din namin kapag Mossimo Bikini ay pagandahan ng katawan ang labanan, e si Einar parang boy next door ang dating. Si Denise naman ay sporty ang dating dahil nangangarera pala ito at maski na maliit kumpara sa iba ay keri niya dahil sexy siya at dati pala siyang member ng Star Circle ng ABS-CBN na hindi nabigyan ng career.
Ang ibang nanalo ay sina Handrew Maxilom at Kathleen Deen para sa 2nd runner up, Ramon del Prado at Jeff Gaitan para sa 1st runner up. Mga nakakuha ng special awards ay sina Einer Ingebrigtsen for Mr. Friendship, Liz Camering for Ms. Telegenic, Lara Monterola for Ms. Cereal Breakfast Award, Martin Jickain at Kathleen Deen for Mr. and Ms Gold Gym Body, Kerwin Yap at Denise Montecillo for Mr. and Ms Nestle Zero Yogurt, at Ramon del Prado at Jeff Gaitan for Mr and Ms Photoline. Reggee Bonoan
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended