^

PSN Showbiz

May 2 import sa Pinoy Pop Superstar grand finals

- Veronica R. Samio -
Feeling ko napaka-swerte na nung dalawang unang napiling grand finalist ng Pinoy Pop Superstar ng GMA7 na ang host ay si Regine Valasquez. Hindi man sila ang manalo, daig pa nila ang nanalo ng P1M sa laki ng exposure na ipinagkaloob sa kanila ng network. Biruin mo, nakita sila sa halos lahat ng programa ng istasyon! Idagdag mo pa rito ang pangyayaring sa lahat ng mga grand finalist, sila ang talagang masasabing nahasa ng husto. Malaking bentahe na nila yung bawas na ng malaki ang kaba nila pagsalang nila sa grand finals.

Ito sina Michael Garcia ang binansagang heartthrob balladeer at si Kristel Amor, ang power belter ng grupo.

Bukod sa isang siguradong stardom na makakamit ng mananalo, mayro’n pa siyang libreng bahay at lupa sa isang magandang subdivision, isang Futura Classic na itatayo ng Filinvest. Mayro’n pa rin siyang isang bagong Toyota Innova na kotse at isang taong recording contract sa GMA Records. Di ba bongga at kainggit-inggit?!

Bukod kina Michael at Kristel, may anim pang grand finalist na hindi papayag na basta laban lamang ang ibibigay nila. Tulad ng singing sweetheart na si Charmaine Piamonte na kung hindi nakapasa sa kanyang audition para sa Pinoy Pop Superstar ay balak sanang mag-audition din sa StarStruck. Hindi na ito nangyari dahil agad siyang nakapasa sa kanyang audition sa pagkanta. Malakas pa rin ang laban ng passionate performer na si MC Monterola, R&B sensation na si Brenan Espartinez, soul princess Jonalyn Viray at ang 2 import from North America, sina Philbert de Torres na taga-Vancouver, Canada at si Sheila Ferrarie na taga-US pero sa Canada rin nakipaglaban.

Si Philbert ay sumasali talaga sa mga amateur singing contest kasama na ang Canadian Idol where he made it to the top 30. Hindi siya sumali sa American Idol dahil mas pinili niya ang Pinoy Pop Superstar dahil Pinoy siya.

Kaagapay ng mga grand contenders sa paghubog sa kanilang talento ang designer at stylist na si Pepsi Herrera, personality development expert na si Olen Lim, vocal coach Annie Nepomuceno, make-up artist George Bantolino ng Salon de Orient, singer Sushi Reyes ng The Opera, Choreographer Andrew Ferraris ng Whiplash, director Freddie Santos at musical director Raul Mitra.

Gaganapin ang grand showdown sa May 8 sa Araneta Coliseum.
* * *
Isa na namang mabuhay beauty ni Boyet Blas ang napiling Ms. Mouton Cadet isang elite personality derby na isinasagawa ng isang international wine manufacturer. Ito si Gwennelle Ruais na magiging kinatawan ng bansa sa mga social function sa France kasama na ang nalalapit na Cannes International Film Festival. Ang pagiging fluent niya sa lengwaheng French ang nagbigay ng panalo kay Gwen.

Ang 14 years old na kapatid ni Gwen, si Gwendolyn ay isang malakas na contender sa Miss Teen Philippines. Ang ina nila, si Malou Ramos ay dating ramp model sa Europe na nakapangasawa ang isang negosyante na ang ama ay isang mayor sa Paris nun. Si G. Ruais ay napiling dito na manirahan sa bansa.
* * *
Ilulunsad sa ASAP Fanatic ngayong tanghali ang bagong dance craze na "Boogaloo" mula sa Soul Control, sa kanilang album na "Here We Go". Mapapanood ang ASAP sa Plaza Independencia, Cebu City ngayong tanghali para sa "Daghang Salamat" ng ABS CBN Network.

Ang Soul Control ay isang hot duo na kilala sa worldwide dance music scene. Sa kanila galing ang "Chocolate (Choco-Choco). Binubuo ito nina Tom at Leo.
* * *
Tumulong ang SM Foundation na pinamumunuan ni Connie Angeles bilang exec. director for Health and Medical Programs at dating vice mayor ng QC at isang radio, tv at movie personality, sa renovation ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital for pediatric ward and activity center. Ito ay nagkaro’n ng blessing at ribbon cutting na ginampanan ni Gng. Tessie Sy Coson bilang guest of honor. Nag-donate ang SM Foundation ng beds, bassinet, various life saving equipment para sa Pediatric ICU at ang pagpipinta ng mga walls ng mga kulay na gustung gusto ng mga bata.

Ang children activity center na pinangalanang Sentrong Musmos ay ipinangalan kay Mrs. Felicidad Sy. Nagpapasalamat si Dr. Reuben Flores, direktor ng Jose Fabella Hospital sa kanilang mga donor at sponsor.
* * *
Napaka-galing nung discovery ni Kuya Germs at dating That’s Entertainment member niya na nagngangalang Jon Joven. Sayang at sa halip na i-manage siya ni Kuya Germs ay pinahawakan siya kay Dondon Monteverde na isa rin namang magaling na talent manager. Napanood ko ito sa isang concert na iprinodyus ng Master Showman sa Club Mwah! at talaga namang pinahanga niya ang lahat ng nanood sa kanya sa galing niyang mag-perform. Malaki ang nagawa sa kanya ng kanyang stint sa abroad sa Miss Saigon sa Germany. Nahasa ng husto ang kanyang boses.

Kung nun ay naghahanap tayo ng mga bagong mukha at boses na maaring pumalit sa mga performers natin na mas concentrated na ngayon sa abroad like Martin Nievera, eto si Jon Joven at dito naman sa sarili niyang bansa gustong magkapangalan. He has a beautiful voice at kahit nanggaling na sa ibang bansa ay wala pang ere. Dali na, bago pa lumaki ang kanyang ulo at mawalan na naman tayo ng iidolohin. Incidentally, Johnson Uy siya nung nasa That’s at kabilang sa Tuesday group.

Dahil sa tagumpay ng kanyang debut concert sa Club Mwah! which was topbilled by Pilita Corrales, nagpasya si Kuya Germ na gawan ito ng repeat sa nasabi ring venue sa buwang ito ng Mayo. Abangan na lamang ang announcement sa Master Showman.

vuukle comment

CENTER

CLUB MWAH

ISANG

JON JOVEN

KUYA GERMS

MASTER SHOWMAN

PINOY POP SUPERSTAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with