Guardian angel ng music industry
May 1, 2005 | 12:00am
Paano ba nagpapaalam ang isang matalik na kaibigang itinuring na ina ng kanyang mga artista at kawani sa Universal Records at mistulang guardian angel ng industriya ng musika?
Noong mga nakaraang tatlong buwan, simula nang magtungo sa Houston, Texas si Mrs. Bella Tan, kasama ang kanyang buong pamilya, hindi natigil ang mga pagtatanong.
Lahat silay gustong malaman kung ano ba talaga ang lagay ng kaibigan ng lahat sa local entertainment industry. Palagi ko lamang sinasabi na, she was responding well to the treatment she had undergone.
Sa kanyang unang pakikipaglaban sa kanser, natuwa tayong lahat na naging matagumpay ito. Mahigit dalawang taon siyang under remission. Pagpasok ng 2005, iba na naman ang kanyang kondisyon.
Noong isang linggo ay umuwi na sina Mrs. Tan at ang kanyang pamilya, mula sa Texas.
Lunes nang dinalaw niya kami sa opisina ng Universal Records. Kahit mahina pa siya, pinilit niyang makapiling kami kahit sandali lamang. Noon pa man, pinigilan namin ang pag-iyak upang maging mabuti ang kanyang pakiramdam.
Lumapit pa siya sa akin at tinapik ang aking balikat at hinawakan ko ng medyo mahigpit ang kanyang kamay. Hindi ko naman alam na yon na ang huli naming pagtatagpo na buhay pa siya.
Pumanaw siya mga ilang minuto lamang makalipas ang hatinggabi noong Martes. Kayat Miyerkules na ito, Abril 27. Sa Hunyo 24 sana siya magdiriwang ng ika-52 kaarawan.
Napakabata pa niya para iwanan ang mundong minahal niya ng tunay pinag-alayan niya ng kanyang buhay. Kahit na nga kulang pa sa 52 taon siya nabuhay, ang mga nagawa niyang kabutihan at pagtaguyod sa musikang Pinoy, hindi kayang gawin ng ibang tao kahit mabuhay pa ng 100 taon.
Si Mrs. Bella Tan na managing director ng Universal Records ang naging executive producer ng mga hit albums nina Jose Mari Chan, Apo Hiking Society, Gary Valenciano, Kuh Ledesma, Celeste Legaspi, Jake Concepcion, Willy Garte, Smokey Mountain, Geneva Cruz, Florante, Leo Valdez, Samantha Chavez, Parokya ni Edgar, Neocolours, Jed Madela, JayR, Jerome Hughes, Rizza Navalez at marami pang iba.
Bilang isa sa mga leaders ng music industry, malaki ang naiambag niya sa anti-piracy crusade ng Philippine Association of the Record Industry (PARI). Isa rin siya sa mga nagsulong na buhayin ang Awit Awards.
Bilang board member ng Pilipino Society of Authors and Publishers (Filscap) siya ang nagtaguyod na ipatupad ang Copyright Law, para matanggap ng mga singers at composers ang kanilang mga kaukulang royalties. Siya ang namagitan sa ibat ibang sector ng industriya upang makolekta ang nasabing kabayaran sa kinauukulang artista.
Itong mga nabanggit, bukod sa di na mabilang na mga hit songs na kanyang na-produced-na patuloy nating kakantahin at pakikinggan ang mga mahalagang ambag niya sa industriya.
Higit sa lahat, sa mahigit na tatlong dekada ko siyang nakatrabaho at naging boss, ito ang aking maipagmamalaki sa lahat ng tao. Isang ulirang asawa ng kanyang mister na si Jack Tan at ina ng kanyang mga anak na sina Jaclyn at Jeffrey si Mrs. Bella Tan.
Ang kanyang pagiging mapagkupkop na magulang, ipinadama niya rin ng buong pagmamahal sa lahat ng kanyang mga kawani at kaibigan.
Para sa aming lahat, si Mrs. Bella Tan ay isang anghel dela guardia na bumalik na sa kanyang dapat kalagyan, doon sa langit.
Sana patuloy niya tayong kalingain kahit bumalik na siya sa kanyang homebase. Sana patuloy niya tayong ipagdasal, lalo pa ngat higit na malapit na siya sa Diyos.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended