^

PSN Showbiz

TV host, libre ng security

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Nakalibre umano ng security escorts ang kamakailan ay napa-blind item na bata ng isang retired na heneral na isang TV host.

Ito palang si TV host, ay humiling ng security escorts sa gobyerno sa pamamagitan ng mga inimbentong death threats.

Kaya ngayon hindi lamang ang mga mayayamang kalalakihan na niloko nila ng milyun-milyon ang nagantso kundi pati na ang pamahalaan. Libre ang security escorts at ang taumbayan ang nagbabayad sa mga ito. Ang matindi pa nito, ang mga pinagkakakompromisuhan nila ng kanyang ina ay hindi na nga makalapit upang maningil sa kanila dahil isang batalyon ang bodyguard nila.

Sino ang general ang nagbigay ng security sa TV host? Ang nasabing heneral kaya na balitang maimpluwensya pa rin sa pamahalaan?
gary v. 22 years sa music business
Kahit maraming mga new talents ang pumapasok sa larangan ng musika ay nag-iisa lang si Gary Valenciano dahil sa kanyang staying power. Katunayan ay nagseselebyrat ito ngayon ng kanyang 22 years sa larangan ng musika saludo ang Star Records kay Gary dahil dalawa sa biggest hits ng kompanya noong 2004 ay galing kay Mr. Pure Energy’ "How Did You Know" at "Because of You".

Ang payo nito sa mga baguhang singer na gustong sumikat balang araw ay mamili ng mga awiting babagay sa kanila.
Swimmer Na, Singer Pa
Nakaharap namin ang napakagandang pambato ng Iligan City na si Nikki Bacolod na finalists ng The Search for the Star in a Million.

Apat na taong gulang lang ito nang magsimulang kumanta. Nang sumapit na sa ika-siyam na taon ay nagsimula na itong mag-formal training ng voice lessons kung saan ang kanyang voice coach ay si Liza Agot.

Isa siyang asthmatic at ang paglalangoy ang nagsisilbing therapy sa kanyang mahinang baga. Nakatulong din ito sa kanyang breathing lesson sa pagkanta. Dahil sa pagiging magaling na swimmer ay naging miyembro ito ng Philippine Team at naipadala sa Vietnam. Nagkamit siya ng 2 bronze medals sa Thailand noong 2002.

Ano ang gagawin niya sa 1 milyon sakaling siya ang tanghaling grand champion?

"Ibibigay ko po sa nanay ko dahil gagamitin niya ito sa pagpapagamot sa akin. May sakit po akong hypoparathyroid, isang uri ng sakit na nagko-control sa calcium. Inborn po ito," aniya.

Paborito ni Nikki si Sarah Geronimo dahil nagagalingan siya rito bukod sa pagiging mabait. Third year high school na si Nikki sa Bible Baptist Christian Academy at gustong kumuha ng Political Science sa college at magtutuloy sa Law.
ayo Na Sa "Madagascar!"
T Ngayong tag-init, tuklasin ang isang lugar na kung saan kahit sino ay magiging malaya at masaya nang dahil sa kalikasan. Tayo na sa isang pakikipagsapalaran na puno ng matitinding pagsubok sa bagong computer animated comedy, ang Madagascar.

Ang pelikula ay istorya ng apat na hayop na lumaki sa zoo. Basta nabanggit ang tungkol sa gubat, sila ay nagwawala. Si Alex the Lion (Stiller) ay ang hari ng urban jungle at main attraction sa Central Park Zoo sa New York. Siya at ang mga kaibigang sina Marty the Zebra (Chris Rock), Melman the Melanie (Schwimmer) at Gloria the Hippo (Pinkett Smith) ay namuhay nang nakakulong pero sagana sa maraming pagkain.

Nang maging curious kung ano’ng meron sa tunay na gubat, si Marty, sa tulong ng ilang tusong penguins, ay tumakas. Sina Alex, Melman at Gloria ay sumunod sa kanya. Pero matapos na maging sanhi ng kaguluhan sa kalsada, sila ay hinuli at isinakay sa barko ng mga taong nag-akalang dapat silang palayain mula sa magulong buhay sa New York.

Produksyon ng Dream Works Animation SKG, ang Madagascar ay nagtatampok din sa boses nina Sacha Baron Cohen (TV’s DA Ali G Show), Cedric the Entertainer (Barbershop) at Andy Richter (Elf). Release ito sa ‘Pinas ng United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation.

ALEX THE LION

ALI G SHOW

ANDY RICHTER

BECAUSE OF YOU

BIBLE BAPTIST CHRISTIAN ACADEMY

CEDRIC THE ENTERTAINER

NEW YORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with