^

PSN Showbiz

Anak ni Jolo hindi na nakikita nina Bong at Lani

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Bugbog-sarado pala talaga ang isang TV personality sa kanyang boyfried na actor noon.

Grabe as in black and blue ang nasabing TV personality.

Alam daw ito ng mga co-host ng female host dahil minsan pumapasok siyang may pasa sa mukha. Ang lagi raw dinadahilan, nadulas siya sa banyo.

Pero sobrang in love daw nito kaya wa effect kahit lagi siyang binubugbog.
* * *
"If you support piracy, you unavoidably support criminality. Piracy is about stealing intellectual property, sure, but beyond that, few people realize it also involves smuggling, corruption, pornography, alien smuggling and the exploitation of women, children and porn vendors. I don’t think that’s worth supporting in exchange for two hours of cheap entertainment," deklara ni Optical Media Board Chairman Edu Manzano.

Lately kasi nalaman niyang kahit ang ilang artista ay nagpa-patronize ng pirated discs.

Pinaka-latest nga ay ang basketball player na si Alex Crisano na nakawan pa ng baril matapos bumili ng pirated DVD sa isang vendor.

Tuloy-tuloy ang kampanya ni Edu laban sa piracy. Pero marami talagang matigas ang ulo na walang care sa kampanya ng gobyerno na i-iradicate ang piracy sa bansa.
* * *
Looks like wala nang communication sina Jolo Revilla and Grace Adriano, ang anak ni Rosanna Roces na mother ng panganay ng young actor.

Wala na kasing local contact number si Jolo at mismong si Lani Mercado ang nagsabi.

Sa Orange County si Jolo naka-base ngayon. At magi-exam na raw ito sa papasukang school do’n.

Iniwan na ng mag-anak si Jolo after ng kanilang bakasyon doon.

Malungkot daw si Senator Bong at mga kapatid ni Jolo dahil mami-miss nila ito. Pero wala silang choice dahil do’n nga ito magi-enroll this coming school year.

Si Lani nga raw, ilang araw na silang nasa bansa, pero umiiyak pa rin siya dahil hindi niya talaga ma-imagine na nasa Amerika na si Jolo.

At ilang weeks na silang nakarating from almost three weeks vacation sa States pero hindi pa niya nakikita ang apo niya. Pero napadala na raw niya lahat ng mga pasalubong para kina Grace at sa apong si Jose Gabrielle.

Bago kasi sila nagpunta ng Amerika, nagkaroon ng issue. Pero ‘wag na lang nating i-detail pa dahil baka mamaya maging big deal na naman eh tapos na.

Nag-thank you si Grace sa mga pinadala niyang pasalubong thru text message.
* * *
Nakakatawa palang mag-show itong si Ya Chang. Napanood kasi namin no’n minsan ng friend kong si Ian Fariñas sa Zirkoh.

First time kong napanood si Ya Chang at nakakatawa pala talaga siya. Natural ang pagiging komedyante niya.

Kaya nga sabi ng manager niyang si Lito, halos wala na itong pahinga ngayon. Kabi-kabila raw ang assignment nito at marami raw itong commercial na lalabas. Ayaw pang i-reveal ng manager kung anong mga product ang sinasabi nila.

Anyway, na-mention din ni Lito, ang business partner ni Allan K. na ready na ang Klownz Angeles para sa first anniversary nito. Mag-start ang celebration tonight hanggang Hunyo 3.

Pasasalamat na rin daw ito nina Allan K at AiAi delas Alas sa mga regular customer ng nasabing comedy bar sa mga naninirahan sa Pampanga at kalapit-probinsiya na dinarayo pa ang nasabing comedy bar.

Si Francis Magalona ang opening salvo tonight sa "Francis M... Live!" Makakasama niya sa show ang mga grupong Hardware Syndrome,, Glock 9, Mike Swift at Pikaso. First time din ni Francis na magsu-show sa Klownz Angeles.

Katatawanan naman ang hatid nina John Lapus, Phillip Lazaro at special guests sa kakaiba nilang show na "Queers On Fire. . . Invades Angeles!" sa Mayo 6, Biyernes. Tarayan, laitan at patalbugan ang drama ng dalawang ito na sinaliwan ng sayaw at kanta.

Dadayo rin si Jolina Magdangal - "Jolina; The Girlie Show!" sa Mayo 7, Sabado. Exciting ang show ni Jolens dahil guest niya sina Keempee de Leon, Eric Santos and yes, ang dati niyang ka-loveteam na si Marvin Agustin! At least kahit man lang sa nasabing concert mag-reconcile sina Jolina at Marvin. Although in real life, malabo na silang magkabalikan dahil common knowledge na magkakaanak na si Marvin sa isang non-showbiz girl.

Sa Mayo 13, Biyernes, back to back ang show ng Sex Bomb singers at ng Japanese sensation na si Ya Chang na "Moshi Moshi Bomb Bomb Bomb!" First time ding magsasama sa stage si Ya Chang at ang love of his life na si Jopay Paguia ng Sex Bomb Singers kaya siguradong riot ito.

Ang Klownz Angeles ay nasa compound ng Casino Filipino, Balibago Angeles City. Para sa tikets, tumawag sa telepono 045-892-6538 o mag-text sa 0915-5665664.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - [email protected]

vuukle comment

ALEX CRISANO

ALLAN K

CENTER

JOLO

KLOWNZ ANGELES

PERO

YA CHANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with