^

PSN Showbiz

Mamahaling relo ang b-day gift ni Oyo Boy kay Angel

-
Nag-voluntary surrendered ang actor na si Phillip Salvador kay Judge Elizabeth Yu Guray ng Branch 201-202 Las Piñas Regional Trial Court kahapon ng umaga (Biyernes) kasama ang ilang pulis at kuya niyang si Ramon Salvador.

Matatandaang inisyuhan ng warrant of arrest ni Judge Guray ang actor nu’ng hindi nito siputin ang arraignment ng kasong estafa na isinampa sa kanya ng dating girlfriend na si Cristina Decena last Wednesday.

Katwiran ni Ipe, may hypertension siya on that day kaya hindi siya nakarating at bago pa mahuli ang lahat ay kusa na siyang sumuko sa mga pulis na kasama niyang pumunta kay Judge Guray.

Pinuri naman ng mga pulis ang actor dahil makakagaan daw sa kaso niya ang ginawa niyang pagsuko.

Samantala, bago naghain ng plead na not guilty si Phillip ay tinititigan muna niya ng masama si Cristina na ayon naman sa huli ay naawa siya sa actor.

Hindi rin daw iuurong ni Cristina ang kaso dahil sobrang sama ng loob ang idinulot sa kanya ni Ipe at kailangang ayusin ang lahat ng basurang ikinalat at sana’y hindi ito pakialaman ng maimpluwensiyang tao sa gobyerno dahil nagsasabi lang naman daw ng katotohanan si Cristina.

Muling maghaharap ang dalawa sa May 11 para sa pre-trial hearing.
* * *
Sinampahan ng kasong attempted murder ang gobernador ng Pampanga na si Mark Lapid ng nagngangalang Gideon Cura, edad 30 at residente ng Angeles, Pampanga.

Ayon kay Gideon ay nagkabanggaan sila sa balikat ni Mark habang papalabas siya ng Club Halfway Disco ll habang papasok naman ang gobernador kasama ang kanyang bodyguards bandang alas- dos ng madaling araw nu’ng April 24.

"Dalawa lang po kami ng pinsan kong magkasama, tapos nagkabanggaan po ‘yung balikat namin, nagulat ako kasi sinuntok kami ni Mark sa left chin tapos inundayan na ako ng mga bodyguard niya. Hinampas po ako ng bote at ng steel chair bukod pa sa mga tadyak, sipa at suntok.

"Nagmamakaawa po ‘yung pinsan ko na tigilan na nila ako kasi duguan na ako, kaso hindi po nila ako tinigilan at nakawala lang po ako nu’ng nagtatakbo ako sa fire exit ng club at nahabol pa ako ng suntok. Nu’ng nasa labas na po ako, hindi na nila ako sinundan at nagpahatid na ako sa pinsan ko sa Angeles University Hospital, kaso sarado po kaya sa L.N.S. Clinic na lang at doon ako inoperahan at tinahi ni Dr. Bautista," detalyadong kwento ni Gideon.

Ipinakita rin sa amin ni Gideon ang mga larawang pinakunan niyang may walong stitches ang bunbunan niya at pasa sa kaliwang panga.

At last April 26 ay nag-file na si Gideon kasama ang abogadong si Atty. Norman Dick de Guzman ng kasong attempted murder at sa May 12 daw ang preliminary hearing.

Samantala, ayon naman sa tauhan ni Gov. Mark sa munisipyo ay nag kontra demanda rin daw ang kanilang boss ng physical injury laban kay Gideon at ayaw na raw magbigay pa ng pahayag ang naturang opisyal dahil nakasampa na raw ang kaso.
* * *
Isang black dial na Phillip Patek watch ang regalo ni Oyo Boy Sotto sa kanyang lady love na si Angel Locsin na ibinigay kahapon, Huwebes sa shooting ng isang produkto.

Nagulat si Angel dahil hindi niya ini-expect na isang mamahaling relo ang give sa kanya ni Oyo at mas lalo siyang nagulat dahil, dalawa ang binili ni Oyo, tig-isa sila, (his and her).

Samantala, mukhang tanggap na rin ng fans si Oyo para kay Angel dahil hindi naman naapektuhan ang ratings ng Darna simula nu’ng mabalitang ‘sila’ na maski na hindi pa inaamin nang dalawa.
* * *
Dinagsa ng tao ang ginanap na taping ng Showbiz Stripped nina Ricky Lo at Melanie Marquez na ginanap sa Araneta Coliseum last Thursday night dahil akala ng mga tao ay naroon ang 24 members ng Star Struck Batch 1 and 2 dahil naka-display ang logo ng Starstruck.

Ipinakita kasi kung paano naging part ang big dome sa success ng Starstruck dahil dito ginanap ang dalawang gabing final judgment kung saan nagwagi sina Mark Herras, Jennylyn Mercado, Mike Tan at Ryza Cenon.

Mapapanood ang kumpletong detalye ng Starstruck sa Showbiz Stripped nina Ricky at Melanie ngayong gabi sa GMA 7 para sa episode nilang Star Struck Parental Guidance is Advise at makikilala rin ang mga taong nagpalaki sa 24 miyembro.

Samantala, happy ang management ng GMA dahil simula raw nung umere ang Showbiz Stripped ay hindi pa ito natalo ng katapat na Kontrobersyal ni Boy Abunda. (Ulat ni REGGEE BONOAN)

vuukle comment

AKO

ANGEL LOCSIN

CRISTINA

DAHIL

JUDGE GURAY

OYO

SAMANTALA

SHOWBIZ STRIPPED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with