Kris type si Derek!
April 29, 2005 | 12:00am
Walang duda na malakas ang following ng mga Koreanovela ng ABS-CBN. Pinag-uusapan ngayon ang Stained Glass at Memories of Bali. At marami na ang naiintriga sa mga bidang lalaki ng dalawang Koreanovela. Sa totoo lang, kinababaliwan ngayon ng fans ang mga male stars nito.
Sina Kim Sung Soo at Lee Dong Gun ang dalawang heartthrob ng Stained Glass. Samantalang sina Cho In Sung at Soh Ji Sup naman ang bida sa Memories of Bali.
At para sa mga gustong malaman ang ilang facts sa mga kinababaliwang Korean actors, narito ang ilang detalye tungkol sa kanila.
Si Kim Sung Soo ay si Kevin sa Stained Glass. Ipinanganak siya noong May 23, 1975. Isa siyang commercial model at aktor sa Korea. He stands 61 at talagang sikat na sikat sa iba pang Asian countries.
Si Lee Dong Gun naman ay ang sikat na sikat na si Martin ng Lovers In Paris. Siya si Gerry sa Stained Glass. Isa siya sa pinakasikat na matinee idol sa Korea. At dahil sa tagumpay ng Lovers In Paris, sumikat na rin siya sa ibang Asian countries kasama na ang Pilipinas. He stands 60". Ipinanganak siya noong July 26 1980. Bukod sa Lovers In Paris at Stained Glass, si Lee Dong Gun din ang bida sa recent hit sa Korea na Sang-doo.
Si Cho In Sung ay sumikat ng husto dahil sa Memories of Bali. He stands 61" at ipinanganak noong July 28, 1981. Bata pa lang ay sikat na si Cho In Sung sa Korea dahil nagbida na siya sa ibat ibang TV shows. Sa Memories of Bali, siya si Paolo na isang rich guy at tagapagmana ng isang malaking korporasyon sa Korea. At dahil sa mahusay niyang performance sa Memories of Bali, siya ang nanalong Best Actor sa Baeksang Awards in Korea noong 2004. Nakapagbida na rin siya sa iba pang serye tulad ng Spring Days, Shoot For The Stars at Piano.
Si Soh Ji Sup ay si Ryan sa Memories of Bali. Siya ang mahirap subalit matalinong boyfriend ni Nina. Si Soh Ji Sup ay ipinanganak noong November 4, 1977. He stands 6 feet tall. Noong 2000, nanalo siya ng SBS New Actor award sa Korea. Nakagawa na rin siya ng movie, ang Cant Live Without Robbery. Siya ang isa sa pinakasikat na aktor ngayon sa Korea at iba pang Asian countries kabilang na ang Pilipinas.
Speaking of Koreanovela, nagalit at hysterical ngayon ang mga fans ng phenomenal na Meteor Garden. Hindi nagustuhan ng mga Meteor Garden diehards ang claim ng GMA 7 na tinalo raw ng mga Koreanovela ng GMA ang Meteor Garden.
"Walang pwedeng pumantay o tumalo sa kasikatan ng Meteor Garden! Phenomenal ang kasikatan nila. Kaya magtigil ang mga nagki-claim diyan!" tili ng isang hanggang ngayon ay diehard ng Meteor Garden.
Totohanan na kaya ang namumuong pagtitinginan kina Kris Aquino at ang kanyang leading man sa kanyang bagong commercial na si Derek Ramsey? All praise si Kris kay Derek matapos niya itong makatrabaho sa nasabing bagong commercial.
Aminado si Kris na type niya ang kakaibang dating ni Derek. Mula nang dumating si Derek galing ng kanyang vacation sa Europe, madalas ang tawagan at coffee night outs ng dalawa. Kung totoo ito, paano na ang dalawang basketbolistang sina Romel Adducul at James Yap? Tuluyan na nga bang nakaisa si Derek sa dalawa?
Guest si Derek sa segment ni Kris sa The Buzz ngayong Linggo sa live telecast nito sa Plaza Independencia sa Cebu City. How true ang balitang nag-request pa si Kris na sabay sila ni Derek ng flight papuntang Cebu at same hotel na rin daw sana i-billet si Derek kasama ng mga Kapamilya Stars?
Sina Kim Sung Soo at Lee Dong Gun ang dalawang heartthrob ng Stained Glass. Samantalang sina Cho In Sung at Soh Ji Sup naman ang bida sa Memories of Bali.
At para sa mga gustong malaman ang ilang facts sa mga kinababaliwang Korean actors, narito ang ilang detalye tungkol sa kanila.
Si Kim Sung Soo ay si Kevin sa Stained Glass. Ipinanganak siya noong May 23, 1975. Isa siyang commercial model at aktor sa Korea. He stands 61 at talagang sikat na sikat sa iba pang Asian countries.
Si Lee Dong Gun naman ay ang sikat na sikat na si Martin ng Lovers In Paris. Siya si Gerry sa Stained Glass. Isa siya sa pinakasikat na matinee idol sa Korea. At dahil sa tagumpay ng Lovers In Paris, sumikat na rin siya sa ibang Asian countries kasama na ang Pilipinas. He stands 60". Ipinanganak siya noong July 26 1980. Bukod sa Lovers In Paris at Stained Glass, si Lee Dong Gun din ang bida sa recent hit sa Korea na Sang-doo.
Si Cho In Sung ay sumikat ng husto dahil sa Memories of Bali. He stands 61" at ipinanganak noong July 28, 1981. Bata pa lang ay sikat na si Cho In Sung sa Korea dahil nagbida na siya sa ibat ibang TV shows. Sa Memories of Bali, siya si Paolo na isang rich guy at tagapagmana ng isang malaking korporasyon sa Korea. At dahil sa mahusay niyang performance sa Memories of Bali, siya ang nanalong Best Actor sa Baeksang Awards in Korea noong 2004. Nakapagbida na rin siya sa iba pang serye tulad ng Spring Days, Shoot For The Stars at Piano.
Si Soh Ji Sup ay si Ryan sa Memories of Bali. Siya ang mahirap subalit matalinong boyfriend ni Nina. Si Soh Ji Sup ay ipinanganak noong November 4, 1977. He stands 6 feet tall. Noong 2000, nanalo siya ng SBS New Actor award sa Korea. Nakagawa na rin siya ng movie, ang Cant Live Without Robbery. Siya ang isa sa pinakasikat na aktor ngayon sa Korea at iba pang Asian countries kabilang na ang Pilipinas.
"Walang pwedeng pumantay o tumalo sa kasikatan ng Meteor Garden! Phenomenal ang kasikatan nila. Kaya magtigil ang mga nagki-claim diyan!" tili ng isang hanggang ngayon ay diehard ng Meteor Garden.
Aminado si Kris na type niya ang kakaibang dating ni Derek. Mula nang dumating si Derek galing ng kanyang vacation sa Europe, madalas ang tawagan at coffee night outs ng dalawa. Kung totoo ito, paano na ang dalawang basketbolistang sina Romel Adducul at James Yap? Tuluyan na nga bang nakaisa si Derek sa dalawa?
Guest si Derek sa segment ni Kris sa The Buzz ngayong Linggo sa live telecast nito sa Plaza Independencia sa Cebu City. How true ang balitang nag-request pa si Kris na sabay sila ni Derek ng flight papuntang Cebu at same hotel na rin daw sana i-billet si Derek kasama ng mga Kapamilya Stars?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended