^

PSN Showbiz

Phillip, may warrant of arrest!

-
Hindi sinipot ng actor na si Phillip Salvador ang hearing ng kaso niyang estafa sa sala ni Judge Elizabeth Yu Guray ng branch 201 ng Las Piñas Regional Trial Court kahapon, Miyerkules na naging dahilan para isyuhan si Ipe ng warrant of arrest.

Ang abogado lang ni Phillip na si Atty. Abad ang sumipot at nag-sumite ng medical certificate kay Judge Guray na nagsasabing hindi nga makakarating ang kanyang kliyente dahil may hypertension ito.

Hindi tinanggap ng huwes ang alibi ng actor dahil hindi naman daw malala ang sakit na hypertension kaya’t kaagad nagpalabas ng warrant of arrest para sa actor.

Samantala, last Sunday evening ay nakita pa naming kumakain ng late dinner si Ipe kasama ang asawang si Emma Karen, Sen. Bong Revilla, Jr., Lani Mercado, Ricky Davao at Rudy Fernandez sa isang Chinese restaurant sa T. Morato, QC.
* * *
Nakaisang season na ba ang Kaya Mo Ba ‘To ni Carlos Agassi?

Kaya namin natanong ay dahil malapit na raw itong mag-babu sa ere dahil utos daw ng management na ihinto na dahil simula nu’ng umere ay hindi pa ito pumalo sa ratings.

Bukod dito ay hindi rin maganda ang feedback ng viewers at tila wala raw itong ipinagbago sa naunang programang Victim Extreme na hindi rin nagtagal.

Anyway, bibigyan naman daw uli ng bagong programa si Carlos dahil nga may kontrata ito.

Aliw lang kami dahil hindi pa nga namin napanood ni isang episode ng Kaya Mo Ba ‘To, mawawala na, teka, anong araw ba ito umeere?
* * *
Nababaliw ang isang entertainment editor kay Angel Locsin dahil hindi matapus-tapos ang one-on-one interview niya sa bida ng Darna dahil nga walang time.

Naloka rin kami dahil araw-araw pala ang taping ni Angel ng Darna na ini-expect din namin na kapag na-pack up siya ng madaling araw ay pahinga na niya the whole day, hindi pala dahil after two hours ay call time uli for another taping day ng naturang fantaserye.

"Natutulog pa ba ‘yan?" tili ng naturang entertainment editor.

"Pinapatulog naman siya for three hours, in between takes," sagot naman ng assistant manager ni Angel na si Cynthia Valconcha.

Balita namin ay nagba-bangko ng marami ang Darna dahil nga maraming out of town at out of the country shows ang ilan sa cast kaya’t inaagapan ang mga schedule.

At ang nakakatawang siste, nagkaroon lang ng isang araw na pahinga si Angel ay binigyan naman siya ng raket ng GMA Artist Center, ang maging co-host sa Extra Challenge nina Paolo Bediones at Ethel Booba as Darna herself para hanapin ang challengers na sina Jaya, Gladys Guevarra at Aiza Seguerra para sa episode na Maid to Order.

Bulong nga sa amin ni Angel, "Hindi ko na kaya, mamamatay na yata ako sa pagod. Wala pa akong tulog," at saka sinabayan ng hingi ng kinakain naming chitchiria para raw magising siya.

Going back to the entertainment editor, "Ano ba ‘yan, maski five minutes break hindi siya makatawag sa akin," at kaagad namang sinagot ng kampo ni Angel ng, "Pag nasa taping po kasi si Angel, hindi niya hinahawakan ang cellphone niya at ayaw niyang nai-istorbo para hindi mawala ang konsentrasyon niya."
* * *
Mukhang walang kinapuntahan ang nangyaring dialogue ng MMFFP headed by Chairman Bayani Fernando sa mga film producer last Saturday na ginanap sa Tektite Towers dahil hindi sinang-ayunan ng ilang independent producer ang ilang patakaran ng Metro Manila Film Festival Philippines.

May mga binago sa patakaran ng MMFF na mag-uumpisa ngayong Hunyo para isumite ang synopsis ng mga pelikulang sasali ngayong December.

Bagama’t inunahan na ni Chairman Fernando na walang "palakasan" system sa MMFF at lahat daw ay pantay-pantay kesehodang maliit kang producer, pero hindi ito pinaniwalaan ng ilang independent producer na dumalo sa naturang dialogue dahil may mga kanya-kanya silang reklamo.

Naringgan din naming hindi pabor si Direk Gil Portes sa pagkaka-explain ng grupo ni Chairman Fernando ng meaning ng commercial film dahil tila pinalalabas ng komite na "napakatanga" ng mga producer na present sa dialogue para hindi maunawaan ang ibig sabihin ng commercial film.

Hirit din ng ibang dumalo na ayon sa MMFF committee na dapat daw kumpleto na lahat ang requirements ng mga pelikula na ie-exhibit sa Disyembre at sa announcement ng magic 7 ay magugulat ka na lang na yung iba ay hindi naman sumunod sa patakaran at bigla na lang kasama sa line up?

Sa madaling salita, walang nangyari sa ginanap na diyalogo ng MMFFP sa mga film producer. — Reggee Bonoan

AIZA SEGUERRA

ANGEL

CHAIRMAN FERNANDO

DAHIL

DARNA

KAYA MO BA

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with