Producer, ayaw umaming flop ang pelikula niya!
April 27, 2005 | 12:00am
Tinawagan kami ng kampo ni Jennylyn Mercado para ipaliwanag ang dahilan kung bakit hindi nagpakita ang dalagita sa birthday party ni Angel Locsin sa Zirkoh last Saturday night.
"Masama na po ang pakiramdam ni Jennylyn nung gabi, pero nagpunta po siya sa Zirkoh, kaya lang nung wala pa si Angel, natulog muna siya sa sasakyan niya at nagbilin na gisingin na lang. Kaso po, ang taas na ng lagnat at hindi na makahinga dahil barado po ang ilong at masakit ang lalamunan, kaya hindi na bumaba pa kasi baka bumagsak pa sa party, mas nakakahiya.
"Kaya po kinabukasan, dinala siya sa doktor para ipa-check up at namamaga nga raw ang lalamunan," kwento sa amin.
Alam daw ng manager nina Angel at Jennylyn na si Ms. Becky Aguila na maysakit ang huli that night.
Hindi namin alam kung nagpapapansin ba ang producer ng Pelukang Itim na si Elizabeth Samson dahil nag-file siya ng reklamo last Monday sa Makati Regional Trial Court laban kina Alma Moreno dahil hindi raw sinipot ng aktres ang mga scheduled promo ng pelikula na siyang napag-usapan at sa showbiz reporter ng 24 Oras dahil ini-report daw na flop ang ginanap na premiere night ng pelikula sa SM Megamall Cinema 4 last April 14.
Kilala namin ang showbiz reporter na nag-report na hindi nga tinao ang Pelukang Itim nina Alma, Eddie Gil at Madame Auring at say niya, "May kopya ako ng raw tape na nagpapatunay na walang tao, nag-stand upper ako sa loge section at 3/4 lang ang tao, sa orchestra section beinte katao lang, so mali ba ang report ko na flop?"
Ang nakakalokang parte, ibang pangalan ng showbiz reporter ang sinampahan ng kasong libelo ng producer ng pelikula na hindi naman siya ang nag-report, kaya ang tanong namin, paano magpo-prosper ang kaso kung maling tao ang idinemanda ni Elizabeth?
Ano kayang mangyayari na sa career ni Faith Cuneta dahil nabalitaan namin na hindi na siya makakatungtong pa ng GMA 7, meaning hindi na siya pwedeng mag-guest pa sa alinmang shows ng Siete?
Ito ang narinig naming kuwentuhan sa compound ng GMA na tila banned daw ang pamangkin ni Sharon Cuneta dahil nalaman daw ng mga bossing ng network na lahat daw ng isyu sa kanila ni Regine Velasquez ay galing sa kampo ng baguhang singer.
Nagulat naman kami dahil ang alam namin ay nag-explain na si Faith at ang manager niyang si Jacob Fernandez na wala silang alam tungkol dito, pero ang final decision nga ay hindi na makakatuntong ang baguhang singer sa GMA 7.
Sa madaling salita ay hindi na rin kukunin si Faith para kumanta uli ng theme song ng mga Koreanovelang ipalalabas sa Siete?
Anyway, nalaman din namin na tila hindi interesado kay Faith ang ABS-CBN dahil wala na rin daw siyang paglalagyang programa at higit sa lahat, hindi rin naman makakanta ni Faith ang sikat niyang awiting "Pag-ibig Koy Pansinin" dahil theme song yun ng Koreanovela ng GMA at higit sa lahat, may Cuneta na raw ang Dos, si Sharon.
Any word from Jacob or Faith?
May pakiusap ang manager ng Sex Bomb Girls na si Joy Cancio na magkakaroon ng grand fans day ang Sex Bomb sa May 16 na gaganapin sa Star City sa ganap na alas tres ng hapon.
Ang titulo ng fans day ay Makisayaw, Makisunod sa Sex Bomb Fans Day at para makapasok ay magdala lang ng original at hindi pirated CD or tape ng sexbomb tulad ng "Unang Putok," "Round 2," "Bombthreat" at sexiest hits ng dancers at maari raw makapasok hanggang tatlong katao.
Dagdag din ni Joy na lahat ng shows ng grupo ay maglalaan sila ng certain amount para mag-donate sa Kapuso Foundation ng GMA 7 c/o Focus E Inc., at Shizouka Yogaku Freak bilang pasasalamat sa lahat ng blessings na tinatamasa nila ngayon.
Nabalita kamakailan na babalik na si Korina Sanchez sa TV Patrol World, obviously para umangat ang ratings ng programa dahil simula nung iwan ng naturang TV host ang TV Patrol ay hindi na ito umangat sa ratings at worst pa, lumaylay na ng husto dahil nasa line of 1 na lang kumpara sa 24 Oras na nasa line of 2 or 3 pa ang ratings.
Anyway, say ng taga-news department, "Nagpaparinig on her camp, pero as of now, wala pang decision."
And speaking of live remote sa Vatican City ay maraming nakapansing viewers na tila wala man lang partisipasyon si Karen Davila, isa sa anchor ng TV Patrol World sa ginawang coverage ni Korina, parating si Ted Failon daw ang nagi-intro at nagtatanong kay Kuring?
"Di ba dapat may kanya-kanya silang tanong based on their opinions? Bakit puro si Ted, ayaw ba ni Korina kay Karen?" ito ang ibinatong tanong sa amin na hindi rin namin alam ang sagot.
Hindi pa ba in good terms sina Korina at Karen? At saka paano na ang balik-tambalan nina Kris Aquino at Korina kung babalik siya sa Patrol, di kaya magsawa ang tao kapag napanood siya sa primetime sa dalawang show? Reggee Bonoan
"Masama na po ang pakiramdam ni Jennylyn nung gabi, pero nagpunta po siya sa Zirkoh, kaya lang nung wala pa si Angel, natulog muna siya sa sasakyan niya at nagbilin na gisingin na lang. Kaso po, ang taas na ng lagnat at hindi na makahinga dahil barado po ang ilong at masakit ang lalamunan, kaya hindi na bumaba pa kasi baka bumagsak pa sa party, mas nakakahiya.
"Kaya po kinabukasan, dinala siya sa doktor para ipa-check up at namamaga nga raw ang lalamunan," kwento sa amin.
Alam daw ng manager nina Angel at Jennylyn na si Ms. Becky Aguila na maysakit ang huli that night.
Kilala namin ang showbiz reporter na nag-report na hindi nga tinao ang Pelukang Itim nina Alma, Eddie Gil at Madame Auring at say niya, "May kopya ako ng raw tape na nagpapatunay na walang tao, nag-stand upper ako sa loge section at 3/4 lang ang tao, sa orchestra section beinte katao lang, so mali ba ang report ko na flop?"
Ang nakakalokang parte, ibang pangalan ng showbiz reporter ang sinampahan ng kasong libelo ng producer ng pelikula na hindi naman siya ang nag-report, kaya ang tanong namin, paano magpo-prosper ang kaso kung maling tao ang idinemanda ni Elizabeth?
Ito ang narinig naming kuwentuhan sa compound ng GMA na tila banned daw ang pamangkin ni Sharon Cuneta dahil nalaman daw ng mga bossing ng network na lahat daw ng isyu sa kanila ni Regine Velasquez ay galing sa kampo ng baguhang singer.
Nagulat naman kami dahil ang alam namin ay nag-explain na si Faith at ang manager niyang si Jacob Fernandez na wala silang alam tungkol dito, pero ang final decision nga ay hindi na makakatuntong ang baguhang singer sa GMA 7.
Sa madaling salita ay hindi na rin kukunin si Faith para kumanta uli ng theme song ng mga Koreanovelang ipalalabas sa Siete?
Anyway, nalaman din namin na tila hindi interesado kay Faith ang ABS-CBN dahil wala na rin daw siyang paglalagyang programa at higit sa lahat, hindi rin naman makakanta ni Faith ang sikat niyang awiting "Pag-ibig Koy Pansinin" dahil theme song yun ng Koreanovela ng GMA at higit sa lahat, may Cuneta na raw ang Dos, si Sharon.
Any word from Jacob or Faith?
Ang titulo ng fans day ay Makisayaw, Makisunod sa Sex Bomb Fans Day at para makapasok ay magdala lang ng original at hindi pirated CD or tape ng sexbomb tulad ng "Unang Putok," "Round 2," "Bombthreat" at sexiest hits ng dancers at maari raw makapasok hanggang tatlong katao.
Dagdag din ni Joy na lahat ng shows ng grupo ay maglalaan sila ng certain amount para mag-donate sa Kapuso Foundation ng GMA 7 c/o Focus E Inc., at Shizouka Yogaku Freak bilang pasasalamat sa lahat ng blessings na tinatamasa nila ngayon.
Anyway, say ng taga-news department, "Nagpaparinig on her camp, pero as of now, wala pang decision."
And speaking of live remote sa Vatican City ay maraming nakapansing viewers na tila wala man lang partisipasyon si Karen Davila, isa sa anchor ng TV Patrol World sa ginawang coverage ni Korina, parating si Ted Failon daw ang nagi-intro at nagtatanong kay Kuring?
"Di ba dapat may kanya-kanya silang tanong based on their opinions? Bakit puro si Ted, ayaw ba ni Korina kay Karen?" ito ang ibinatong tanong sa amin na hindi rin namin alam ang sagot.
Hindi pa ba in good terms sina Korina at Karen? At saka paano na ang balik-tambalan nina Kris Aquino at Korina kung babalik siya sa Patrol, di kaya magsawa ang tao kapag napanood siya sa primetime sa dalawang show? Reggee Bonoan
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended