Bakbakan sa I-Witness
April 25, 2005 | 12:00am
Tampok lagi sa usapang Pinoy ang larong boxing. At bagamat natalo ni Erik Morales ang pambato nating si Manny Pacquiao, pinag-uusapan pa rin ang kanyang natanggap na purse money na nagkakahalagang 1.75 million dollars. Narating ni Pacquiao ang pangarap na tagumpay ng maraming Pilipino- sa pamamagitan lamang ng tapang at tibay ng sikmura.
Ngyong Lunes, makikilala ni Raffy Tima na pinakabagong host ng programang I-Witness ng GMA-7- ang mga bata sa Negros na nangangarap maging susunod na Pacquiao. Mabigat ang training ng mga batang ito, dalawang beses sa isang araw. Pero tinutuloy nila dahil din sa P500 buwan-buwan na allowance na malaking tulong sa kanilang pamilya.
Sa Bacolod City, dalawampung batang lalaki-tatlong taong gulang lamang ang pinakabata-ang nakunan ni Tima na nagpapraktis sa maliit na garahe.
Sa Bago City, isang pamilya ng mga boksingero ang nakunan niyang gumagamit ng sako para lamang sa punching bag at may boxing gloves na gawa-gawa lamang sa basahan.
Maganda ang programa para sa mga boksingero sa Pilipinas. Ito na raw marahil ang larong magbibigay sa atin ng unang gold medal sa Olympics.
Pero malaki ang problema ng mga amateur boxers-dahil sa umanoy pagtitipid na ginagawa ng Philippine Sports Commision. Ang mga boksingerong wala pang napapanalunang medalya ay hindi na tumatanggap ng kanilang buwanang allowance. Nagpapatak-patak na lang sila para makakain at makabili ng mga simpleng pangangailangan gaya ng sabon at toothpaste.
Kulang na raw ang pondo ng Philippine Sports Commission. Pero marami ang nagkukwestyon nito. Aabot P650 milyong piso raw ang taunang budget ng PSC at may dagdag pang P30 milyon taun-taon mula sa PAGCOR. Ang tanong, saan kaya napupunta ang pondo?
Aalamin ni Raffy Tima ang sagot, sa kanyang dokumentaryo ukol sa amateur boxing na pinamagatang Bakbakan, na bahagi ng ikaanim na anibersaryong handog ng I-Witness. Mapapanood ito ngayong Lunes pagkatapos ng Saksi.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended