Bakit kailangang may exclusive coverage ang kasalang Raymart/Claudine?
April 25, 2005 | 12:00am
Salamat naman at naging matagumpay ang show nina Pilita Corrales, John Joven at John Nite nung nakaraang linggo sa Club Mwah.
Marami tuloy ang humihiling ng repeat performance. Kaya naman napagpasyahan namin na pagbigyan ang kanilang kahilingan. Magkakaroon ito ng repeat performance sa May 26 sa Club Mwah pa rin.
Sa mga nais bumili ng ticket, maari po kayong makabili sa Koobar & Grill sa Greenhills na pag-aari ni Pilita o doon mismo sa Club Mwah.
Sa gagawing pagpapakasal nina Raymart Santiago at Claudine Barretto, dapat naman sigurong magkaroon ng kanya-kanyang coverage ang GMA 7 at ABS-CBN.
Dapat, wala na lang exclusive coverage sa kasalang ito para naman maging patas. Tutal taga-Channel 7 si Raymart at Channel 2 naman si Claudine. At nang walang masabi ang tao. Pati ba naman kasal nina Raymart at Claudine, papasukan pa ng network war?
Speaking of network war, dahil din dito pati ang FAMAS Awards na gagawin sana sa April 30 ay hindi muna matutuloy. Gaganapin na lamang ito sa buwan ng Hunyo.
Alam nyo ba kung bakit nasabi kong dahil din sa network war kung kaya naantala ang FAMAS Awards, kasi nga karamihan ng mga artista ng GMA-7 at ABS-CBN ay pupunta ng Cebu sa Mayo 1 kaya malamang maubos ang artista sa Maynila sa darating na Mayo 1.
Sa Cebu magtatapat ang dalawang higanteng network. Ano ba yan, bakit ba parati na lang kailangan nilang magtapatan?
Pati tuloy ang FAMAS na naka-set na ay naudlot dahil sa kanila.
Paalala lang sa lahat ng miyembro ng Actors Guild na ang eleksyon natin ay sa May 8, 2005 na, sa compound ng Mowelfund.
Wala pa akong alam kung sino ang mga kakandidato. Pero sana naman ay makapili tayo ng isang may pangalan na mamumuno at gagabay sa Guild. Higit sa lahat, sana ang uupong opisyal mapa-presidente at board member ay magbibigay ng panahon para sa kani-kanilang tungkulin.
Muli ay tinatawagan ko ang lahat ng members na makiisa sa botohang ito.
Nabalitaan na ni Ara Mina yung sinasabing may bagong girlfriend na si Jomari Yllana. Pero sabi nga ni Ara, tuloy pa rin ang ikot ng kanyang buhay kahit may iba na ang dating niyang boyfriend.
Hindi na lamang iniintindi ni Ara ang kanyang lovelife, kundi puro trabaho at negosyo muna ang pinagkakaabalahan niya ngayon. Mas ini-enjoy muna ni Ara ang kanyang kalayaan, pero ika nga kahit sabihin pang alone siya ngayon, hindi naman siya lonely sa rami ng trabaho.
Mukhang matatagalan pa ang kasong kinasasangkutan ngayon ni Nora Aunor. Kaya muli tayong mag-aabang sa susunod na preliminary hearing matapos siyang mag-plead ng not guilty.
Ipagdasal natin na maging maayos ang takbo ng imbestigasyon. Maging maganda at patas sana ang ihahatol sa kanya, na sana nga ay matapos na sa madaling panahon nang lahat tayo ay makahinga na nang maluwag.
Marami tuloy ang humihiling ng repeat performance. Kaya naman napagpasyahan namin na pagbigyan ang kanilang kahilingan. Magkakaroon ito ng repeat performance sa May 26 sa Club Mwah pa rin.
Sa mga nais bumili ng ticket, maari po kayong makabili sa Koobar & Grill sa Greenhills na pag-aari ni Pilita o doon mismo sa Club Mwah.
Dapat, wala na lang exclusive coverage sa kasalang ito para naman maging patas. Tutal taga-Channel 7 si Raymart at Channel 2 naman si Claudine. At nang walang masabi ang tao. Pati ba naman kasal nina Raymart at Claudine, papasukan pa ng network war?
Alam nyo ba kung bakit nasabi kong dahil din sa network war kung kaya naantala ang FAMAS Awards, kasi nga karamihan ng mga artista ng GMA-7 at ABS-CBN ay pupunta ng Cebu sa Mayo 1 kaya malamang maubos ang artista sa Maynila sa darating na Mayo 1.
Sa Cebu magtatapat ang dalawang higanteng network. Ano ba yan, bakit ba parati na lang kailangan nilang magtapatan?
Pati tuloy ang FAMAS na naka-set na ay naudlot dahil sa kanila.
Wala pa akong alam kung sino ang mga kakandidato. Pero sana naman ay makapili tayo ng isang may pangalan na mamumuno at gagabay sa Guild. Higit sa lahat, sana ang uupong opisyal mapa-presidente at board member ay magbibigay ng panahon para sa kani-kanilang tungkulin.
Muli ay tinatawagan ko ang lahat ng members na makiisa sa botohang ito.
Hindi na lamang iniintindi ni Ara ang kanyang lovelife, kundi puro trabaho at negosyo muna ang pinagkakaabalahan niya ngayon. Mas ini-enjoy muna ni Ara ang kanyang kalayaan, pero ika nga kahit sabihin pang alone siya ngayon, hindi naman siya lonely sa rami ng trabaho.
Ipagdasal natin na maging maayos ang takbo ng imbestigasyon. Maging maganda at patas sana ang ihahatol sa kanya, na sana nga ay matapos na sa madaling panahon nang lahat tayo ay makahinga na nang maluwag.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended