Hukbo ng Kapuso stars, dadayo sa Cebu
April 24, 2005 | 12:00am
Tuloy na tuloy na ang pagtulak ng Kapuso Network sa Cebu para isagawa ang matagal nang pinagplanuhang Kapusong Cebuano Weekend doon sa Abril 30 at Mayo 1. Mula pa noong Nobyembre 2004, pinaghahandaan na ng GMA ang pagdadala ng mga shows at stars nito sa Cebu bilang pasasalamat sa pagtangkilik ng mga Cebuano sa istasyon matapos nitong tuluyang maging No. 1 sa Mega Manila.
Sa Abril 30, makikiisa sa kasiyahan ang GMA News and Public Affairs sa pamamagitan ng Serbisyong Totoo Day na gaganapin sa SM Cebu Trade Hall. Mayroong Karaoke singing contest ang Unang Hirit, "mini challenge" ang Extra Challenge, Broadcast Journalism Seminar ang Reporters Notebook sa pamumuno ni Jiggy Manicad at Maki Pulido, libreng tawag overseas ang Pinoy Abroad, Summer Merienda Corner ang Kapuso Mo, Jessica Soho at marami pang iba.
Sa Mayo 1 naman idaraos ang Grand Kapuso Fans Day sa Cebu City Sports Complex, at dito siguradong mamamangha ang mga Cebuano sa mga ispesyal na produksyon na ihandog sa kanila ng GMA Entertainment group. Ibat ibang booths activities ang iseset-up ng GMA entertainment shows para sa ikasasaya ng mga Cebuano. Ang malalaking telefantasya na Darna at Encantadia ay may trampoline at joust, samantalang may handog na wall climbing ang Idol Ko Si Kap.
Ang mga programang SOP at SOP Gigsters naman ay magkakaroon ng higanteng Velcro wall. Pwede ring magpahula sa booth ng Wag Kukurap. Ang beauty expert na si Ricky Reyes naman ay magbibigay ng libreng gupit para sa booth ng Sis. Itong mga handog na ito ay masusing pinagplanuhan upang ibigay sa mga Cebuano ang nararapat sa kanila are best of the bestthe best of GMA.
Siguradong magiging memorable para sa mga Cebuano ang pagdadayo ng buong hukbo ng GMA dahil matutunghayan nila ang mga Kapuso stars sa mga SM mall shows, motorcade, fun run, mini shows, at live presentation ng SOP, SOP Gigsters at S-Files. Katuwang ng GMA sa grand event na ito ang mga sponsors na Sunsilk, Creamsilk, PLDT, Talk NText, Tanduay, Champion Detergent, Coke, Greenwich, Ovaltine, Century Tuna, Green V, Knorr Cubes, KFC, Best Foods, S/Fruit at Alaska Evap.
Handang-handa na ang GMA na tumulak papuntang Cebu, kaya sa darating na Abril 30 at Mayo 1 ay sama-samang sisigaw ang mga Cebuano.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended