Bagong puntahan ng mga artista't body beautiful
April 24, 2005 | 12:00am
Darayuhin ng mga artistat naggagandahang mga katawan ang La Carmela De Boracay Resort Hotel, sa grand opening nito sa Miyerkules, Abril 27.
Isang araw ang gagawing pagdiriwang na tampok ang Body Beautiful competition na lalahukan ng mga babaet lalaking may mga magagandang pangangatawan. Mga cash prizes at maraming regalo ang papremyo sa timpalak na ang mga contestants ay magmumula sa buong bansa.
Nakatakdang maging special guests sina Angelika Dela Cruz, Vanessa Del Bianco, Aleck Bovick, Carlo Maceda, Jay Manalo, John Estrada at marami pang celebrities sa isang whole day party na tinawagan na The Wild Island Grind.
Mahigit na isang buwan na ang ginagawang paghahanda ng mga taga-La Carmela De Boracay, sa pamumuno ng may-aring si Boy So, na siya ring owner ng bantog ng Boracay Courtyard.
Ang bagong La Carmela De Boracay Resort Hotel ay merong ng 80 luxurious rooms sa pagbubukas nito. Kapag natapos na lahat isa itong 140-room property. May simming pool with slide and jacuzzi, function rooms, fastfood restaurant na dinarayo ng halos lahat ng mga namamasyal sa Boracay.
Sa tuwing meron balita tungkol sa isang bagong pelikula, masaya ang buong industriya. Bihira na kasi ang gumagawa ng full-length movies ngayon kaya parati na lang tayong sabik rito, pati na ang publiko.
Syempre magandang balita ang La Visa Loca na bida sina Robin Padilla, Johnny Delgado at Rufa Mae Quinto. Dagdag pa dito na si Sharon Cuneta ang executive producer, na katuwang ng Unitel ni Tony Gloria.
Garantisado, maganda ang La Visa Loca na ating aabangang panoorin.
Tinatapos lamang ni Robin ang paggawa ng pelikula at babalik siya sa kanyang pamilya sa Australia.
Tinanong ko si Binoe kung mabait na siya.
Ang sagot sa akin: "Nagpapakabait po. Patuloy pa rin akong nakikibaka sa aking kahinaan."
Sa trailer na napanood namin ng La Visa Loca tunay na nakakatawa. Tungkol sa mga taong gustong-gustong makapunta sa Amerika ang pelikula. Pinakita ang ilang eksena, kung paano nagiging katawa-tawa at madrama ang pagkuha ng US visa.
Sa mga taong nagkaroon na ng karanasan tungkol dito, tiyak na makaka-relate ako sa La Visa Loca. Sa mga hindi pa kumukuha ng ng prized US visa, malalaman naman ninyo ang kapalarang naghihintay kapag pinanood ang pelikula.
Isang araw ang gagawing pagdiriwang na tampok ang Body Beautiful competition na lalahukan ng mga babaet lalaking may mga magagandang pangangatawan. Mga cash prizes at maraming regalo ang papremyo sa timpalak na ang mga contestants ay magmumula sa buong bansa.
Nakatakdang maging special guests sina Angelika Dela Cruz, Vanessa Del Bianco, Aleck Bovick, Carlo Maceda, Jay Manalo, John Estrada at marami pang celebrities sa isang whole day party na tinawagan na The Wild Island Grind.
Mahigit na isang buwan na ang ginagawang paghahanda ng mga taga-La Carmela De Boracay, sa pamumuno ng may-aring si Boy So, na siya ring owner ng bantog ng Boracay Courtyard.
Ang bagong La Carmela De Boracay Resort Hotel ay merong ng 80 luxurious rooms sa pagbubukas nito. Kapag natapos na lahat isa itong 140-room property. May simming pool with slide and jacuzzi, function rooms, fastfood restaurant na dinarayo ng halos lahat ng mga namamasyal sa Boracay.
Syempre magandang balita ang La Visa Loca na bida sina Robin Padilla, Johnny Delgado at Rufa Mae Quinto. Dagdag pa dito na si Sharon Cuneta ang executive producer, na katuwang ng Unitel ni Tony Gloria.
Garantisado, maganda ang La Visa Loca na ating aabangang panoorin.
Tinatapos lamang ni Robin ang paggawa ng pelikula at babalik siya sa kanyang pamilya sa Australia.
Tinanong ko si Binoe kung mabait na siya.
Ang sagot sa akin: "Nagpapakabait po. Patuloy pa rin akong nakikibaka sa aking kahinaan."
Sa trailer na napanood namin ng La Visa Loca tunay na nakakatawa. Tungkol sa mga taong gustong-gustong makapunta sa Amerika ang pelikula. Pinakita ang ilang eksena, kung paano nagiging katawa-tawa at madrama ang pagkuha ng US visa.
Sa mga taong nagkaroon na ng karanasan tungkol dito, tiyak na makaka-relate ako sa La Visa Loca. Sa mga hindi pa kumukuha ng ng prized US visa, malalaman naman ninyo ang kapalarang naghihintay kapag pinanood ang pelikula.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended