Sharon, may bagong career
April 23, 2005 | 12:00am
"May bago akong career," ang natatawang bungad ng megastar-turned movie producer na si Sharon Cuneta sa presscon ng La Visa Loca kung saan co-producer niya si Tony Gloria ng Unitel Pictures.
Sina Robin Padilla at Rufa Mae Quinto ang mga pangunahing bituin ng nabanggit na pelikula mula sa panulat at director ng matagumpay na si Mark Meily.
Ayon kay Sharon, iisa umano ang vision nila ni G. Tony Gloria, ang matulungan ang patuloy na naghihingalong industriya ng pelikulang Pilipino.
"Kung hindi tayo magtutulungan, sino pa ang tutulong sa industriyang ito na mahal ko at mahal nating lahat?" pahayag pa ni Sharon.
Dahil nasa Amerika si G. Tony Gloria at inaasikaso ang pagpapalabas doon ng La Visa Loca, si Sharon na ang kumatawan sa kanyang co-producer.
As always, inspired si Sharon sa kanyang bagong career bilang movie producer lalo pat sobra ang paniniwala niya sa kanyang mga artista, director at co-producer.
"Hindi kami naghahangad na maging box office success ang pelikula. Maisampa lamang ang puhunan at kaunting tubo ay masaya na kami," diin niya.
Tuwang-tuwa naman si Rufa Mae Quinto na siya ang napisil ng mga producers na sina Sharon Cuneta at Tony Gloria para makapareha ni Robin Padilla. Hindi ikinakaila ni Rufa Mae na isa si Sharon sa kanyang mga tinitingala sa industriya at si Robin naman ay matagal na niyang pangarap na makatrabaho sa pelikula.
"Syempre, nakakataba ng puso na mapasama sa La Visa Loca na si Robin ang kapareha mo at megastar ang producer," lahad ni Rufa Mae.
Hindi maikakaila sa lahat na kahit hindi nagkatuluyan sina Sharon at Robin ay napanatili nila ang pagiging magkaibigan hanggang ngayon.
Napasyal kami sa set ng pelikulang Buraot (tentative title) na pinagbibidahan ng actor-politician na si Mikey Arroyo mula sa pamamahala ni Willy Milan na siya ring tumatayong manager ng panganay ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Itoy sa ilalim ng Cine Suerte. Kabituin ni Mikey sa nasabing pelikula sina Katrina Halili, Ana Leah Javier,ang controversial na si Ethel Booba, Mike Pekto" Nacua, Salbakuta, John Apacible at iba pa kasama na rito ang apat na mga kasamahan sa kongreso ni Mikey at isa na rito si Cong. Gerry Espina.
Bukod sa Buraot, may dalawa pang pelikula si Mikey na hindi pa naipapalabas at meron din siyang sisimulang isang malaking pelikula sa isang malaking movie production.
Sa darating na Abril 26 ay 36 anyos na ang panganay ni Tita Glo at sa susunod na buwan ay magkakaroon ng bagong karagdagan sa kanilang pamilya dahil nakatakdang isilang ng kanyang
Sina Robin Padilla at Rufa Mae Quinto ang mga pangunahing bituin ng nabanggit na pelikula mula sa panulat at director ng matagumpay na si Mark Meily.
Ayon kay Sharon, iisa umano ang vision nila ni G. Tony Gloria, ang matulungan ang patuloy na naghihingalong industriya ng pelikulang Pilipino.
"Kung hindi tayo magtutulungan, sino pa ang tutulong sa industriyang ito na mahal ko at mahal nating lahat?" pahayag pa ni Sharon.
Dahil nasa Amerika si G. Tony Gloria at inaasikaso ang pagpapalabas doon ng La Visa Loca, si Sharon na ang kumatawan sa kanyang co-producer.
As always, inspired si Sharon sa kanyang bagong career bilang movie producer lalo pat sobra ang paniniwala niya sa kanyang mga artista, director at co-producer.
"Hindi kami naghahangad na maging box office success ang pelikula. Maisampa lamang ang puhunan at kaunting tubo ay masaya na kami," diin niya.
"Syempre, nakakataba ng puso na mapasama sa La Visa Loca na si Robin ang kapareha mo at megastar ang producer," lahad ni Rufa Mae.
Hindi maikakaila sa lahat na kahit hindi nagkatuluyan sina Sharon at Robin ay napanatili nila ang pagiging magkaibigan hanggang ngayon.
Bukod sa Buraot, may dalawa pang pelikula si Mikey na hindi pa naipapalabas at meron din siyang sisimulang isang malaking pelikula sa isang malaking movie production.
Sa darating na Abril 26 ay 36 anyos na ang panganay ni Tita Glo at sa susunod na buwan ay magkakaroon ng bagong karagdagan sa kanilang pamilya dahil nakatakdang isilang ng kanyang
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended