^

PSN Showbiz

Toni, tumanggap ng bonus na van !

RATED A - Aster Amoyo -
Kaswerteng Toni Gonzaga!   Hindi pa man natatapos ang kanyang one-year contract with DSS Trading na siyang manufacturer and distributor ng Careline Products kung saan siya ang kinuhang celebrity endorser ay  nakatanggap kaagad siya ng bonus na  2004 model Town & Country van na nagkakahalaga ng mahigit dalawang milyong piso dahil tuwang-tuwa ang mabait na  big boss  ng DSS Trading na si Dioceldo Sy sa magandang benta ng mga Careline products sa lahat ng outlets nito nationwide. Madalas umanong sold out sa mga outlets ang mga Careline products dahil bukod sa quality ang mga produkto, nabibili ito sa murang halaga lamang.

Dahil sa magandang turn-out ng sales ng Careline products sa tulong ng image model nilang si Toni, nagdesisyon ang DSS Trading na ikontrata si Toni sa loob ng tatlong taon.   
* * *
Ang popstar na si Sarah Geronimo ang bagong karagdagan sa ika-apat na season ng SCQ Reload: Kilig Ako! na tinatampukan ng mga winners ng ABS-CBN artista search na Star Circle Quest na sina Hero Angeles, Joross Gamboa, Roxanne Guinoo, Melissa Ricks, Joseph Bitangcol, Michelle Madrigal at iba pa na pinamamahalaan ni Laurenti Dyogi. 

Sa pagpasok ni Sarah sa SCQ Reload: Kilig Ako!, marami ang nag-speculate na ibi-build-up ang tandem niya with Hero pero agad itong klinaro ni Direk Lauren na wala umanong love angle sa pagitan nina Hero at Sarah sa programa dahil magkakabarkada sila rito.  Malakas ang following ng Hero-Sandara at tiyak na magri-react ang fans ng dalawa kapag ipinareha si Hero kay Sarah.  Marami rin ang fans ng Sarah-Mark Bautista pero syempre, may option ang ABS-CBN kung ano ang pwede nilang gawing pagbi-build-up sa kanilang mga talents.  Kung saka-sakali mang naisin ng Star Network na ipareha si Sarah kay Hero, prerogative ito ng network dahil hindi naman pwedeng matali ang kanilang mga talents sa iisa lamang na kapareha. 

Tuwang-tuwa si Sarah na mapabilang sa ika-apat na season ng SCQ Reload dahil  may mga bago naman siyang mga kaibigan. Sa grupo, si Joross umano ang pinakamakulit at may mga oras na madalas silang magkatampuhan ni Roxanne dahil sa kakulitan nito.  Si Sarah naman ay kanta nang kanta sa set habang si Hero naman ay tahimik lamang.  

Sa presscon ng SCQ Reload: Kilig Ako!, inamin ni Melissa Ricks na pinul-out umano siya ng Star Magic sa Panday TV series na pinagbibidahan ni Jericho Rosales dahil hindi pa umano ito handang mag-tackle ng mature role bilang asawa ni Jericho.
* * *
Isa kami sa maraming entertainment writers na personal na naimbitahan sa Mariwasa compound sa Pasig nung nakaraang Martes ng gabi kung saan  nakatayo ang multi-million peso set ng Encantadia. Ito na rin mismo ang nagsilbing presscon cum launch ng bagong telefantasya ng GMA na magsisimula ngayong Mayo 2.  Sa nasabing lugar ginaganap ang regular taping ng Encantadia na siyang pinakamalaking produksyon sa telebisyon ng GMA. Mula sa magkatulong na direksyon nina Mark Reyes at Gil Tejada, Jr., ang Encantadia ay tinatampukan nina Dawn Zulueta na siyang gumaganap na Ynang Reyna at mga anak niya rito ang apat na diwata  na sina Pirena (Sunshine Dizon), Amihan (Iza Calzado), Alena (Karylle) at Danaya (Diana Zubiri).  Si Dingdong Dantes naman ang gumaganap na warrior na si Ybarro, si Jennylyn Mercado bilang si Lira at Milagros, si Mark Herras sa papel na Anthony, si Yasmien Kurdi bilang si Mira, si Pen Medina bilang si Hagorn, ang evil leader ng Hathor, si John Regala bilang si Apitong, Pinky Amador bilang si Carmen, si Polo Ravales ang matapang na warrior na si Lireo, Nancy Castiglione bilang si Muyak na isang fairy, si Alfred Vargas bilang si Aquil, si Jay Aquitania bilang si Banjo, si Irma Adlawan bilang si Amanda, si Girlie Sevilla bilang si Gurna, Leila Kuzma bilang si Agane, Gayle Valencia bilang si Dinna at si Ehra Madrigal.  Kasama rin sa nakakalulang cast na ito sina Al Tantay, Ian Veneracion at Allan Paule at kung saan naman may special participation si Richard Gomez bilang si Raquim, ang ama ni Amihan (Iza Calzado). 

Sa set at costumes pa lamang ay kitang-kita na talaga na ginastusan nang husto ang Encantadia.  Kung naging matagumpay ang Mulawin hanggang sa pagtatapos nito at sa pagpasok ng Darna ni Angel Locsin na siyang nakakuha ng may pinakamataas na rating sa telebisyon, tiyak na hahataw din ng husto ang Encantadia simula sa Mayo 2.   
* * *
Sa bonggang press launch ng Encantadia na ginanap sa Mariwasa Compound sa Pasig City, masayang ibinalita sa amin ni Dawn Zulueta na siya’y five weeks pregnant ngayon kaya tuwang-tuwa ang kanyang mister na si Anton Lagdameo dahil sa pitong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa ay ngayon lamang sila mabibiyayaan ng anak.  Made in USA umano ang ipinagbubuntis ngayon ni Dawn at nadiskubre lamang niya na siya’y nagdadalang-tao na nang sila’y makabalik galing sa Amerika kamakailan lang. Dahil sa kanyang pagbubuntis, hindi na pwedeng mag-taping si Dawn ng magdamagan.  Hanggang alas-12 na lamang siya dahil kailangan niyang alagaan din ang kanyang pagbubuntis lalo pa’t matagal nila itong hinintay na mag-asawa.    
* * *
<[email protected]>

BILANG

CARELINE

CENTER

DAHIL

DAWN ZULUETA

ENCANTADIA

KILIG AKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with