^

PSN Showbiz

On the rocks ang relasyon nina Rufa Mae, Rudy Hatfield

- Veronica R. Samio -
Kung kailan sinuswerte ang career ni Rufa Mae Quinto (dala-dalawa ang pelikula niya, ang La Visa Loca ng Unitel Productions at Hari ng Sablay ng Regal Films) ay saka naman parang bumibigay ang matagal nang relasyon nila ni Rudy Hatfield. Matatandaan na sa US pa nag-Pasko ang seksing komedyante kapiling ang pamilya ng kanyang boyfriend.

"Di pa kami nagkakausap, mga one week na pero, nagti-text kami," ani Rufa Mae sa presscon ng La Visa Loca, ang pino-prodyus na pelikula ni Sharon Cuneta ka-partner ang isa nang matagal na kaibigan, si Tony Gloria, producer ng Unitel at nag-prodyus ng Crying Ladies.

Sinabi ni Rufa Mae na walang third party involved. "Basta isang araw ay nagising na lamang ako na shocked. Pero, di pa kami break, nag-iisip pa ako at sana, may pag-asa pa kami," aniya.

First time makatambal ni Rufa Mae si Robin Padilla sa kanilang pelikula. Ilang ulit na silang nagkasama pero, ngayon lang sila nagtambal.

Ikinataba ng puso niya nang sabihin ni Sharon na talagang siya ang choice nito para sa movie. Na nang sabihin nito kay Robin na pumili ito ng makakapareha ay si Rufa Mae rin ang naging choice nito, isang patunay na bilib sila sa talino niya.

Nasa direksyon ni Mark Meily ang La Visa Loca na tungkol sa mga Pinoy na gustung gustong pumunta ng Amerika pero di mabigyan-bigyan ng visa.
* * *
Bago mahuli ang lahat at tuluyang magtampo sa akin ang kaibigan kong si Emy Abuan BautistaDo, gusto kong i-acknowledge ang pakikiramay nila sa akin nung maospital ako. Sorry Emy, tao lang at makakalimutin talaga ako.

Salamat din kay Karen, ina ng aktor na si Raphael Martinez.

CRYING LADIES

EMY ABUAN BAUTISTA

LA VISA LOCA

MARK MEILY

RAPHAEL MARTINEZ

REGAL FILMS

ROBIN PADILLA

RUDY HATFIELD

RUFA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with