^

PSN Showbiz

Dawn, naglilihi kay Iza Calzado!

- Veronica R. Samio -
Nasa ikatlong linggo na ng kanyang pagbubuntis si Dawn Zulueta. At kung nung una siyang magbuntis ay halos ipagsigawan niya ito sa mundo, ngayon ay kinailangan niyang tumahimik muna sa takot na baka mag-miscarry siya na tulad nung una. Pero, nang malaman ito ng lahat ay wala na siyang magawa kundi ang umamin.

Dahil nasimulan na niya ang Encantadia, ang pinakamahal at ambisyosong TV series ng GMA7 kung kaya hindi niya ito agad-agad na maiiwan in favor of her pregnancy. Pero, dahil mas priority niya ang kanyang dinadalang sanggol since matagal nila itong hinintay na mag-asawa kung kaya, habang nasa unang mga buwan siya ng kanyang pagbubuntis ay gumagawa na sila ng mga advance taping bilang paghahanda sa kanyang tuluyang pamamahinga habang hinihintay ang kanyang pagsisilang.

Sinabi ni Dawn na wala pa siyang nararamdamang cravings pero, naniniwala siya na napaglilihian niya ang kanyang co-star sa Encantadia at lumalabas na isa sa apat na anak niya na si Iza Calzado. "Gandang-ganda ako sa kanya. Palagay ko napaglilihian ko siya," aniya sa press launch ng nasabing teleserye.

Ang tatlo pang gumaganap na anak ni Dawn sa series at siyang naghahawak ng mga pinaka-iingatang brilyante ay sina Diana Zubiri, Karylle at Sunshine Dizon.

Sa Mayo 2 na ang simula ng Encantadia na talaga namang impressive ang soundstage na pinasyalan ng press sa warehouse ng Mariwasa Tiles sa Pasig City.

Isang powerhouse cast ang tampok sa series tungkol sa isang mahiwagang mundo na nahahati sa apat na kaharian. Ang kapayapaan nito ay nakasalalay sa kapangyarihan ng apat na brilyante na hawak ng isang Ynang Reyna. Syempre, marami ang magtatangka na makuha ito sa kanyang mga kamay at ipagkakatiwala niya ito sa kanyang apat na anak na babae.

Ang Encantadia ay nasa direksyon ni Mark Reyes at Gil Tejada, Jr.
* * *
Nagsimula na ng pagpapalabas sa mga sinehan kahapon ang Paraiso ng World Arts Cinema na nagtatampok kina John Regala at Kier Legaspi at sa baguhang si Renee Summer.

May dugong banyaga ang sopistikada at world class na beauty na gustong magkapangalan ng malaki bilang artista sa lokal na pelikula. Nineteen years old ito at encoder dati ng Bench. Mayro’n siyang rape scene kay John Regala na itinuturing na pinaka-seksing pelikula ng taon mula sa kumpanya ni Jojo Galang.

DAWN ZULUETA

DIANA ZUBIRI

ENCANTADIA

GIL TEJADA

IZA CALZADO

JOHN REGALA

JOJO GALANG

KANYANG

KIER LEGASPI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with