^

PSN Showbiz

Sandara, darating

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Dumadami ang kaaway ni Joey de Leon. This time ay damay pa si Janno Gibbs. Nagsimula ito sa mga sunud-sunod na pagpaparinig nina Joey at Janno tungkol sa isyu ni Nora Aunor. Pero nauna na rito ang parunggit naman nila sa isyu ni Piolo Pascual. Nagsimula ito sa explosive ni Piolo sa The Buzz two Sundays ago. The following day sa Eat Bulaga, panay na ang parunggit ni Joey sa isyu.

Agad naman na nagpahayag ng kanilang galit ang mga fans nina Piolo at Nora Aunor. Sa The Buzz last Sunday, nagngingitngit ang mga fans kay Joey particularly.

Hindi na bago ang matalim na dila ni Joey. Siya ang tipo ng tao na sasabihin niya lahat ng gusto niya. Magtataray siya sa ere kung gusto niya. Pero kapag siya ang binalikan, katakut-takot na lait ang maririnig mo.

Simple lang naman iyan eh. The golden rule, don’t do to others what you do not want others do unto you. Sigurado ko, titigil ang tila walang katapusang parunggitang ito sa telebisyon.
* * *
Finally ay may sarili nang album ang King of Novelty Songs na si Lito Camo. Kung noon ay panay ang gawa niya ng kanta sa iba’t ibang artists, this time, may sarili na siyang album. "Ako Naman" ang title ang album ni Lito under Star Records. Naglalaman ito ng sampung original songs ni Lito like "Bora", "Chimpoy, Champoy," "Kakanta Ako, Sasayaw Kayo," "Problema Ay Kalimutan", "Adik Sa Text," "Nek Nek Mo," "Pera O Bayong," "Buhay Komedyante" at ang hit song ngayon na "Wowowee".

At hindi talaga matatawaran ang pagiging hit songmaker ni Lito. Siya ang nag-compose ng mga kantang "Otso Otso" (Bayani Agbayani), "Spageti Song" (Sexbomb Dancers), "Ye Ye Vonnel" (April Boy), "Bulaklak" (Viva Hotbabe), "In Our Out" (Sandara Park) at "Sumunod Sa Galaw" (Sandara Park).

Kasabay ng album launch ni Lito, isang malaking concert ang nakatakda niyang gawin. Sa April 29 ay ang Lagi Na Lang Kayo Ö Ako Naman! na gaganapin sa Music Museum.
* * *
Ngayong gabi ang dating ni Sandara Park mula sa halos isang buwang bakasyon sa Korea. At tulad ng ipinangako niya sa fans, she will be visible para i-promote ang movie nila ni Hero Angeles, ang Can This Be Love under Star Records. Before Holy Week ay umalis si Sandy papuntang Korea.

Halos hindi rin mapakali si Sandy habang nasa Korea. Panay din ang text niya sa fans sa pamamagitan ng K-Text ng ABS-CBN Interactive. Everyday, updated ang kanyang mga fans sa mga ginagawa niya. Just text SANDARA ON at i-send sa 2366.

At take note, si Hero mismo ang susundo kay Sandy sa airport. Kasama siyempre ang Star Cinema staff. Magiging visible si Sandara sa mga shows ng ABS-CBN para mag-promote. Kasama rin siya sa ASAP Fanatic stars na pupunta sa Cebu sa May 1.

Sa MYX Top 10, number 2 na ang song ng Can This Be Love na kinanta ni Sarah Geronimo. To vote, just text MYX VOTE CAN THIS BE LOVE at i-send sa 2366.

Showing na sa April 27 ang Can This Be Love. Magkakaroon ito ng isang bonggang red carpet premiere sa April 26 sa SM Megamall.

ADIK SA TEXT

AKO NAMAN

APRIL BOY

BAYANI AGBAYANI

CAN THIS BE LOVE

LITO

NORA AUNOR

SANDARA PARK

STAR RECORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with