^

PSN Showbiz

Kris, hirap lumunok dahil sa bukol

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Narinig namin ang radio interview kay Kyla sa WROCK. Excited nitong ibinalitang iri-release ang "Not Just An Ordinary Girl" album niya sa Indonesia at Thailand. May personal appearance rin siya sa nasabing Asian countries to promote her album.

Dagdag na balita ni Kyla ang show ng buong S.O.P. gang sa Amerika para sa launching ng Pinoy TV ng GMA 7 sa ibang bansa. Hindi nito nabanggit pero, ang alam namin, ka-back-to-back nilang magsu-show ang grupo naman ng Eat Bulaga.

Natawa kami noong ang lovelife na ang itinanong kay Kyla. Sa tanong ng DJ if she’s seeing someone? Pa-cute na "I’d rather keep it to myself," ang sagot nito. Hindi showbiz ang disc jockey kaya, hindi na-follow up ang tungkol sa boyfriend ni Kyla na si Rich Alvarez.

Kaya kami natawa dahil a few days before Kyla’s radio interview, nakausap namin ang manager niyang si Maristel Fernandez-San Pedro at sa kanya namin nalamang magtu-two months nang mag-on sina Kyla at Rich. They’re both 24 years old at ‘di namin maintindihan kung bakit nagdi-deny pa ang singer. Wala namang problema sa kani-kanyang pamilya dahil sabi ni Maristel, tanggap si Kyla ng family ni Rich and vice-versa.

Naniwala rin kami sa sinabi ni Maristel na mahiyain si Rich dahil nang makasabay namin itong manood ng concert ni Ogie Alcasid sa Music Museum kung saan nag-guest si Kyla, lagi itong nakatungo at ayaw tumingin sa mga katabi. Kaya lang namin siya nakita dahil kahilera namin ang kanyang upuan. Itinataas lang ni Rich ang ulo at tumitingin sa stage nang si Kyla na ang kumakanta.
* * *
Natatawa lang si Jeff Gamil, manager ni Nadine Samonte sa pagi-emote ni Biboy Ramirez na nasasaktan siya (Biboy) dahil may ibang suitor ang young star. Parang lumalabas na pinag-laruan lang ni Nadine ang feelings ni Biboy at ginawang pang-fill in noong she was nursing a broken heart sa paghihiwalay nila ni Oyo Boy Sotto.

Ayaw mag-comment ni Jeff dahil in the first place, hindi siya nakikialam sa lovelife ni Nadine. Wala rin daw rason para magmukmok si Biboy dahil ‘yung Emerson Chua na nali-link sa dalagita ngayon ay nakikipag-kaibigan palang.

Noong Holy Week, nang makasabay magbakasyon sa Caylabne Resort nagkakilala sina Nadine at Emerson Chua, La Salle student at anak ng may-ari ng Ping-Ping Lechon. Nagpakita ito ng interes kay Nadine nang sumabay mag-check out sa resort. Pero, may dahilan nga yatang magselos si Biboy dahil tuloy ang communication ng dalawa hanggang ngayon.
* * *
Na-inspired si Kris Aquino sa natanggap na Box Office Queen award mula sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. at pati mommy niya, tuwang-tuwa raw. Sa kanyang acceptance speech, ipinangako nitong babalik next year para tumanggap uli ng ganoong award.

May panlabang pelikula na si Kris dahil pagkatapos ng Dubai nina Aga Muhlach at Claudine Barretto, gagawin na nila ang Sukob, follow-up sa Feng Shui, to be directed again by Chito Roño.

Nangako rin si Kris na next year na niya papangalanan kung sino ang kanyang inspiration ngayon."Sisiguraduhin ko muna na siya na ngang talaga," wika nito.

Samantala, noong April 15, napasok ng Emergency Room ng Makati Medical Center si Kris. Na-praning ito nang madiskubreng may bukol sa ilalim ng kanyang chin, dahilan para mahirapan siyang lumulon. Dala ‘yun ng swollen lymph nodes and acute pharyngitis. Sa hospital siya dumeretso after her Hiram taping dahil sa sobrang sakit.

Dahil sa pagkakasakit, na-pack up ang pictorial ni Kris para sa Leonardo Bags, isa sa kanyang product endorsement. Pinayuhan na naman siya ng kanyang doctor na magpahinga na sad to say, mahirap nitong gawin sa rami ng kanyang trabaho.

AGA MUHLACH

BIBOY

BIBOY RAMIREZ

DAHIL

EMERSON CHUA

KANYANG

KYLA

NADINE

NAMIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with