Joey Marquez, nahulog sa motorsiklo tinawanan lang ng mga anak!
April 19, 2005 | 12:00am
Ang laki ng sugat ni Joey Marquez nang minsang makita ko. Pero siya ang nag-volunteer na sabihin kung saan niya nakuha ang nasabing sugat. "Nagmo-motor kasi kami ng mga anak ko nang bigla kaming matumba. Nagpagulong-gulong kami," sabi ni Tsong Joey.
Actually, hindi lang daw sa braso ang sugat niya. Maging sa likod at sa may hita ay nasugatan din siya kaya panay ang daing nito ng sakit nang matiyempuhan namin.
Pinagtawanan lang daw siya ng mga anak niya kasi nga siya ang supposedly nagtuturo, tapos siya pa yung nasugatan nang matumba sila.
Hindi na raw siya nagpa-check up dahil hindi na raw tatalab sa kanya ang mga ganong lang namang mga sugat.
Kung sabagay, malayo naman sa bituka ang mga nakita kong sugat niya.
Anyway, happy ngayon si Joey sa kanyang lovelife dahil superbait at simple ng kanyang inspiration.
Hindi ko puwedeng isulat ang details ng kuwentuhan namin ng special someone ni Mayor Tsong pero down-to-earth talaga siya.
No wonder na happy si Mayor Tsong.
Magkakaroon ng consultative assembly ang Metro Manila Film Festival-Philippines Executive Committee para sa leaders and players ng movie industry. Ayon sa ipinadalang letter ni MMFFP and MMDA Chairman Bayani Fernando, ang nasabing assembly ay bilang preparation sa gaganaping film festival ngayong taon.
Ang agenda ng nasabing consultative assembly ay para ma-review ang goals and mission of film festival at magkaroon ng interaction para makakuha ng mga new ideas and suggestions kung paano pa puwedeng ma-improve at paano mas maging successful at makabuluhan ang taunang festival ng pelikula.
Kasama sa mga inimbitahan ang ilang entertainment writers and editors sa nasabing assembly na gaganapin on April 23.
"We know that with our joint efforts and cooperation, we will be able to come up with new plans and programs designed to achieve that objective of the MMFFP and its beneficiary organizations namely the Movie Workers Welfare Fund (MOWELFUND), Motion Picture Anti-Film Piracy Council (MPAFPC), Film Academy of the Philippines (FAP) and the Presidential Management Staff (PMS)," sabi sa letter ni Chairman Fernando.
Sana nga, makatulong ito para mas maraming pelikula ang sumali sa taunang festival ngayong taon.
Paki ni Gorgy Rula...
Dati kasiy tuwing huling linggo ng Disyembre nagaganap ang much talked-about contest na prodyus ng Grams Productions, ang Best Male Exotic Dancer. Pero dahil sa pagkaabala ng promotor nito sa regular niyang trabahong showbiz, nasasantabi ang kontrobersyal na timpalak.
Last year, naurong ito nang isang buwan. Ngayong taon, apat na buwan nang pinuputakti ang Gram Productions ng mga suki ng BMED kung magaganap pa ba ito sa taong ito at kailan.
Now, its finalngayong gabi na nga ang paligsahan sa male sexy dancing sa bagong venue nito, ang DPoint Celebrity Place (dating Italian Bar) sa #57 Examiner St., malapit sa kanto ng Quezon Avenue, Quezon City.
P600 at P1,000 ang bawat tiket (may kasamang standard drinks). Para sa iba pang detalye, mag-text o tumawag sa 0920-2816412.
Actually, hindi lang daw sa braso ang sugat niya. Maging sa likod at sa may hita ay nasugatan din siya kaya panay ang daing nito ng sakit nang matiyempuhan namin.
Pinagtawanan lang daw siya ng mga anak niya kasi nga siya ang supposedly nagtuturo, tapos siya pa yung nasugatan nang matumba sila.
Hindi na raw siya nagpa-check up dahil hindi na raw tatalab sa kanya ang mga ganong lang namang mga sugat.
Kung sabagay, malayo naman sa bituka ang mga nakita kong sugat niya.
Anyway, happy ngayon si Joey sa kanyang lovelife dahil superbait at simple ng kanyang inspiration.
Hindi ko puwedeng isulat ang details ng kuwentuhan namin ng special someone ni Mayor Tsong pero down-to-earth talaga siya.
No wonder na happy si Mayor Tsong.
Ang agenda ng nasabing consultative assembly ay para ma-review ang goals and mission of film festival at magkaroon ng interaction para makakuha ng mga new ideas and suggestions kung paano pa puwedeng ma-improve at paano mas maging successful at makabuluhan ang taunang festival ng pelikula.
Kasama sa mga inimbitahan ang ilang entertainment writers and editors sa nasabing assembly na gaganapin on April 23.
"We know that with our joint efforts and cooperation, we will be able to come up with new plans and programs designed to achieve that objective of the MMFFP and its beneficiary organizations namely the Movie Workers Welfare Fund (MOWELFUND), Motion Picture Anti-Film Piracy Council (MPAFPC), Film Academy of the Philippines (FAP) and the Presidential Management Staff (PMS)," sabi sa letter ni Chairman Fernando.
Sana nga, makatulong ito para mas maraming pelikula ang sumali sa taunang festival ngayong taon.
Dati kasiy tuwing huling linggo ng Disyembre nagaganap ang much talked-about contest na prodyus ng Grams Productions, ang Best Male Exotic Dancer. Pero dahil sa pagkaabala ng promotor nito sa regular niyang trabahong showbiz, nasasantabi ang kontrobersyal na timpalak.
Last year, naurong ito nang isang buwan. Ngayong taon, apat na buwan nang pinuputakti ang Gram Productions ng mga suki ng BMED kung magaganap pa ba ito sa taong ito at kailan.
Now, its finalngayong gabi na nga ang paligsahan sa male sexy dancing sa bagong venue nito, ang DPoint Celebrity Place (dating Italian Bar) sa #57 Examiner St., malapit sa kanto ng Quezon Avenue, Quezon City.
P600 at P1,000 ang bawat tiket (may kasamang standard drinks). Para sa iba pang detalye, mag-text o tumawag sa 0920-2816412.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended