Mas feel kumanta sa 'Pinas
April 19, 2005 | 12:00am
Kung ang iba nating Pinoy artists ay nagbabalak na subukan ang kanilang kapalaran sa ibang bansa, iba naman ang kaso ng voice trio na 604.
Eleven years nang kumakanta ang 604 - mula Germany, Hong- Kong at sa ibat ibang cities sa Amerika. Pero nagpasya sila na pumunta ng bansa hindi lang upang iparinig ang kanilang musika, kundi para makita ang bansang kanilang pinagmulan.
Ang trio group na 604 ay binubuo nina Ross Calixterio, Francis Baguio at Nino Sazon na isinilang at lumaki sa Toronto Canada.
Nagsimula silang kumanta noong nasa high school pa silang tatlo kung saan uso ang mga boy band that time.
At nang magpasya ang grupo na seryosohin ang kanilang pagkanta, nag-impake ang tatlo patungong Vancouver, Canada.
Ang 604 ay area code ng Vancouver, Canada na itinawag nila sa kanilang grupo. Sa lugar ding ito nagsimula ang kanilang mga pagtitiyaga, pagsisikap at pangarap na makilala ang kanilang musika.
Umupa sila ng isang apartment at 18 hrs silang pumapasok sa tatlo-tatlo nilang trabaho. Pagkatapos ng trabaho, madalas daw ay nakakatulugan na nila ang pagpa-practice ng pagkanta at pagsusulat ng mga piyesa nila.
Ngayong nasa Pinas na sila, ang GMA Records ang nagbigay sa kanila ng break. Sa launching palang ng kanilang album ay hinangaan na sila sa husay nilang kumanta ng acapella o may accompaniment man. At hindi lang mga kabataan ang bumilib sa 604 dahil pati oldies but goodies ay napasayaw nila ng mga kantang 60s sa sarili nilang bersyon sa nasabi ring launching.
Si Nino ang nakakatuwa sa kanilang tatlo dahil sa talino niya ng paglikha ng ibat ibang tunog sa pamamagitan ng kanyang bibig. Noong bata raw siya ay galit na galit sa pagsaway ang kanyang nanay dahil sa pinaggagawa niyang tunog. Si Nino rin ang fluent sa kanila sa pagsasalita ng Tagalog sa tulong ng kanyang Pinay model na gf.
Si Francis naman ay may-asawa na. Ang asawa niyang Pinay ay dating nagtatrabaho sa UK pero dito na sila sa bansa nagkakilala.
Si Ross ang hunk ng grupo. Ang kanyang mga magulang ay tubong Pampanga at Ilocos. Pangarap ni Ross na maging teacher balang araw.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am