^

PSN Showbiz

Naging friends sa tagal ng shooting sa Baguio

-
Sa sobrang tagal ng shooting ng pelikulang Saan Ka Man Naroroon ng Star Cinema, naging close tuloy ang dalawa sa pinakamagandang actress ng showbiz. Si Ms. Gloria Diaz at award winning actress na si Hilda Koronel. Nag-shooting sila ng matagal sa Baguio.

Bida sa naturang movie sina Claudine Barretto, Jericho Rosales at Diether Ocampo directed by Cholo Laurel.

Dating Lihim ang title ng movie na muntik sanang mapasali sa Film Festival noon. Kaso sa sobrang dami ng trabaho ng mga artistang involved, hindi na ito nakaabot sa deadline ng MMFF 2004.

"Ngayon lang ako nakagawa ng ganitong movie. Ibang klase ang istorya. Imagine, muntik pa akong ma-in love sa aking itinuturing na anak, si Diether sa pelikula," kwento ni Gloria. Wala naman daw malisya ang pagkakagusto niya kay Diether sa pelikula. Napakakontrabida raw ni Diether dito.

Samantala nahuli pa ng pagdating si Hilda sa presscon ng Saan Ka Man… dahil nagpaganda pa raw siya pero hindi na niya kailangang magpaganda dahil maganda na talaga siya. — Vir Gonzales

CHOLO LAUREL

CLAUDINE BARRETTO

DIETHER OCAMPO

FILM FESTIVAL

HILDA KORONEL

JERICHO ROSALES

MS. GLORIA DIAZ

SAAN KA MAN

SAAN KA MAN NAROROON

STAR CINEMA

VIR GONZALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with