Tuloy ang ligaya nina Ogie at Pia
April 16, 2005 | 12:00am
Kung nagka-develop-an sa Japan bilang special friends sina Ogie Alcasid at ang bubbly TV host na Pia Guanio nang magtungo ang dalawa kamakailan lamang sa Japan, isang mapagkakatiwalaang source ang nagbalita sa amin na tuloy umano ang magandang pagtitinginan ng dalawa ngayong nakabalik na sila ng Maynila. Minsan nang na-link romantically sina Ogie at Pia pero agad namatay ang issue dahil mas mainit na pinag-usapan ang diumanoy relasyon nina Ogie at Regine Velasquez na hanggang ngayon ay hindi pa rin mamatay-matay. Dahil sa minsang pagkaka-link nina Ogie at Pia, may pagkakataon umanong inisnab ni Regine si Pia nang magkita ang dalawa sa GMA compound.
Lovable si Ogie dahil sa maganda nitong PR at marunong makisama bukod pa siyempre sa pagiging talented. Hindi man siya isang hunk, hindi ito dahilan para hindi mapalapit at ma-inlab sa kanya ang mga babae. Pagkaganda-ganda ng misis ni Ogie na si Michelle Van Eimeren. Kilala namin ang pagiging selosa ni Michelle pero wala siya rito sa Pilipinas. Ewan lamang namin kung nakakarating sa kanya ang mga tsismis tungkol sa kanyang mister na nali-link sa ibang babae.
Chickboy nga ba si Ogie o friendly lamang talaga sa mga babae? Matanong nga si Leo Dominguez?
Isa sa mga wholesome personalities ngayon sa telebisyon si Paolo Bediones. Pero sa magaganap na underwear fashion event sa Araneta Coliseum sa May 21 na may titulong The "C" Show: The Carter Underwear Fashion Show, masasaksihan ng marami ang unang paghuhubad ni Paolo. Susubukan na ni Paolo na pakiligin at painitin ang Big Dome dahil siya ang pinakabagong celebrity endorser ng Carter Underwear.
"Noon pa ay may mga nag-offer na sa akin na mag-model ng ibat ibang underwear brands pero hindi ko tinanggap kasi hindi pa ako ready," sey ni Paolo. "Pero ngayon, ready na ako to endorse an underwear brand. Mas naging conscious na ako physically and mentally. Handa ka sa anumang labanan."
Isang confessed na sportsman si Paolo kaya naman batak na batak ang kanyang katawan sa ensayo. Bukod pa roon ay host si Paolo ng dalawa sa top-rating shows ng GMA-7: Extra Challenge at S-Files. Pero kahit na isang Carter model na si Paolo, hindi raw mawawala ang kanyang imahe bilang isang wholesome celebrity on television.
"Kapag pinag-uusapan kasi ang underwear, maiisip mo kaagad ang pagiging sexy, naughty at pagiging literal na bold. Yun na ang nalalagay sa isipan ng marami. Pero gusto kong i-prove na ang isang wholesome personality ay puwede ring maging sexy, naughty at bold pero nandoon pa rin ang wholesome niyang pagkatao," diin pa ni Paolo.
Ang The "C" Show: The Carter Underwear Fashion Show ay konsepto, choreography at direksiyon ni Gerald `Yang Grande, ang stage at video director ng Alta Production Group, Inc.
Napakaepektibo talagang singer-comedian-TV host na si Michael V. sa kanyang pagpu-portray ng ibat ibang character hindi lamang sa kanyang long-running at top-rating gag show na Bubble Gang kundi maging sa isa pa niyang nakakatuwang programa tuwing Sabado ng gabi, ang isa pang top-rating comedy show, ang Bitoys Funniest Videos. Dahil sa kanyang paiba-ibang character ay marami na rin siyang naging biktima sa kanyang lingguhang programa.
Ngayong gabi ng Sabado ay ibang character na naman ang aabangan ng mga manonood kung saan magpapanggap si Bitoy (Michael V.) na wizard Gandalf ng Lord of the Rings pero sa Bitoys Funniest Videos ay magiging shoplifter si Gandalf at ang kanyang alalay ang sisisihin. Bukod sa Lord of the Rings ay bubuhayin din sa BFV ang Mulawin pero ang isa pang pinakakaabangan sa programa ay ang Tagalized video clips ng Americas Funniest Videos.
Personal: Belated birthday greetings kay Mother Ricky Reyes nung nakaraang Abril 12 at advance happy birthday sa ating kaibigan at entertainment editor ng Philippine Star na si Ricky Lo sa Abril 21 na may bagong TV show ngayon sa GMA, ang Showbiz Stripped na magsisimula ngayong alas-11 ng gabi.
<[email protected]>
Lovable si Ogie dahil sa maganda nitong PR at marunong makisama bukod pa siyempre sa pagiging talented. Hindi man siya isang hunk, hindi ito dahilan para hindi mapalapit at ma-inlab sa kanya ang mga babae. Pagkaganda-ganda ng misis ni Ogie na si Michelle Van Eimeren. Kilala namin ang pagiging selosa ni Michelle pero wala siya rito sa Pilipinas. Ewan lamang namin kung nakakarating sa kanya ang mga tsismis tungkol sa kanyang mister na nali-link sa ibang babae.
Chickboy nga ba si Ogie o friendly lamang talaga sa mga babae? Matanong nga si Leo Dominguez?
"Noon pa ay may mga nag-offer na sa akin na mag-model ng ibat ibang underwear brands pero hindi ko tinanggap kasi hindi pa ako ready," sey ni Paolo. "Pero ngayon, ready na ako to endorse an underwear brand. Mas naging conscious na ako physically and mentally. Handa ka sa anumang labanan."
Isang confessed na sportsman si Paolo kaya naman batak na batak ang kanyang katawan sa ensayo. Bukod pa roon ay host si Paolo ng dalawa sa top-rating shows ng GMA-7: Extra Challenge at S-Files. Pero kahit na isang Carter model na si Paolo, hindi raw mawawala ang kanyang imahe bilang isang wholesome celebrity on television.
"Kapag pinag-uusapan kasi ang underwear, maiisip mo kaagad ang pagiging sexy, naughty at pagiging literal na bold. Yun na ang nalalagay sa isipan ng marami. Pero gusto kong i-prove na ang isang wholesome personality ay puwede ring maging sexy, naughty at bold pero nandoon pa rin ang wholesome niyang pagkatao," diin pa ni Paolo.
Ang The "C" Show: The Carter Underwear Fashion Show ay konsepto, choreography at direksiyon ni Gerald `Yang Grande, ang stage at video director ng Alta Production Group, Inc.
Ngayong gabi ng Sabado ay ibang character na naman ang aabangan ng mga manonood kung saan magpapanggap si Bitoy (Michael V.) na wizard Gandalf ng Lord of the Rings pero sa Bitoys Funniest Videos ay magiging shoplifter si Gandalf at ang kanyang alalay ang sisisihin. Bukod sa Lord of the Rings ay bubuhayin din sa BFV ang Mulawin pero ang isa pang pinakakaabangan sa programa ay ang Tagalized video clips ng Americas Funniest Videos.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended