^

PSN Showbiz

Maui ayaw ng bumalik sa Hotbabes

-
Balik-Viva na si Maui Taylor pagkatapos nang mahigit na isang taong pagtatampo sa ilang tauhan ng naturang kumpanya.

Klinaro ng ina ni Maui na hindi totoong nagpa-release sila sa Viva Entertainment na siyang nagma-manage ng karir ng sexy star para lumipat sa kuwadra ni Dondon Monteverde.

"That’s not true, si Pola, na kunektado kay Dondon ay neighbor ko at siya ang naging PA ko for Maui at the same time. Nagbibigay ng raket sa amin, same thing with Dondon, binibigyan kami ng trabaho and he gets his commission.

"Hindi kami maaring lumipat sa ibang manager dahil may existing contract kami with Viva at tapos ‘yun," kwento ng ina ng dating Viva Hot Babe.

At recently ay tinawagan ni Vincent del Rosario si Maui at sinabing, tigilan na raw ang pagtatampo at bumalik na siya sa Viva.

"E, sa akin, wala namang problema and Viva is always my family so nag-usap kami at okey naman. May mga nabago lang sa kontrata na before hindi ganu’n," pahayag naman ng dating Hot Babe.

"Before kasi, one sided lang ang kontrata, eh, hindi puwede ‘yun, wala sa rules ‘yun, kaya nag-usap kami and we meet halfway. Ngayon, co-manager na ako ni Maui and whatever decision ng Viva, they have to consult me also kung okey sa akin and same thing with me, kung may raket ako, I have to ask their permission also," paliwanag pa ni Mrs. Taylor.

"I’m so happy now, at least okey na and I think, may movie akong gagawin under Direk Joel Lamangan, hindi ko pa alam ang title," dagdag naman ni Maui.

At klinaro rin ng dalaga na hindi na siya babalik pa sa Viva Hot Babes sa personal na dahilan, pero kapag may shows daw ang grupo at gusto siyang isama ng Viva ay tatanggapin niya dahil mahal niya ang mga dating kasama, lalo na si Katya Santos, Gwen Garci at ‘yung mga 2nd batch ng Hot Babes.
* * *
Hindi namin napanood ang interview daw ni Willie Revillame tungkol sa isinampang kasong Act of Lasciviousness ng aming editor sa PM na si Salve Asis. Nagpahayag daw ang TV host comedian na "Hindi naman totoo ang pinagsusulat nilang dalawa (Ian Fariñas at Salve), dapat nga ako ang nagsampa ng libel, e."

Mas lalo raw naging negatibo si Willie sa pahayag niyang iyon dahil itinanggi niya ang mga pahayag ng dalawang editor, ‘dapat hindi siya nag-deny, may witness, eh. At saka ano bang mapapala ni Salve kung gagawa siya ng istorya, sisikat ba siya? Ito ang ilan sa mga feedback ng mga kasamahan sa panulat. — Reggee Bonoan

vuukle comment

ACT OF LASCIVIOUSNESS

DONDON

DONDON MONTEVERDE

GWEN GARCI

HOT BABE

HOT BABES

MAUI

VIVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with