Naghakot ng audience?
April 12, 2005 | 12:00am
Isa ako sa nagtaka kung paano napuno ng audience ng isang baguhang singer na si Rizza Navales ang Vagaberde nang mag-lunch ito kamakailan ng sarili niyang album.
Yun pala, talagang dinayo pa si Rizza ng mga kaibigan niya straight from Cebu, para lang masaksihan ang launching ng debut album niya - "Rizza Navales." Nang magsimula na siyang mag-perform, walang kanta nito ang hindi pinalakpakan ng audience.
Isang sikat na singer si Rizza sa Cebu. At nagpapasalamat siyang nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng sariling album. Ngayon, makakahabol na siya sa mga kaibigan at ka-batch niyang singers na sina Luke Mejares, Anna Fegi at Sheryn Regis.
Lahi talaga nang manganganta ang pamilya ni Rizza. Yung nanay niya, maganda rin ang boses. May sarili namang banda ang kapatid niyang lalaki sa Cebu. At yung tatay naman daw niya ay lumalabas lang ang galing sa pagkanta kapag nalalasing. Actually, hindi aware si Rizza sa maganda niyang boses, yung kapitbahay lang nila ang nagsabi nito sa kanya at nag-udyok na sumali siya sa singing contest.
Pinalad naman siyang manalo sa mga singing contest tulad ng Cebu Pop Music Festival kung saan nanalo rin si Vina Morales. Nag-champion din siya sa Drug Awareness Month at Bombo Radio singing contest kung saan sina Jaya at Chad Borja ang mga kasama sa nag-judge na that time ay sinabihan na siyang magpunta ng Manila pero hindi agad niya sinunod. Hindi nagtagal, naging soloist siya ng bandang Puresouls sa Cebu.
Balak na sana niyang mag-abroad pero niyaya siya ng kaibigan niya na subukan muna sa Manila. Nag-submit ito ng demo tape sa Universal Records at pinatawag agad ni Ms. Bella Tan.
On the spot ay pinakanta siya sa harap nila Ms. Bella Tan at Ms. Yda Henares. Pero nang oras na yun ay wala siyang dalang minus one kaya ang Universal Records ang nag-provide ng tape sa kanya. Six songs ni Whitney Houston ang pinakanta kay Rizza at na-impressed ang mga nakinig sa kanya.
Pagkatapos non ay pumayag na siyang magpa-make-over - ipaayos ang ilong, pisngi, breast enhancement at liposuction, itoy araw-araw na ipinakita sa Sis. Don nagsimula ang lahat sa isang Rizza Navales.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
December 23, 2024 - 12:00am