^

PSN Showbiz

Janno Gibbs, mag-iimbestiga

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Inamin ni Janno Gibbs na hindi totoong hiwalay sila ni Bing Loyzaga. Ayon dito, di maiwasan na magkaroon ng marital problem pero nalulusutan nila ito.

Ang daming babaeng inili-link sa kanya gaya ni Jopay ng Sex Bomb Dancers. Hindi nga nito alam kung sino ang nagsimula at nagkalat ng tsismis.
Gelli, Di Pa Rin Kayang Panoorin Si Ariel With Regine V.
Although inamin ni Gelli de Belen na magkaibigan na sila ni Regine Velasquez, hindi pa rin pala ito komportable na panoorin ang asawa sa isang teleserye katambal si Regine Velasquez kaya nga natapos at natapos na lang ang Forever In My Heart hindi niya ito pinanood. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit asiwa pa rin siya kapag nakikitang magkatambal ang dalawa.

Sa kabilang banda, naging matatag ang pagiging magkaibigan nila ni Carmina Villaroel. Magkasama ang dalawa sa Nuts Entertainment bukod pa sa Sis.

Yun nga lang, hindi siya nakasama sa Darna gaya ni Mina dahil wala naman siyang offer dito. Pero sakaling may offer para magkontrabida ay tatanggapin kaya ito ni Gelli?

"Kung character role ang ibibigay sa akin ay mag-iisip muna ako."

Samantala, sa isang episode ng Sis ay napanood namin ang paghataw sa sayawan ng magagaling na guest. Bukod sa maganda ay super galing di pala ni Cherrie Lou sa pagsasayaw. May album na rin pala ito dahil maaasahan din sa pag-awit kaya lang hindi gaanong naging aktibo ang movie career.
Di Titigil Sa Showbiz
Ngayong kasal na si Jodi Sta. Maria na isa sa hosts ng Perfect Moments, suportado pa rin siya ng asawang si Pampi Lacson. Ipagpapatuloy pa rin nito ang kanyang pag-aartista.

"Wala pong dahilan para huminto ako at maging plain housewife. Alam kong nauunawaan ng aking asawa ang aking career at supportive naman siya sa akin," aniya.

Mauunawaan ni Pampi na mahal ni Jodi ang showbiz. Kung sabagay naging bahagi rin ito ng showbiz-nakalabas na ito sa Enteng Manok bilang anak ni Eddie Garcia.
Blind Item: Tumandang Binata
Guwapo ang aktor na ito na naging pambato ng isang malaking production noon. Naging ka-loveteam pa nga nito ang isa ring sikat na aktres na nanggaling sa angkan ng mga artista.

Nang manamlay ang career ay nagtrabaho ito sa isang medical company bilang isa sa mga executive dun. Marami ang nagkaka-crush sa kanya dahil kahit may edad na, guwapo pa rin ito, matikas, magandang magdala ng damit at matalino. Pero nagtataka sila kung bakit wala itong maipakilalang nobya sa pagdaan ng maraming taon.

Saka lang nila nalaman na closet queen pala ang aktor kung saan mas type ang mga lalaki kaysa sa mga babae. Kaya naman hanggang ngayon ay matandang binata pa rin siya samantalang ang mga kasabayan niyang artista ay may sarili ng pamilya at marami nang apo.

vuukle comment

BING LOYZAGA

BLIND ITEM

CARMINA VILLAROEL

CHERRIE LOU

DI PA RIN KAYANG PANOORIN SI ARIEL WITH REGINE V

GELLI

REGINE VELASQUEZ

RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with