^

PSN Showbiz

Make over sa TV, usong-uso!

- Veronica R. Samio -
Matapos ang maraming make-over shows na napanood ko sa TV while recuperating from my operation in St. Luke’s para tuloy gusto ko rin maging subject ng ganitong mga palabas. Di lang ako sure kung magagawan ako ng magic na tamang hairstyle, make-up at damit. Gusto kong malagay sa sitwasyon na di ako makikilala ng mga anak ko at ng ama nila. Exciting. Sawang-sawa na ako sa fez ko!

Ngayon, isa na namang reality make-over show ang handog ng ABS-CBN tuwing Linggo, 11:00NU simula ngayong buwan ng Abril. Pinamagatang Perfect Moment, tampok dito sina Jodi Sta. Maria, Angel Jacob at Rosanne Prieto.

Sa tatlo, pinakakilala si Jodi dahil sa recent wedding niya sa Las Vegas sa anak ni Senator Ping Lacson. Si Angel ay isang modelo at TV host ngunit si Rosanne ay isang commercial model. Ngayon lang ito sasabak sa TV.

Sa Perfect Moment, gagawan ng transformation ng Ponds ang maraming babae mula sa kanilang damit, ayos ng buhok at make-up sa panahong kailangan nilang maging perfect. Maging ito’y para sa kanyang debut, prom o job interview. Sisiguruhin din ng Pond’s na ang mga transformation na ito’y magmumula sa mga eksperto.

Kung nais n’yong sumali ipadala ang inyong pangalan, tirahan, contact no., edad, lagda, hiling para sa Perfect Moment. Maglakip ng wallet size o 3R photo ng babaeng edad 13-35 yrs. old na gustong sumali. Maglakip din ng proof of purchase ng 3 sachet ng Ponds Skin Whitening Vit. Cream 10 ml Fluid 12 ml; 1 carton ng 25ml 50ml; 1 carton ng vit. Fluid 40-70ml at ipadala sa ABS CBN Mother Ignacia St. QC o kaya ay sa Unilever Phils. 1351 UN Ave., Paco, Manila.
* * *
May reality show din ang ABC 5, ang Hollywood Dreams, isang talent search na mag-maghahatid sa isang aktor sa Hollywood.

Sa pakikipagtulungan ng Next Generation Production, iniimbita ang lahat ng aktor sa pelikula, TV at tanghalan, na may edad 18-45 na dumalo sa isang casting call sa Abril 16 at 23 sa ABC studio sa Novaliches simula 9:00NU. Hinihiling na ang bawat gustong lumahok ay maghanda ng 1-2 minutong monologue of their choice as well as headshot and resume. Ang callback ay sa Abril 24.

Labindalawang aktor ang magiging bahagi ng isang 14-week show na kung saan ay sasanayin silang muli sa pag-arte sa drama, comedy, action at romance. Tatlong top entertainment professionals ang magsisilbing hurado. Bawat linggo, may isang matatanggal hanggang sa matira na lamang ang dalawa. Dadalhin ang dalawang ito sa LA, Calif. Para sa kanilang final test, isang audition sa American casting directors, producers at directors at isang role sa pelikulang Wrinkles sa Universal Studios.

Ang grand winner ay ibabalik sa California at New York dahil kasali na siya sa pelikulang gagawin na As We See It Pictures. Bibigyan siya ng Screen Actor’s Guild Card (SAC) at ipakilala sa who’s & who sa Hollywood na pwedeng makapagbigay ng break sa kanya. May walk-on role pa siya sa isang American soap.

Ang Next Generation Production ay pinangungunahan ni Romeo Joven, produkto ng NYU o New York University lang naman. Malawak na ang karanasan at kilala na sa Hollywood at New York si Joven bilang producer, writer at director. Ka-tandem niya sa project na ito si Eric Quizon na siya ring magiging host ng Hollywood Dream. Direktor naman si Luigi Santiago na tulad nina Joven at Quizon ay galing NYU din. Balitang na-impress ang boss ng ABC na si Tonyboy Cojuangco sa konsepto ng program at sa track record ng mga proponent kaya pumayag siyang i-pa-prodyus ang show.
* * *
Gusto kong panoorin ang concert ni Patti Austin sa kanyang pagbabalik sa bansa. Na-miss ko ang una nilang concert ni Martin Nievera last January kaya go ako sa April 22 sa Araneta Coliseum.

Kung tutuusin, mahirap pagsamahin uli ang dalawang higanteng mang-aawit pagkatapos ng kanilang unang concert sa 16,000-seater venue noong nakaraang January. Pero nagawan ng paraan ng Maxi Media International na kinukulit ng marami na muli silang pagsamahin sa isang concert. "It was only a matter of finding a common schedule for the two artists who are obviously busy with their individual careers," sabi ni Jeff Cal ng Maxi Media.

Kaya sa mga hindi nakapanood sa kanilang concert no’ng nakaraang Enero tulad ko, ito na ang pagkakataon natin.

Mangyayari ang nasabing repeat sa April 22, 2005 (Friday, 8:30 p.m.) sa Araneta at sa April 23 (Saturday, 7:30 p.m.) sa Freedom Ring Amphitheater sa Clark Field Pampanga.

Puwede na kayong bumili ng ticket na nagkakahalaga ng P250, P600, P1,200, P1,800 (plus 5% service charge) sa lahat ng SM Ticketnet outlets at sa lahat ng SM Department store (911-555) kasama ang SM Pampanga at lahat ng Jollibee branches sa Pampanga. For inquiries, please call Maxi-Media office (551-7777).

ABRIL

ANGEL JACOB

ARANETA COLISEUM

AS WE SEE IT PICTURES

CLARK FIELD PAMPANGA

ISANG

NEW YORK

NEXT GENERATION PRODUCTION

PERFECT MOMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with