Mas mabangis ang mga taong may tinatagong kabulukan
April 10, 2005 | 12:00am
Sa tuwing nadadawit ang isang endoser ng mga produktong inaanunsyo sa TV at iba pang media, sa isang iskandalo, bigla na lamang tinatanggal ang celebrity model na biglang nasisira ang image.
Marami na tayong nasaksihang mga pangyayaring tulad nito. Natatandaan pa ba ninyo ng biglang naghiwalay sina Dolphy at Alma Merono, at biglang lipad din sa Amerika sina Zsa Zsa Padilla at Dolphy?
Bago nangyari ito, madalas ipalabas ng isang fastfood chain ang TV commercial na bida si Mang Dolphy. Sumabog nga ang balitang Dolphy-Zsa Zsa at naglaho rin ang anunsyo ng hamburger sa ere!
Ngayon ay may bagong iskandalo na sangkot ang isa sa mga most in-demand endorsers na si Piolo Pascual. Ang latest na produktong si Piolo ang signature model ay ang Diadora, sikat na garment manufacturer sa Europe at buong mundo. Nag-expand na kasi ang brand na ito ng mga damit kayat distributed na rin sila at may mga licence sa buong Asia at Amerika.
Sa ating bansa nga ay meron ng Diadora licensee. Magiging available na sa Pilipinas ang mga Diadora garments at sports wear. Si Piolo Pascual ang napili nilang product endorser. Nagkalat na ang mga giant billboards ni Piolo Pascual na suot ang Diadora.
Kailan lang at tampok din ng isang araw sa Fashion Week sa Glorietta ang Diadora. Syempre si Piolo ang finale sa ginawa nilang fashion show.
Kahit marami sa mga modelo ng Diadora sa palabas na yon ang naka-sexy outfit, si Piolo pa rin ang pinalakpakan at tinitilian ng husto ng mga taong nanood.
Sabi nga nila, hindi nagkamali ang Diadora sa pagkakuha kay Piolo bilang product endorser.
Ngayon kumalat na ang mahiwagang sex video at pinalabas pa sa isang talk show, magbago kaya ng isip ang Diadora Philippines?
Kumuha rin kaya ng bagong model ang Maxs Fried Chicken na aminado namang malaki ang paglakas ng benta dahil sa endorsement ni Piolo Pascual?
Paano na ang iba pang mga produktong si Piolo rin ang modelo tulad ng isang brand ng wristwatch at marami pang iba?
Kapag nawala nga kay Piolo Pascual ang lahat ng mga ito na nagbibigay sa kanya ng malaking kita, may karapatan nga siyang magdemanda sa mga taong nagpakalat o nagbigay ng insinuation man lamang na siya nga ang nasa sexy video.
Kung sakali namang hindi matitinag ang matibay na tiwala ng mga produktong kumuha kay Piolo bilang endorser, wala naman kayang mawawala sa kanya?
Nandiyan din naman ang kanyang personal na buhay na siyang pinakamahalaga kaysa sa kanyang pagiging sikat na artista at modelo. Kung ito ang higit na maapektuhan kaysa sa pagkita ng malaki, masasabing higit na perwisyo ito.
Kapag reputasyon na kasi ng tao ang kinukuwestyon, lahat ng aspeto ng kanyang buhay apektado na. Kung hindi naman gagawa ng kaukulang hakbang si Piolo, ang magiging konklusyon pa ng publiko siya na nga ito kayat nanahimik na lamang.
Lalo tuloy uminit ang usapan ng mga showbiz insiders tungkol sa mga showbiz talk shows na pawang kabalahuraan ang pinalalabas. Kanya-kanya sila ng mga paninira sa mga kapwa artista, mag-rate lamang ang kani-kanilang shows.
Ang nakababanas pa, kung sino ang siyang higit na mabangis manira, sila pa ang may mga tinatagong kabulukan sa kanilang mga sariling pribadong buhay. Sila pa ang siyang walang takot na magmaneobra ng mga katiwalian sa ibat ibang sektor ng showbiz, magtagumpay lamang ang kanilang maiitim na balak.
Kung hindi ba naman sila talaga ang higit na bulok, bakit hahangarin nilang ilantad ang kahit konti lamang kapintasan ng kanilang mga kasamahan sa hanapbuhay. Dahil naman kasi sa gusto nilang masabi na hindi lamang sila ang nangangamoy kundi pati na rin ang ibang gusto nilang idamay at makasama sa kanilang pangkat-kapalmuks.
Dito sa mga ganitong kabuktutan dapat maging gising ang MTRCB, Film Academy of the Philippines, at lahat ng mga aktibong grupo sa industriya. Magkaisa kayo upang matigil ang mga ganitong paninira sa mga artista. Mga paninirang nagbibigay ng impresyon sa publiko na "marumi" talaga ang showbiz.
Higit na maraming positibong bagay ang maaring itampok sa mga talk shows. Kaya lamang sa pagiging ganid sa rating, patuloy pa rin ang walang patumanggang paninira sa kapwa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended